Gabby Concepcion on possible movie with Sharon Cuneta: “Alam mo, gusto kong makita ang movie na ‘yon!”

“Ako, naniniwala ako na yung project really starts with a story. Kung walang story, hindi ka makakagawa ng project talaga,” says Gabby Concepcion about his possible reunion project with former wife and loveteam partner Sharon Cuneta.


Bagamat matagal nang usap-usapan, tila hindi naman nawawala ang interes ni Gabby Concepcion sa posibleng pagbabalik-tambalan nila ng kanyang dating asawa na si Sharon Cuneta.

Sa ginanap na story conference ng bagong fantasy series na gagawin ng TV5, ang Cassandra: Warrior Angel, kahapon, February 27, natanong muli ang aktor tungkol dito.

“Alam mo, gusto kong makita ang movie na ‘yon!” sambit ni Gabby.

Sa ngayon, naghihintay daw sila ng magandang istorya para sa sinasabing reunion movie nila ni Sharon.

“Kasi, hindi ko alam kung anong klase ng istorya ang puwede naming gawin.

“Humihingi rin kami ng suggestions kung anong klase ng pelikula ang puwede naming gawin.

“Is it going to be a drama, comedy? What is it? Ano ang magiging tema ng pelikula?"

Sabi pa ni Gabby, “Ako, may ideya ako, pero ayaw ko munang sabihin.

"Pero maganda kung masu-shoot ngayon and then we can shoot it six months from now.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nakakausap niya si Sharon tungkol dito.

“Oo, napag-uusapan namin,” sagot ni Gabby.

Patuloy pa niya, “Kaya ‘yon ang gusto namin—maging tama, e.

“Kasi ako, naniniwala ako na yung project really starts with a story.

“Kung walang story, hindi ka makakagawa ng project talaga.

“So, kung maganda ang story mo, puwede kang humugot ng sub-stories, makaka-branch out ka.

“Pero dapat yung puno mo ay maganda, e.

“Then, yung mga character it comes later.

"Kahit na sino ang ilagay mo, basta maganda ang istorya, palagay ko magiging hit, e.”



LUCKY 13? Habang hinihintay ang proyektong ito, magiging abala muna si Gabby sa ibang proyekto, kasama na ang ginagawang bagong fantasy series ng TV5, ang Cassandra: Warrior Angel.

Matatandaan na huling napanood sa telebisyon si Gabby sa katatapos lamang na teleserye ng ABS-CBN, ang Kapag Puso’y Masugatan.

Hindi naman naging mahirap para kay Gabby na tanggapin ang proyekto sa TV5 dahil bukod sa “freelancer” siya, nagustuhan din daw niya ang karakter na kanyang gagampanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng aktor, “Noong in-offer yung teleserye, tinanong ko kung ano yung role ko.

“Maganda yung role, ngayon lang ako gaganap ng ganitong klaseng role.

“Matagal ko nang gustong magkaroon ng ganitong klaseng role, na dalawang tao.”

Dagdag niya, “Well, siguro, iniisip ko na kaya rin siguro ako kinuha dahil anghel ito, e, ang pangalan ko ay kinuha talaga sa name ng angel.

“Ang Gabriel ay isang fallen angel, yun ang mangyayari sa akin.

“Magkakaroon ako dito ng ibang anyo. Abangan!”

Maliban sa tauhang kanyang gagampanan, sabi ni Gabby, “Excited din ako kasi nandito tayo with a different story.

“Ngayon lang ako gagawa ng ganitong klase ng teleserye na parang mayroong animation.”

Ngayong taon, itinuturing niyang magiging espesyal ang 2013 kahit pa na may hindi magandang kahulugan sa karamihan ang numerong 13.

Paliwanag niya, “Umalis ako, 13 years ako sa showbiz, 13 years din akong nawala.

“I think, this number, suwerte sa akin.

“I think, this number, mayroong ibig sabihin para sa akin dahil ang daming nangyayari sa akin for 2013.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN