Aiza Seguerra denies resigning from Be Careful With My Heart because of Eat Bulaga!

Naging malaking isyu ang nabalitang pagre-resign diumano ni Aiza Seguerra sa ABS-CBN daily soap na Be Careful With My Heart. Ayon sa report na lumabas, may kinalaman sa pagtatapat ng programa nila at ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! ang pagbabalak daw ni Aiza na pagre-resign sa show. Pero sabi ni Aiza, "I’m not resigning."


Maraming tagasubaybay ng top-rating ABS-CBN daily soap na Be Careful With My Heart ang nabahala sa lumabas na balitang magre-resign na raw ang isa sa mga miyembro ng cast nito.

Ito ay si Aiza Seguerra, na gumaganap bilang Cristina Rose o “Kute” sa show na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Aiza pagkatapos ng Himig Handog 2013 grand finals sa SM Mall of Asia Arena noong Linggo, February 24.

Dito ay inusisa namin siya kung tuloy ba ang balitang aalis na siya sa Be Careful With My Heart.

Sagot ni Aiza, “Pinag-uusapan namin ng management and the production.

“So far, right now, at this very moment, I’m staying.”

Ang dahilan diumano ng sinasabing balak ni Aiza na pag-alis sa Be Careful With My Heart ay dahil nakakatapat ng mahigit 30 minutes ang kanilang palabas at ang noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga!.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sa Eat Bulaga! nagsimula si Aiza bilang 4th runner-up sa talent search na Little Miss Philippines noong 1987.

Ngunit ayaw na itong pag-usapan ni Aiza nang tinanong namin siya tungkol dito.

Aniya, “I’d rather not talk about it.

“I think it’s better na ang pag-uusap na yun is between me, production ng Be Careful With My Heart and, of course, the management—ABS.

“That’s all I can say, I’m not resigning."

Pero pag-amin din niya, “Medyo mahirap sa akin ang situation.”

Ayon kay Aiza, mahal niya ang Be Careful With My Heart at itinuturing niyang pamilya ang lahat ng bumubuo nito.

Sobra rin ang pasasalamat ni Aiza sa mainit na pagtanggap ng publiko sa Be Careful With My Heart at sa consistent na mataas na ratings nito.

“I’m very happy… unexpected, kumbaga phenomenon.

“Everywhere I go, ang pangalan ko na ‘Cristina Rose’ or ‘Kute…’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami pang puwedeng mangyari.”

Mainit din ang pagtanggap ng mga tao sa “loveteam” nina Aiza at Tom Rodriguez sa serye. Ano ang masasabi ng singer-actress dito?

“Okay lang. Tom and I are very, very good friends—to make this whatever loveteam we have now.”

GRAND PRIZE WINNER. Sa nakaraang grand finals ng Himig Handog 2013 ay nanalo ang kanta ni Aiza na “Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa” ng first prize.

Ang awitin ay isinulat ni Jovinor “Joven” Tan.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Aiza tungkol sa panibagong tagumpay, “Much more than anything, sobrang happy ako kasi na-touched kayo ng kanta.

“I think nagustuhan nila, so thank you very much. Masayang-masaya!

“Winning naman is not my intention, I just want to interpret the song as best as I could.

“I’m very happy na yun nga ang nangyari.

“I’m happy for Joven.

“I’m happy na narinig ng maraming tao and, hopefully, by winning in Himig Handog, mas marami pang makakarinig ng kanta, mas maraming makakagusto.”

Dagdag niya, “Actually, hindi ko naman kasi naging target ang manalo,.

“Ang kaba ko ay sa interpretation ko, kung magagawa ko ba nang tama.

“Kasi, wala pa akong tulog talaga, medyo kabado talaga ako.

“Pag harap kong kumanta, parang sa akin kasi, ‘Bahala na.’

“Ika nga, itong bola, wala sa atin.

"I’m happy na kami nga ang nanalo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN