Daniel Padilla on uncle Robin’s statement that he is now the king of Padilla clan: "Sila pa rin ang mga hari, ako minion pa rin ako ngayon, alagad.”

Sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo ay wala raw nararamdamang kaba ang young actor na si Daniel Padilla. Sabi nito, “Bakit ka kakabahan? Para sa akin, kung kakabahan ka, ano ang maibibigay ng kaba sa iyo? Kung kinabahan ka, may movie ka, tapos kinabahan ka, ano’ng mayroon? Bakit ka kinakabahan? Pressure? Hindi, hindi rin. Kasi, sinasabing pressure, baka hind maging successful… huwag. Kung di man suwertihin, e, ganoon, wala tayon


Sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Song 2013 finals night, hindi nanalo as grand winner ang kinanta ni Daniel Padilla na “Nasa Iyo Na Ang Lahat,” pero humakot naman ito ng maraming awards.

Apat sa special awards ang nakuha ng kanta ni Daniel, na isinulat ni Jungee Marcelo: Star Records Buyer’s Choice, Tambayan 101.9 Listener’s Choice, MOR Listener’s Choice, at MYX Choice For Best Video.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Daniel sa Himig Handog 2013 grand finals na ginanap sa SM MOA Arena noong Linggo, February 24.

Saad niya, “Masaya, kasi ang daming awards. Siyempre dahil sa composer, dahil sa fans.

"Para sa akin, yun talaga—fans, composer.

“Ang hirap kantahin nung song. Noong una, sabi sa akin, ‘Ito ang kakantahin mo.’

“Nakita ko yung lyrics, sabi ko, ‘Parang di sakto yung lyrics.’ Di ko pa naririnig.

“Sabi ko, ‘Parang masyadong pa-tweetums yung lyrics, e, ayoko ng ganoon.’

“Pagkarinig ko, ‘Ayos pala!’ Inayos yung areglo, medyo rakrakan na.

“Tapos ayun… parang nag-bond na kami noong composer.”



PADILLA CLAN. Sa isang hiwalay na interview ay sinabi ng tiyuhin ni Daniel na si Robin Padilla na ang young actor na ang pumalit sa kanya bilang hari ng mga Padilla.

Bagay na agad namang tinutulan ni Daniel.

“Grabe naman ‘yan!" bulalas niya.

"Tito Robin, salamat.

“Parang di ko ma-take yung sinasabi ni Tito Robin, parang masyadong mabigat yun.

“Hindi, si Tito Robin pa rin ang hari, para sa akin, siya pa rin—sila Papa [Rommel Padilla], sila Tito Royette, si Tita BB [Gandanghari]…

“Sila pa rin ang mga hari, ako minion pa rin ako ngayon, alagad.”



HELPING OUT. Sa ganda ng itinatakbo ng career ni Daniel, lumabas ang balita na paunti-unti na raw nakakabayad ng mga utang niya ang inang si Karla Estrada.

Kamakailan nga ay nasulat na na-settle na raw ang utang ng dating aktres sa komedyanteng si Arnell Ignacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Daniel tungkol dito, “Ako, sa akin, yung mga ganyang mga balita, hindi ko nga alam... anak na ako.

“Dapat hindi na natin hinahalungkat ‘yan… para saan pa? Para may masabi na lang?

"Hindi na kailangang ungkatin kasi personal na ‘yan.

“Tumutulong ako, ako ang tumtulong kay ermats ngayon.”



BASHERS. Mainit na tinatanggap ng publiko ang tambalan nina Daniel at Kathryn Bernardo at nakabuo na sila ng maraming hukbo ng mga tagahanga.

Pero may balitang binash daw ng mga tagahanga ng dalawa ang teen actress na si Ella Cruz dahil nagpahayag ito ng excitement sa nabalitang ipapareha siya kay Daniel sa isang proyekto.

Ano ang masasabi ni Daniel dito?

Pakiusap ng binata, “Huwag naman nating i-bash, kasi lahat naman tayo dito nagtatrabaho lang.

“Kung ako man, kung sino man ang ma-partner sa amin ni Kathryn, e, para po sa mas makakabuti yun.

“Kung sinuman ang i-partner sa akin o kaya Kath, ‘wag sanang i-bash kasi trabaho lang.

“Trabaho lang… Kumbaga, pinapa-excite lang tayo.”



RELATIONSHIP. Kumusta naman ang relasyon nila ni Daniel ngayon?

Consistent pa rin ang aktor na hindi pa talaga sila umaabot ng kapareha sa pagkakaroon ng isang pormal na relasyon.

“Okay kami, ayokong sabihin na kumportable, kasi gasgas na yun.

“Oo, close na close na kami ni Kathryn, pero hindi pa rin kami.

"Enjoy lang kami na magkasama palagi, hindi kami nagmamadali.”

Handa raw si Daniel maghintay kung kailan handa na si Kathryn, na ngayon ay 16 years old pa lang.

“Oo naman. Kung maganda ang lahat ng mangyari, kung walang mangyaring mali, bakit naman hindi?

“Sino pa bang iba, wala naman kundi siya,” sabi ni Daniel.



LAUNCHING MOVIE. Ipalalabas na sa March 13 ang launching movie ng tambalang Kathryn-Daniel, ang Must Be Love under Star Cinema.

Ayon kay Daniel, hindi siya kinakabahan o napi-pressure dahil alam niyang hindi makakatulong ang mga ito para kumita at tangkilikn ang kanilang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit ka kakabahan? Para sa akin, kung kakabahan ka, ano ang maibibigay ng kaba sa iyo?

“Kung kinabahan ka, may movie ka, tapos kinabahan ka, ano’ng mayroon?

"Bakit ka kinakabahan? Pressure?

“Hindi, hindi rin. Kasi, sinasabing pressure, baka hind maging successful… huwag.

“Kung di man suwertihin, e, ganoon, wala tayong magagawa.

“Kung kabahan ka ba, may chance bang umakyat o kumita yung pelikula? Wala naman.

“Pinagpaguran nanin yun so alam kong papatok yun.”



NEW PROJECTS. Sinabi rin ni Daniel na ibang Kathryn at Daniel ang mapapanood sa launching movie nila.

“Iba kami ni Kathryn, malayo sa Princess and I kaya kinakailangan nilang abangan.

“Siyempre, bakit kami magma-mature agad, maraming matured diyan, kami muna yung mga bata ngayon.

“Iba yung look namin dito, iba yung timpla ng istorya—suwabeng-suwabe lang.

“Ako kasi, ayoko pag hina-hassle ng mga tao, bina-bad vibes nila.

"Ako, gusto ko masaya lang.

“Basta yung movie, di ito hassle, uuwi kang nakangiti.”

Masaya ring ibinalita ni Daniel na may isang teleserye na nakalinya silang gawin muli ni Kathryn.

“Yung movie, tapos may serye, kaya abangan nila kami doon. Pero kami pa rin ang magkasama doon ni Kathryn.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN