Muntinlupa court dismisses cases filed by Manuel Jimenez III against sister-in-law Rochelle Barrameda for "lack of probable cause"

Ito ang pahayag ng aktres na si Rochelle Barrameda tungkol sa kanyang bayaw na si Manuel Jimenez III pagkatapos ibasura ng korte ang mga kasong isinampa ng huli laban kay Rochelle: “Wala akong masamang ginawa sa kanya. Siya ang may atraso sa buong pamilya namin at sa mga nagmamahal sa kapatid ko na si Ruby Rose. Nakakatawa sila, lahat gagawin para pasakitan kami. Hindi namin sila uurungan."


Ikinatuwa ng aktres na si Rochelle Barrameda ang magandang balita na natanggap niya ngayong tanghali, February 25.

Ito ay ang dismissal ng Muntinlupa Regional Trial Court ng mga kasong violation of Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act) at Republic Act 4200 (Anti-Wire Tapping Act) na isinampa ni Manuel Jimenez III laban sa kanya noong July 2012.

Si Manuel III ang asawa ng kapatid ni Rochelle na si Ruby Rose Barrameda, na nawala at pinaslang noong March 14, 2007.

“Lack of probable cause” ang ibinigay na dahilan ng pagkaka-dismiss ng mga kasong isinampa ni Manuel III kay Rochelle.

Sinampahan ni Manuel III ng Violation of R.A. 4200 at R.A. 7610 si Rochelle dahil sa recording nito sa telephone conversation ni Ruby Rose at ng kanilang mga anak na ipinalabas sa XXX ng ABS-CBN. Ito ay pagkatapos matagpuan ang labi ng pinaslang sa Navotas City noong June 2009.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rochelle ngayong tanghali, ang Diyos ang kanyang unang pinasalamatan.

Saad niya, “I’ m thanking God for the good news. Been praying for this.

“Wala akong masamang ginawa sa kanya [Manuel III].

“Siya ang may atraso sa buong pamilya namin at sa mga nagmamahal sa kapatid ko na si Ruby Rose.

“Nakakatawa sila, lahat gagawin para pasakitan kami.

“Hindi namin sila uurungan.

“Nagpapasalamat ako sa prosecutor na nag-handle ng mga kaso dahil sa patas na pagdinig.

“Kahit papaano, nabawasan ako ng aalalahanin though puwede pa nila i-appeal ito.

“Lahat ng ito, alam ko na may magandang kahihinatnan.”

Dagdag pa ni Rochelle, “To Marga, sa pamangkin ko, wala akong idinasal kundi ang makasama namin sila ni Marta sa tamang panahon... maghihintay kami.

“Naniniwala ako na may justice pa rin sa ating bansa. Yung hindi nadidiktahan ng kung sino at nadadaan sa impluwensiya ng iba.

“God is really good. Maraming salamat po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN