Asia’s Next Top Model runner-up Stephanie Retuya inks modelling contract in Singapore

Lumipad na pabalik ng Singapore ang Pinay model na si Stephanie Retuya pagkatapos niyang maging second-placer sa Asia’s Next Top Model. Susubukan daw ni Stephanie ang pagmomodelo sa ibang bansa at upang tuparin ang kanyang pangarap.


Nakaalis na papuntang Singapore noong Lunes, February 25, ang second placer sa Asia’s Next Top Model na si Stephanie Retuya.

Masuwerte raw ang Pinay model na natanggap agad sa isang prestigious modelling agency sa naturang bansa ilang araw matapos ang kumpetisyon.

A day before she left, February 24, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest si Stephanie sa mismong bahay niya sa isang subdivision sa may Marina Bay, Macapagal Boulevard.



MODELLING IS NOT REALLY MY DREAM. Sa taglay nitong height na 5’11”, perfect bilang ramp model si Stephanie.

Pero noong bata pa lang daw siya, hindi niya talaga inisip na pasukin ang ganitong propesyon.

Sabi ni Stephanie, “Not really, meron lang siyang stage when I was in high school na parang inisip ko na gusto kong maging model.

“Kasi when I was fourteen years old, I was 5’8”, so that’s what I thought.

“Pero ang dream ko talaga ay maging isang writer. And so it’s very different.”

Pero nitong mga early 20s niya ay sinubukan at parang gusto na raw niya ang pagmu-model.

At nang nalaman niyang naghahanap ng contestants para sa Asia’s Next Top Model, sinubukan daw ni Steph na mag-audition.

Kuwento ni Steph, “Kasi meron sa Internet, like they have this website na nagpapa-pass sila ng mga requirements.

“And then I think three of my friends told me about it. So I tried…

“So I just send them the two photos that they require.

“Pagkatapos noon, they asked me to send a video tapos it’s just a brief video of me and my baby.”

So okay lang sa Asia’s Next Top Model na may anak na ang kanilang mga kalahok?

“It’s okay and it’s fine with them," sagot niya.

Dagdag ni Steph, “Fourteen kami noong umpisang-umpisa.

“Actually, meron akong kasabay sa plane na mula sa Philippines, pero nalaman ko Taiwanese pala siya, dito lang siya nag-stay at that time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ASIA’S NEXT TOP MODEL JOURNEY. Inusisa na rin namin si Steph tungkol sa mga pinagdaanan niya sa kumpetisyon.

Lahad niya, “To begin with, mahiyain talaga ako, so lagi lang ako mag-isa doon, nagbabasa ng libro.

“Tapos kapag may challenges, sinusunod ko lang siya, tapos ibinibigay ko lang yung what I think is right dun sa instructions.

“Tapos slowly, nakakusap ko na yung mga girls paisa-isa, tapos eventually nagiging friends ko na sila.

“And then, of course, merong mga crazy times, tapos may mga misunderstandings along the way.”

Hanggang sa noong paparating na ang finals, unti-unti na raw siyang nagkaroon ng self-confidence. Hanggang sa ianunsiyo na ang top three among the fourteen candidates.

Sabi ni Steph, “Na-surpirse na lang din talaga ako na kasama ako dun sa pinagpipiliang manalo.

“Tatlo na lang kami—Taiwan, Thiland, and Philippines.

“Kasi yung Thailand kasi, she gets best photo every week.

“Tapos ako yung underdog, lagi akong nasa bottom every week.”

Noong finals ay nosorpresa raw si Steph nang tanungin siya ng huradong si Tyra Banks tungkol sa kanyang pinanggalingang bansa at ang pagiging mommy niya.

Lahad niya, “Yes, tinanong lang niya ako kung saang bansa ako, tapos sabi ko Philippines.

“Tapos tinanong din niya kasi narinig din niya na mommy na ako, paano daw nangyari yun.

“And binigyan niya kami ng mga advises.

“Tapos sa akin, dapat daw be confident always kasi yung aura ko daw ay masyadong mahiyain.”


WILL NOT ENTER SHOWBIZ. Tuluy-ttuloy na raw ngayon ang kanyang dream na maging isang modelo sa ibang bansa. Pero, papasukin din kaya niya ang pagsu-showbiz kapag may mag-alok?

Natatawang tugon ni Steph, “I think mahirap kasi kung mag transition ako into show business, because I’m too tall.

“Di ba, parang awkward, sa mga guys, mahirap sigurong hanapan ng partner?

“But modeling, i-continue ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And actually, I’ll leave tomorrow night na for Singapore and I’ll be based there for two to three months.”

Hindi raw bahagi ng Asia’s Next Top Model ang kanyang trabaho sa Singapore dahil ang nanalo lang daw sa contest ang may nakuhang kontrata.

Sabi ni Steph, “So after po ng show namin, I looked for an agency abroad, tapos natanggap naman po ako dun sa isang agency sa Singapore.”



LEAVING FAMILY BEHIND. Nadatnan namin sa kanilang bahay ang ka-live-in partner ni Steph na isang Koreano, ang kanilang anak, at ang ina ng kanyang partner.

Wala pa naman daw silang planong magpakasal ng ka-live in.

So paano kaya ang kanyang baby sa kanyang pag-alis?

Sabi ni Steph, “Meron naman po kasi akong good support system, yung boyfriend ko at saka yung mom niya.

“So, maaalagaan naman po siya kahit aalis ako.

“Kasi binibigyan ko lang yung sarili ko like six years to fulfill my dreams. And pumayag naman sila.

“So parang pabalik-balik ako.

“As a model, may mga contract ka na two months or three months in different countries.

“Tapos after nun, puwede kang umuwi muna.”

Isa rin daw sa pangarap niya ay ang makarampa sa international modelling show sa ibang bansa.

“Ang mga pangarap ko lang is yung place like New York Fashion Week, London Fashion Week, Paris, Milan… dun ko pangarap na makarampa at makapagtrabaho.”


Sa huli, payo ni Steph sa mga Pinoy na may mga gustong marating at patunayan sa buhay, i-pursue lang daw ito.

Aniya, “Maraming-maraming salamat po, actually nakaka-overwhelm po yung support.

“Kasi sa narating ko, may mga taong nai-inspire, and siguro po ano i-follow n’yo lang yung dreams niyo kahit saang field ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN