Ogie Alcasid hopes to have second baby with Regine soon: “Kapag naghintay pa kami ng matagal na panahon bago masundan, e, singkuwenta na ako!”

Sa kabila ng pag-amin ni Ogie Alcasid na may pag-uusap na sa napipintong paglipat niya sa TV5, sinabi ng singer-comedian na hindi niya hinihikayat ang misis niyang si Regine Velasquez na lumipat din. Sabi ni Ogie, “No. I cannot. And I never, I never influence my wife on anything. Except yung… kung ano yung kakainin niya.”


Nakakatawa ang eksenang naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikulang Raketeros kahapon, Martes, February 26.

Sa Himlayang Pilipino Memorial Park ang location, kung saan nagbabangayan sina Janice de Belen at Cherry Pie Picache sa isang lalaking ililibing.

Habang nagtatarayan sina Janice, bilang legal wife, at Cherry Pie, bilang mistress, nasa gitna naman si Ogie Alcasid na panay ang kanta ng mga kantang pinasikat niya.

Kasamang bida ni Ogie sa pelikula sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Andrew E., at Dennis Padilla.

“Kaming apat, iba-iba kami ng raket,” ani Ogie nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa istorya ng kanilang pelikula.

“Ako, singer na kumakanta rin sa mga funeral. Si Andrew ay pari, si Herbert naman ay cable guy. Tapos, si Dennis ay hustler sa bilyaran.

“Nakakatuwa na makatrabaho ko sila sa project na ito.

"Actually, na-miss ko sila.

“It’s been over… siguro twenty years na rin, e, mula noong huli kaming nagkasama sa movie.

“So, ayun. Ngayong matanda na kami, nakakatuwang kasama ko ulit sila sa pelikula.

“Siyempe, iba na ang panahon ngayon… na marami nang mga bagong komedyante, di ba?

“I believe na yung fans din naman namin na kasing-edad na rin namin ngayon, e, siguro nami-miss din kami.

“And it’s good. Subukan naman natin itong ganitong klase ng comedy.”



LEADING LADY. Si Sam Pinto raw ang leading lady ni Ogie sa Rakateros.

“Pero hindi pa kami nagsu-shoot together," banggit niya.

“Sa aming apat, ako lang ang may leading lady.

“Kasi si Herbert, yung role niya… pareho silang may anak ni Dennis. Ako… binata, pari naman si Andrew.”

Equally divided naman yung roles nila? Lahat sila bida?

“Yes, most definitely. Makikita mo naman sa latag ng script.

“Si Randy Santiago ang director who is kaibigan din namin.

“This is produced by Heaven’s Best, ang production outfit nina Herbert at mga kapatid niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NETWORK TRANSFER. Maingay pa ring usap-usapan tungkol sa malamang na paglipat ni Ogie sa TV5 pagkatapos ng kontrata niya sa GMA-7.

Sabi ng singer-comedian at songwriter, “Wala pa tayo doon. Pero inaamin ko naman na may offer nga.”

Balitang malaki ang offer ng Kapatid network sa kanya, pero natawa lang si Ogie nang matanong namin tungkol dito.

Aniya, “Huwag muna nating pag-usapan iyon.

“At saka… hindi pa nga. I still have a contract with GMA, e. So, wala pa."

So hinihintay pa niyang mag-end muna ang kontrata niya sa Kapuso network bago siya tuluyang makipag-negotiate na sa TV5?

“Hindi. Si Leo [Dominguez, his manager] na lang ang bahala doon!” sabay tawa ulit ni Ogie.



SATISFIED. Pero sa ngayon, masaya naman daw si Ogie sa GMA-7.

Saad niya, “I don’t think I’ve ever been… the amount of support that they’ve given me throughout my career, I cannot ask for anything else.

“It’s a family—it’s a home for me.

“But obviously, there are others who are offering me themselves. So… hindi ko alam!

“E, hindi pa natin nga masasabi sa ngayon kung lilipat ba tayo o hindi.

“For now, I can’t really make any comment, e.

“Naka-eighteen years na rin ako sa GMA. Kung gaano katagal na ang Bubble Gang, ganoon din ako.”



INFLUENCE. Hindi kaya maimpluwensiyahan din niya ang kanyang misis na si Regine Velasquez na lumipat na rin?

“No, I cannot. And I never... I never influence my wife on anything,” giit niya.

“Except yung… kung ano yung kakainin niya.

“Ako, kung ano ang gusto niya, e, susuportahan ko siya.

“Wala akong… my wife has her own mind. She’s very independent-thinking.

“Although siyempre, of course, husband and wife kami, ano? But pagdating sa career, hindi naman ako nakikialam doon.

“Career niya yun, e, hindi naman sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



OPM. Ang focus daw ni Ogie ay ang iba’t ibang commitments na pinagkakaabalahan niya sa ngayon.

“I’m very very busy with OPM [Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit].

“Itong weekend na ito, nag-launch kami ng OPM Means. It’s a concert doon sa Clark airbase.

“Tapos nag-judge ako sa Himig-Handog ng ABS-CBN. At tuwang-tuwa naman ako na ginawa nila akong chairman ng panel of judges.

“So I’m so happy to hear those songs from ABS-CBN.

“Nagpapasalamat ako sa kanila at binigyan nila ako ng pakakataon na mag-judge sa kanilang mga songs.

“So natutuwa ako na unti-unti nang lumalakas ang OPM [Original Pilipino Music].

“Kung inyong naririnig yung mga songs nina Abra, yung ’Gayuma’; yung songs nina Gloc-9, ’Sirena’; yung mga rock songs siyempre ng Parokya Ni Edgar, and of course, our pop ballads… yung ’Pusong-Bato...’

“Nakakatuwa dahil unti-unti ko na namang nararamdaman ang pagbalik ng OPM. So I’m very, very happy.

“And marami pa kaming mga projects this year. And we’ll promote OPM. Tuluy-tuloy lang po ‘yan.”



NEW ALBUMS. Masaya rin si Ogie sa magandang feedback sa kanyang latest album na The Songwriter and The Hitmakers.

“Praise God at nag-number one siya for few weeks. And nag-Gold na po siya.

“Yun, nakakatuwa. Kasi lahat ng genre, tinatangkilik, di ba?

“Na may ballad, may rap, may rock, may hip-hop, may novelty, may pang-jukebox—ganoon. So, nakakatuwa.”


Masaya rin si Ogie sa tagumpay ng Foursome, ang Valentine’s concert nila ni Regine, kasama sina Pops Fernandez at Martin Nievera na ginanap sa MOA Arena.

“At siyempre, meron kaming repeat sa March 16… sa MOA arena pa rin. And very positive ang sales ng ticket din.

“So, nakakatuwa naman. All in all, masaya. Very blessed.

“Tapos ngayon, nagsu-shooting naman nga kami para dito sa Raketeros.”



VACATION. Very busy sila ni Regine sa kani-kanilang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Do they still find time for each other na tipong at least isang araw sa isang linggo na parang family day nila?

“Actually, bago ako nag-shooting ng Raketeros, naging maluwag naman yung schedule namin pareho.

“So ngayong may shooting, medyo sisikip ulit ang working schedule ko.

“Pero magbabakasyon naman kami. Pupunta kami ng Amerika sa March 18.

“Kasi ikakasal yung isa kong kaibigan. Tapos, ikakasal din yung isa kong pamangkin.

“Dalawang kasal bale yung pupuntahan namin. Mga two weeks kami doon.”



SECOND BABY. Hindi kaya masundan na si baby Nathan sa pagbabakasyon nilang iyon ni Regine?

“Sana!” sabay tawa na naman niya.

“Gusto namin kasi, mga dalawang anak. Na, God-willing, na magkaroon kami ng isa pang baby.

“Si Nath is fifteen months old na, e. So maganda rin na hindi masyadong… kasi ilang taon na kami?

“I’m forty-five. Regine is forty-three.

“So, kapag naghintay pa kami ng matagal na panahon bago masundan… e, singkuwenta na ako!” natawang sabi ni Ogie.

Dagdag niya, “We’re really praying for another child."

So parang magiging second honeymoon na rin nila yung biyahe nila sa U.S.?

“Maaari!” sabay ngiti niya Ogie.

“Actually, hindi pa kami nag-honeymoon, ha? Hindi kami nakapag-honeymoon.”

Girl ba ang wish nilang maging second baby?

“Ako, kahit ano… kahit ano.

“Pero sa ngayon, lokong-loko kami sa anak namin.

“Kita ninyo naman sa Instagram, walang ginawa ang asawa ko kundi piktyuran si Nate.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN