Jon Santos on adopting a child: "There are certain times na it’s a good idea, pero there are times na we thought how complicated it might be."

Jon Santos on partner West Stewart: “Pinoy na Pinoy na siya in so many ways. Kahit sabihin na nating half-American siya at half-Italian, pero sa puso, e, 100 percent Vilmanian ‘yan tulad ko!”


Pagkalipas ng walong taong pagsasailalim sa isang commitment ceremony, wala na halos update sa relasyon ng mag-partner na Jon Santos at West Stewart.

Ginanap ang ceremonial bonding na iyon sa Canada, noong August 24, 2005 sa harap ng isang judge at ilang mga kaibigan.

Sina Jon at West ay nag-pledge sa isa’t isa ng “Till death do us part.”

Ang detalye ng “kasalan” ay minsan nang naisulat in full detail dito sa PEP.ph (Philippine Portal Entertainment).

Kamakailan lang, tinanong namin si Jon tungkol sa update ng kanyang “married” life.

“Heto, West and I have been going on for eight years,” excited niyang pagbabalita.

“He still works in the Philippines… sa Asia, so it’s pretty much sure where we are going to be based.

“Our consideration na sa ibang bansa kami titira are now on hold lahat yun.

“He likes yung takbo ng career ko sa Viva, so we felt na no need to change my career or have a life somewhere else.

“Masaya pa naman kami both dito, kahit lagi rin siya wala dahil sa demand din ng work niya, pero okey lang yun.”



LOCAL CEREMONIES. Si West ay involved sa science and environment projects kung saan madalas itong nasa Visayas at Mindanao at sa ibang part ng Asia.

Hindi ba nila kinunsidera na “magpakasal” locally for the second time sa Baguio City na sentro ngayon ng ceremonial bondings ng gay couples?

Ani Jon, “Not at the moment. Kasi, mababago kasi yung anniversary namin na August 24, di ba?

“Ayaw ko namang pabagu-bago ng date.

“I would rather stick sa date na yung feeling ko ay babaeng-babae ako.

“Na ikaw lang ang apple of the eye ng lalaking mahal mo and vice versa. So maybe, we would rather not.

“For me naman kasi is… what is important, masaya kaming nagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Andoon pa rin yung flame and love namin sa isa’t isa for so many years—that would suffice na.”



VILMANIAN. Kahit papaano raw ay naka-adjust na ang kanyang hubby sa Pinoy culture.

“Oh, yeah,” mabilis niyang tugon.

“He’s very mabait. Pinoy na Pinoy na siya in so many ways.

“Kahit sabihin na nating half-American siya at half-Italian, pero sa puso, e, 100 percent Vilmanian ‘yan tulad ko!” natatawang banggit pa niya.



ADOPTION. Bukas ba ang 47-year-old impersonator at 57-year-old professional na mag-adopt ng bata para meron silang bundle of joy?

Natatawang bulalas ni Jon, “No, no! Second childhood ko na, ako na ang bata sa aming pamilya!”

Sabay bawi niyang, “Napag-uusapan. There are times na napag-uusapan namin.

“There are certain times na it’s a good idea, pero there are times na we thought how complicated it might be.

“May mga araw na, ‘Why not?’ May mga araw, ‘’Wag na lang—too complicated.’’

“Yung ganun. Kasi, di naman natin talaga alam kung saan tayo tatanda… so it might cause a problem later on.

“Pero, on adoption, hindi na bago sa aming pamilya. I have siblings na merong adopted children.”



SURROGATE. Nabanggit ng PEP kay Jon na may ibang gays na ang kanilang semen ay ninu-nurture at inilalagay sa ovary ng isang babae.

Willing ba silang mag-undergo ng ganitong procedure?

“Thank you for asking, pero never pang napag-usapan,” seryosong sagot niya.

“Parang no need. Parang gusto namin na magbigay ng tulong, ng bubong, sa isang batang naisilang na, na in need of help.

“Yung parang surrogate parenting—parang not yet a welcome idea sa amin.

“Well kanya-kanya naman kasi ‘yan. If one feels na yun ang gusto niya and kaya mo namang panindigan, go ahead.

“Yung demand of the emotion… yung tipong ito talaga ang gusto ko, to each his own na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It doesn’t follow na porke someone has done it, e, gagawin mo na rin.

“If ever man sa amin ni West, dadaan muna ‘yan sa mahabang talakayan, mahabang diskusyon,” pagtatapos ni Jon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN