Hero Angeles on long hiatus from showbiz: “Kung anuman ang nangyayari sa akin ngayon, parte yun ng past ko. Walang dapat pagsisihan.”

Hero on former love team partner and Star Circle Quest batchmate Sandara Parks: “Siyempre, very proud ako. Ngayon tagahanga na lang niya ako.”


Matagal ding nawala sa showbiz ang Star Circle Quest winner na si Hero Angeles.

Huli siyang napanood sa pelikula ng GMA Films na Sundo at sa Kapuso afternoon soap na Paano Ba Ang Mangarap? noong 2009.

Ngayon ay nagbabalik si Hero sa pamamagitan ng pelikulang The Fighting Chefs, na pinagbibidahan nina Ronnie Ricketts at Chef Boy Logro.

Naging maintriga ang kanyang pansamantalang pagtigil sa pag-aartista, kaya marami ang nagtatanong kung ano ang kanyang pinagkaabalahan noong mga panahong ’yon.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Fighting Chefs, isa ito sa mga naitanong sa kanya.

Kuwento niya, “Yung mga dating ipon ko nung medyo marami pa akong work, yun pa rin ang source of income ko.

“Parang pinaiikot ko lang siya. Gano’n.

“I still do volunteer work as an art teacher para sa mga kids.

“At saka once in a while, lumalabas din ako sa shows sa GMA -7.

“So, kahit papaano, e, may income din ako.”



NO REGRETS. Wala ba siyang regrets sa nangyari sa showbiz career niya noon?

“Wala naman,” sabi ni Hero.

“Kung anuman ang nangyayari sa akin ngayon, parte yun ng past ko.

“Walang dapat pagsisihan.

“Siguro din wala akong dapat panghinayangan.

“Dapat ko na lang i-cherish yung naging blessings ko noon.

“At yun nga, i-lessen ko na lang ngayon yung mga negative thoughts.

“Kasi, naniniwala ako somehow na malaki talaga yung naging epekto noon sa akin.

“Pero naniniwala din ako na dapat we should not dwell sa past natin.

“Ang importante, natuto tayo sa mga mali natin at gumagawa ng paraan para isaayos ko ang lahat.”

KUYA HENRY. Isa sa itinuturong dahilan ng paglamlam ng career ni Hero ay ang kuya niya na tumayong manager niya—si Henry Angeles.

Inalam ng PEP kay Hero kung pinalitan na ba niya ito at kung sino na ang humahawak sa career niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Still my brother,” sabi niya. “Hindi naman ako nagpalit ng manager.

"Sa kung anuman ang nangyari noon, kuya ko pa rin siya.

“Bali-baliktarin man, kuya ko pa rin siya at alam kong kaya niyang pangalagaan ang paghawak sa career ko.

“Pero yung sa GMA ko, basically si Kuya Germs [German Moreno] ang humawak sa akin.

“Masaya din ako kasi kahit paano, na-explore ko rin yung sa kabilang network.

“No problem ako with that, masaya ako.”



LOVE LIFE. On a personal note, naitanong sa kanya kung meron ba siyang lovelife ngayon.

“Annulled,” nakangiting biro niya. “Hindi, joke lang. Wala. Wala.

“Actually kahit noon pa, pagdating sa mga ganyan, hindi ko talaga sinasagot.

“Siguro dahil sa private life ko yun, di ako mahilig magkuwento.

“Hindi ko pa naman sabihin na talagang natagpuan ko siya pero merong ano… basta, non-showbiz siya.”

Na-i-announce ni Joross Gamboa, co-star niya sa The Fighting Chefs, na engaged to be married na siya.

Hindi ba naiinggit si Hero sa kaibigan at runner-up niya sa Star Circle Quest?


“Oo nga, nagulat nga ako kanina,” reaksiyon niya sa announcement ni Joross na engaged to be married na siya sa kanyang girlfriend of five years.

Patuloy ni Hero, “Kunsabagay, nasa right age na rin siya at mahal na mahal niya yung girlfriend niya.

“Ako, hindi ko maiisip na mag-settle down. Parang ano… nagsisimula pa lang ulit ako sa career ko kaya di pa pumasok yan sa isip ko.

“Siguro two years ago, nag-isip din ako. Pero parang dumaan lang ako sa stage ng isang lalaki na all of a sudden naiisip mong mag-asawa at magkaanak.

“Pero, lumilipas din.”

REMEMBERING SANDARA. Nabanggit namin sa kanya ang co-winner niya sa Star Circle Quest na si Sandara Park, na ngayon ay sikat na sikat na worldwide bilang miyembro ng K-Pop group na 2NE1 at mas kilala na sa pangalang Dara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, very proud ako,” nakangiting sabi ni Hero.

“Ngayon tagahanga na lang niya ako.

“Kahit naman noon pa, alam ko na ganoon ang magiging direction niya.

“Kasi si Sandara, grabe ang determination niya. Pag gusto niya, gagawin niya lahat para ma-achieve niya yun.

“Natutuwa naman ako pag nababanggit pa din niya kami ni Joseph sa interviews.

“Kumbaga, hindi rin siya nakalimot.”

Si Joseph Bitangcol ang ex-boyfriend ni Sandara at ka-batchmate din nila sa Star Circle Quest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN