Ai-Ai delas Alas’s relationship with boyfriend Jed Salang is on the rocks, confirms Boy Abunda

Ito ang pahayag ng manager ni Ai-Ai delas Alas na si Boy Abunda sa usap-usapang may pinagdadaanan ngayon ang relasyon ng komedyana sa boyfriend nitong si Jed Salang: “I cannot give you details dahil hindi ko pa po alam ang detalye. Pero ang masasabi ko, yes, may problema sila.”


Mismong ang manager ni Ai-Ai delas Alas na si Boy Abunda ang nagkumpirma na may pinagdadaanan ngayon sa kanyang lovelife ang Comedy Concert Queen.

Ang non-showbiz boyfriend ni Ai-Ai ay ang businessman na si Jed Salang, na nababalitang pinakasalan na nito.

May nagpadala kasi ng tanong sa “Buzz ng Bayan” segment ng The Buzz kung totoo bang may pinagdadaanan si Ai-Ai at ang boyfriend nito.

Nasa ibang bansa si Ai-Ai ngayon. Umalis siya ng Pilipinas pagkatapos ng concert niya kasama ang Korean pop superstar na si Psy noong February 16.

Dahil wala nga si Ai-Ai sa bansa, ang manager nitong si Boy ang sumagot sa tanong.

Saad ng TV host-talent manager, “Ganito po yun… si Ai-Ai po, wala sa ating bansa.

“She left for out of the country after his concert with Psy. Expecting her back tomorrow.

“Gusto ko sana siyang magsalita, pero ako ang tinanong.

“Ganito ang sagot diyan, sabi ni Phillip, my assistant, si Dada, nag-Instagram daw ang isang fan kay Aileen [Ai-Ai’s real name].

“Ang sabi, ‘You’re so blessed. Masaya ka sa boyfriend mo. Wala ka nang mahihiling pa…’ Parang ganoon.

“Ang sagot daw ni Ai-Ai, ‘Ikaw naman, para kang secretary ni Lord.’”

Ang sagot naman daw ng isang tagahanga: “Ms. Ai, di ba, ‘yan ang sinabi mo noong mag-guest ka kay Kris, sa Kris TV? Di ba, ang sabi mo, nahulog sa Diyos ang boyfriend mo?’

Sabi raw ni Ai-Ai, “Oo nga pala, nasabi ko ‘yan, He he he.”

At dito na nga sinabi ni Boy na may pinagdadaanan nga sina Ai-Ai at Jed.

Dagdag ni Boy, “Siyempre, tayo ay umaasang maayos.

“I cannot give you details dahil hindi ko pa po alam ang detalye.

“Pero ang masasabi ko, yes, may problema sila.”

Tinanong naman ni Toni Gonzaga, co-host sa The Buzz, si Boy kung hindi pa nga ba nagpapakasal sina Ai-Ai at Jed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Boy, “Hindi pa.”

Dagdag niya, “We don’t know the details. But yun, ayokong magsinungaling.

“May problema. May pinagdadaanan.

“Ano ang detalye? I don’t know much.

“Pero hihintayin po natin si Aileen dito sa The Buzz para siya ay magpaliwanag dahil gusto ninyo pong malaman.”

Tinanong ng isa pang co-host sa programa na si Charlene Gonzalez si Boy kung, bilang kaibigan ni Ai-Ai, nakikita ba ni Boy na may posibilidad na maayos ang kung anumang pinagdadaanan ngayon ng komedyana at ni Jed?

Sagot ni Boy, “Yes, I’m a possibilities. Na lahat naman ng bagay, may possibilities.

“Pero, for Ai-Ai actually to leave after the concert, medyo may kabigatan siguro ang kanilang pinagdadaanan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN