Pauleen Luna on being more open with her relationship with Vic Sotto: “Hindi naman sa mas open ako but like what I always say, I value my privacy more now.”

Pauleen admits that she’s more careful about accepting kontrabida roles nowadays because she also wants to protect her wholesome image in Eat Bulaga!


Marami ang nakapansin sa kaseksihan ni Pauleen Luna nang dumating ito sa press conference ng kanyang bagong soap opera, ang Unforgettable, sa 17th Floor ng GMA-7 noong Miyerkules, February 20.

Si Pauleen ang tila magiging bagong kontrabida naman sa buhay ni Kylie Padilla sa kanilang bagong dramarama sa hapon.

Pero natatawa naman si Pauleen nang sagutin ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kung bakit seksi siya ngayon, na sa suot na body-hugger na pants ay litaw pa ang tiyan niya.

Sabi naman ni Pauleen, “Kasi nagbakasyon ako sa Hongkong with my family, kumain ako ng sobrang dami. Kaya pagbalik ko, nag-diet ako kahit paano.”

Masuwerte naman si Pauleen dahil hindi niya kinailangang maghintay ng matagal para sa bagong project.

Kailan lang nang magwakas ang Magdalena, pero heto ngayon at kasama na siya ulit sa panibagong dramarama ng GMA-7 na Unforgettable.

Nakangiting sabi nga ni Pauleen, “Oo nga, e... suwerte. Ano lang siguro, magaling akong makisama.”

Dugtong pa niya, “I think 2013 is a good year... sa trabaho, sa lahat... sige, I claim it.

“Kaka-end lang ng Magdalena and I’m working with the same team. So, I’m really happy.”

Base sa larawan niya sa tarpaulin, mukhang aapihin niya si Kylie?

“Actually, hindi masyado. Basta, abangan niyo. It’s very different sa Magdalena.

“Kasi, yung Magdalena, straight-out bad person. But this one is very different. Ayokong magsabi kasi, exciting siya.”

MORE CAREFUL WITH KONTRABIDA ROLES. Sa ngayon daw kasi, medyo maingat na rin daw si Pauleen sa pagtanggap ng mga kontrabida roles dahil naman sa ginagawa niya sa Eat Bulaga! kunsaan wholesome ang image niya.

Aniya, “I’m really careful and I talked to Direk Gina [Alajar] about it.

“We have to kinda put a little flavor to the character. Kasi, if you read the script, yun nga... straight-out kontrabida. But we have to twist the character a bit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And you know, I’m very glad na si Direk Gina is very nice to me. She understands me, so nagkasundo naman kami.”

May mga limitasyon ba siya?

“Wala naman... mas careful lang sa mga scenes, sa mga sasabihin ng roles. Kasi nga, of course, I have to protect also kasi my image sa Eat Bulaga! na wholesome.”

Diretsahan naman namin siyang tinanong kung hindi ba dahil may “nagbabawal” na sa kanya?

“No, no,” mabilis niyang tanggi.

Hindi siya nito pinagbabawalan?

“Wala,” sabi niya.

Siyempre pa, alam na rin niya na ang tinutukoy namin ay ang boyfriend niyang si Vic Sotto.

Ano lang ang iniiwasan niya ngayon sa mga roles niya?

“You know, wala masyadong violence, not too sexy... yung ganun.

“Sana… this is just ideal. Ideal lang sana. Marami na rin naman akong nagawang ganun and this is just the first time. I’m more careful now with my roles.

“Being careful with the scenes comes with it.”

MORE OPEN WITH RELATIONSHIP. Kung tutuusin, napapansin na rin naman na kumpara noon, mas “open” na siya ngayon sa relasyon niya kay Vic Sotto.

Kahit sa Instagram niya, may mga posting na rin siya ng larawan na kasama ito.

Masasabi ba niyang mas okay ngayon na mas open na siya o sila?

“Hindi naman sa mas open ako but like what I always say, I value my privacy more now. But like what he said, we’re not naman hiding anything. Pero, hindi naman ganun ka-publicized.”

Natawa naman si Pauleen nang biruin namin na at least ngayon, naise-share na niya kahit sa Instagram niya na nakakahiligan pala ni Vic ang maglaro ng Candy Crush Saga [online puzzle game].

RESPECT FOR OYO BOY. Ayaw namang sagutin ni Pauleen ang mga tanong tungkol sa Valentine’s Day. Sabi niya, ayaw na lang daw niya ng detalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ang sumunod na tanong dito ay tungkol naman sa pahayag ni Oyo Boy Sotto kamakailan na okay naman daw sa kanila [Vic’s kids] ang relasyon nina Vic at Pauleen.

Sabi naman ni Pauleen, “Ako, I respect his kids very much.

“At ako naman, kung ano naman ang comment nila, I respect it.”

Naramdaman naman niya ang sinseridad kay Oyo?

“Oo,” saad niya.

“Napanood ko lang din naman sa TV.”

Ayon kay Pauleen, hindi pa naman daw sila nagkikitang muli ni Oyo. Kaya naitanong namin na kung family gatherings, hindi ba siya nakakasama?

“Hindi pa naman,” sabi niya.

Personal niyang desisyon na huwag sumama?

“Ah hindi, hindi,” ang matipid naman niyang sagot.

Nagbiro pa si Pauleen na “magwawala” na nga raw siya dahil sa mga sunud-sunod na tanong na tila iniiwasan niyang bigyan ng detalyadong sagot.

Kaya’t sa huli, itinanong na lang namin siya kung masaya naman siya ngayon.

“Yes, yes,” nakangiting sabi niya.

Madalas sabihin na kapag masaya ang lovelife, ang career ang nagsa-suffer.

Mukhang sa kanya, parehong okay?

“I don’t know, it’s working for me,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN