Bryan Termulo on "ultimate crush" Sarah Geronimo: “Gusto ko siyang kilalanin at yung mga tao sa paligid niya.”

Sa mga pinagdaanan ni Sarah Geronimo, sinabi ng singer na si Bryan Termulo (nasa larawan) na sana ay ma-involve din siya sa lovelife ng Pop Princess: “Inisip ko rin nga yun minsan, pero pabiro na lang. Pero jokes are half-meant, sabi nila, e!”


Nananatiling ultimate crush ng tinaguriang Prince of Teleserye Theme Songs na si Bryan Termulo ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Katunayan, wish ni Bryan na makita sa audience o di kaya ay makasama sa stage ang actress-singer sa magaganap na first major self-titled concert niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bryan sa presscon ng concert niyang Bryan Termulo XXV sa Music Museum, na gaganapin sa March 8.

Ayon kay Bryan, pagkakataon na sana niyang imbitahin nang personal si Sarah nang mag-guest siya sa Sarah G. Live! noong December last year, pero hindi niya nasabi ang imbitasyon.

Nagkuwento pa si Bryan sa masaya niyang karanasan nang makaharap uli si Sarah.

Sabi niya, “Nagulat ako dahil kilala na raw talaga niya ako.

“As in, ‘Bryan, kilala kita. As in, kilalang-kilala talaga kita.’ Sabi ko, ‘Talaga?’

“’The famous Bryan!’ sabi pa nga niya sa akin. ‘Bakit?’” tanong daw ni Bryan kay Sarah.

“’Basta,’ sabi niyang ganoon.

“Nagkuwento na rin lang ako at sinabi ko nga, ‘Salamat, naimbitahan ako sa Sarah G. Live! as guest. Sobrang big break ito sa akin dahil makapag-guest sa show, sobrang malaking opportunity ito sa akin.’”



WELL-ACQUAINTED. Noong sinabi ni Sarah yung katagang “famous Bryan,” ano ang naramdaman niya?

“Feeling ko, namula ako ng konti. Kasi, hindi ko akalain… iniisip ko kilala niya ako sa mukha—puwede yun, e.

“May mga artist na kilala ka sa pangalan, pero sa mukha hindi.

“Noong sinabi niyang, ‘Oh, Bryan,’ sabay beso sa cheek, medyo nakakakilig yun!”

Nagkaroon ba siya ng malisya agad sa halik?

“Hindi! Hindi naman!” sabay tawa niya nang malakas

“Kilig lang, kilig lang!” dugtong niyang ngingiti-ngiti.

“Tanggapin na natin na Sarah is Sarah. Sobra akong masaya that day dahil kilalang-kilala raw niya ako.”



STRATEGY. Inamin ni Bryan na meron na siyang kinakausap na gagawa ng paraan para maimbitahan ang Pop Princess sa kanyang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-iisip lang daw ng magandang paraan si Bryan para maimbitahan sa Sarah sa concert niya.

“Naghahanap ako, pero hinahanap ko kung sino ang dapat kausapin.

“Pero meron talaga akong kilala para gawin yun.

"Pero marami talaga akong iimbitahang mga espesyal na tao sa buhay ko.

“Like si Ms. Regine Velasquez-Alcasid kung matutuloy. Si Sarah nga kung matutuloy.

“Si Ms. Regine kasi, gusto kong ipagmalaki sa kanya yung kaunting narating ko from Pinoy Pop Superstar.

“Sobrang iniidolo ko siya dahil napaka-supportive niya sa amin noong time sa show.

“Saka inspirasyon ko yung humble beginning niya. Galing din siya sa Bulacan, ako rin po tiga-Bulacan.”

Si Bryan ay produkto ng singing talent search ng GMA-7 noon na Pinoy Pop Superstar. Naging runner-up siya ni Maricris Garcia sa ikatlo at huling season ng show.



SLEEPLESS. Ano naman ang nararamdaman ni Bryan kapag may mga bali-balita kay Sarah, na palagi itong broken-hearted?

Naisip ba ni Bryan na sana’y siya na lang yung minahal ni Sarah?

“Ahm… inisip ko rin nga yun minsan, pero pabiro na lang.

“Pero jokes are half-meant, sabi nila, e!” sabay tawa niya kasunod ng pagbawi niya sa huling sinabi.

“Ahm… every time na nakikita ko siya sa TV, kahapon [last week] bago ako matulog, inabangan ko yung Bandila niya.

“Kasi nag-flash doon, ’Sarah Geronimo may bagong soap, magiging coach ng ganito.’

“So, hinintay ko talaga yung full interview noon bago ako natulog.

"Basta anything about Sarah, pinapanood ko, e.

“I don’t know, not being stalker, ha? Pero gusto ko siyang panoorin.”

Ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Sarah? Crush lang ba o may love feelings na? Napapanaginipan niya ba si Sarah?

“Napapanaginipan ko ba? Minsan.

“Sabi nila, kapag naiisip mo ang isang tao, napapanaginipan ko siya.

“May mga times na napapanaginipan ko siya, pero hanggang doon lang, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SUPER FAN. Nakapagpapirma na ba siya ng autograph kay Sarah?

Pagtatapat ni Bryan, “Lahat ng album niya, meron ako.

"Hindi man ako pumunta sa mga malls at concert niya, paborito ko siya.”

Kung sikat na sikat siya at ka-level na ng big stars o singers sa Kapamilya network, liligawan na ba niya si Sarah?

“Ahm… pag dumating yung time na magkaroon kami ng production numbers together. Kasi, doon ko makikilala siya nang husto, di ba?

“Hindi ko siya popormahan… Gusto ko lang malaman talaga yung hobbies niya, kung ano yung routine niya sa buhay.

“Kung tatanungin ako kung gusto ko siyang makilala, yes. Gusto kong malaman yung mga likes niya at hindi niya gusto.

“Gusto ko siyang kilalanin at yung mga tao sa paligid niya.”

Sheltered masyado si Sarah ng family niya, willing ba siyang mag-effort nang todo para makalapit nang husto sa actress-singer?

“Kung mahal mo talaga yung tao, gagawin mo para sa kanya,” sagot ni Bryan.



DESTINY. Bago napunta sa ABS-CBN si Bryan, naging Kapuso talent siya matapos siyang maging runner-up sa Season 3 ng Pinoy Pop Superstar.

Nang mapalitan ang Party Pilipinas ng SOP, kung saan regular na lumalabas si Bryan, lumipat na siya sa Kapamilya Network.

Hindi kaya destiny na magkakilala sila ni Sarah dahil pinangarap niyang maging talent ng ABS-CBN at nangyari naman ito?

“Mas lalo ko siyang nakilala noong nasa ABS-CBN na ako.

“Kasi dati, nagpa-picture ako sa kanya sa Trinoma noong nanood siya ng sine.

“’Puwedeng magpa-picture?’ sabi ko sa kanya.

“Nandoon yung mama [Mommy Divine]. Sabi naman, ‘Sige, magpa-picture ka.’

“Hindi na niya siguro matatandaan yun kasi hindi naman niya ako kilala noon, e.

“Sabi ko, ‘Alam mo, fan mo ako.’ Sabi niya, ‘Thank you.’

“After na ‘yan noong contest namin sa GMA-7, mga three years ago na yun.”



FIRST CONCERT. Tungkol naman sa magaganap niyang concert, gaano na ba siya ka-excited para dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang excited ako kasi first ko ito.

"Yung ibang artista, mga singers, lagi nilang iniisip na, ’Kailan ako magkaka-concert?’

“Eto, ilang araw na lang ang binibilang ko, concert ko na.

“Sobrang saya, pero kabado ako sa paglapit noong mga araw. Music Museum na ito—concert venue ng mga artists.

“Sana magsaya sila at wala akong makikitang vacant na upuan, mas maganda yun.”

Ano ba ang aasahang mapapanood sa concert niya?

“Kakanta ako ng Jason Mraz, yung pinakamabilis na kanta ni Jason.

“Panahon na rin na isipin nila na kapag singer ka, kailangan marunong kang sumayaw.

“You have performed very well na hindi ka lang kakanta sa mic at walang gagawing routine o steps.

“Hindi ako sumasayaw pero talagang na-challenge ako and I really put extra effort para sa concert na ito.”

Sa palagay kaya niya dapat na ba siyang bigyan ng concert o lutuin muna ang pagiging Prince of Teleserye Theme Songs niya?

“One year in the making itong concert. Tapos, yung preparation, three months.

“Siguro, napapanahon na rin siguro sa tulong ng mga theme songs. Siguro, hindi makikilala si Bryan kung walang mga theme songs."

Si Bryan ang umawit ng theme song para sa Walang Hanggan at 100 Days To Heaven sa Kapamilya network.

“So habang nandiyan pa at may bago akong teleserye theme song, bakit hindi natin bigyan ng patikim yung mga followers sa pamamagitan ng concert?

“Doon ko rin malalaman on how far na talaga yung naabot ko.

“Kung mapuno man yun, it means somehow na na-establish ako sa mga songs na kinanta ko,” saad niya.



MUSIC ALBUM. Sa tingin niya, ano pa ang kailangang gawin para mag-move sa next level ang career niya sa showbiz?

Sagot ni Bryan, “Ahmm… since meron din naman akong album… iba kasi yung theme song na ibinibigay nila sa akin sa sa prinu-promote kong album, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As far as I know, yung album ko naman, so far, so good. Sana mag-gold na siya.

“Kasi doon ko rin malalaman kung… since wala yung mga songs ko doon…

“Dalawang songs lang naman yung nakalagay sa second album ko, bonus tracks pa nga yun, e.

“Doon ko malalaman kung si Bryan ba ay kilala kahit wala siyang iki-carry na teleserye theme songs.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN