Sheena Halili donates hair to cancer patient; wants to try kontrabida roles

Sheena Halili is happy to do both action and drama in GMA-7’s fantaserye Indio. Now that she has achieved two of her dreams roles in one project, she now wished to do kontrabida roles.


Marami ang nakapuna na bagay kay Sheena Halili ang short hairdo nito ngayon.

Pero hindi pala naging madali para kay Sheena na pagupitan ang kanyang buhok.

Mula kasi nang magsimula siya sa showbiz ay long hair na siya dahil "mas dalaga" raw tingnan kapag mahaba ang buhok ng isang babae.

Ikinuwento ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Pebrero 23, sa Baguio City, kung bakit siya nagpagupit.

“Nag-storycon pa lang yung Indio, mga August ‘yon, sinabi nila sa akin na, ‘Okay lang ba, Sheena, na magpagupit ka? Kasi yung story ganito…’ na parang Mulan daw ang peg ko.

“So ako naman, ‘Hindi muna po ako mag-yes, pag-isipan ko muna.’

"Pero sobra, nung mabasa ko yung script, ‘tsaka nung malaman ko sino ba talaga si Mayang sa show na ‘to, talagang worth it naman na magpagupit ka.

“Kasi kailangan, e, kasi mas mabibigyan ko ng justice yung character, mas mapi-feel ko siya. Kasi alam mo ‘yon, hindi siya fake.”

Pero natatawang inamin ng aktres na minsan ay pumasok sa isip niya na wig na lamang ang kanilang gamitin.

Katunayan, nasubukan pa nga niya ito, kaya lang, “Magkakaroon pa ako ng eksena na kailangan kong tanggalin yung tali ko, so makikita talaga na wig siya.

“At saka, ayun nga, napag-usapan din talaga na kailangan ko siyang gupitin.”

HAIR FOR A CAUSE. Kaya naman ang pampalubag-loob na lamang ni Sheena ay mayroong makikinabang sa ipapuputol niyang buhok.

Ang naging kasunduan daw kasi nila ng team ng Indio, “Tutal magpapagupit din naman ako, and para naman sa show, gusto ko naman po yung gugupitin na hair ko, mapunta po sa isang cancer patient.

“Ginawa ko rin siya para sa show at ginawa ko siya dahil may mapupuntahang maganda yung buhok ko, para isang tao pa yung makikinabang do’n.”



COMEDY TO DRAMA. Samantala, ibang Sheena raw ang napapanood ng mga tao sa primetime fantaserye na Indio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala raw kasi siya sa comedy, pero dito’y drama at action ang kanyang ginagawa—na isang "answered prayer" para sa kanya.

Aniya, “Gusto ko siguro… kumbaga kasi nakilala na ako na…

"Hindi ko naman sinasabing nakilala talaga, nakilala ako ng mga tao bilang komedyante.

“So siguro, ito na yung time, yung opportunity ko para magpakilala na puwede na ako sa drama.

“Parang sa show na ‘to, di ba, kasi kapag nagalingan sila sa ‘yo sa isang bagay, sa isang… ‘yon nga, sa isang acting, comedy, basta typecast ka kasi, lagi ka doon.

“Suwerte ako dahil kahit nakitaan nila ako na magaling sa comedy, binigyan nila ako ng opportunity na…

"Alam mo, hindi ko naman pinu-push, e, hindi ko naman sinasabi na gusto ko mag-drama.

"Pinagpe-pray ko lang, kay God ko lang sinasabi.

“Ngayon, binibigyan ako ng opportunity na, ‘Try natin si Sheena sa drama,’ siyempre ayoko naman silang ma-disappoint.

"And kapag hiningi mo, sobrang ibibigay talaga sa ‘yo, e.”

KONTRABIDA ROLE. Ngayong nasubukan na ni Sheena ang mag-drama at action, gusto naman daw niyang maranasan na maging kontrabida.

“Gusto ko siguro yung feeling maganda lang, nagtataray-taray lang, yung gano’n.

“Yung tipong nasa mahirap kayong lugar, tapos feeling mo ang ganda-ganda mo, yung gano’n, echosera lang na kapitbahay.”

Pero kung gaganap na kontrabida, may request daw si Sheena: “Kailangan ang ano, hindi ganoong katangkad sa akin [‘yong aapihin ko].

“Kasi mahirap apihin yung mas matangkad sa akin!

“Basta parang kailangan i-request ko lang ata na kapag magkontrabida ako, ‘wag naman po yung mas malaki sa akin yung bida.

“Kasi baka kapag sinampal ko siya, ako lumipad, di ba?” sabay tawa ni Sheena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN