William Martinez on talk about experiencing hard times: "May naghihirap bang dalawa ang kotseng Mercedes?"

Mariing pinabulaanan ni William Martinez ang balitang maysakit daw siya, na dahilan ng madalang na TV offers sa kanya. Sabi ng aktor, “May kumakalat daw kasing mga balita sa akin na naka-wheel chair na ako at lagi akong hinihimatay kaya hindi ko na raw kayang magtrabaho. That’s bullshit! Hindi yun totoo!”


Kasama si William Martinez sa second season ng Third Eye ng TV5, na ngayo’y ginawa nang primetime series at may titulong Cassandra: The Warrior Angel, na mapapanood gabi-gabi simula sa Mayo.

Pinangungunahan ito ng young actress na si Eula Caballero.

Sa presscon ng Cassandra: The Warrior Angel sa Broadway Centrum kahapon, February 28, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilan pang entertainment press si William.

Kasama rin sa cast ang kasabayan ni William noon sa Regal Films na si Gabby Concepcion.

Kuwento ni William, “Parang sa totoong buhay, best friend din kami ni pareng Gabo [Gabby].

“Actually, TV5 gave me a chance because of him.

“Sa lahat ng TV network, siya ang nagpapasok sa akin.”



OUT OF WORK. Matagal nang walang TV show si William, pero may mga nagawa na rin siyang mga pelikula.

May nakapagsabi naman daw kay William kung bakit wala siyang mga TV offer.

Kuwento niya, “Sabi niya sa akin, ‘Pare, the network doesn’t like you anymore.’

“Sabi ko, ‘What’s the problem? Wala naman akong ginagawang masama.’

“May kumakalat daw kasing mga balita sa akin na naka-wheel chair na ako at lagi akong hinihimatay kaya hindi ko na raw kayang magtrabaho.

“That’s bullshit! Hindi yun totoo!”



PRUDENT. Pinabulaanan din ni William ang bagong isyu sa kanyang diumano’y naghihirap na siya at hindi na siya nakakapagbayad ng upa sa bahay.

“May nag-text sa akin... gusto raw niya akong interbyuhin dahil nga sa isyung naghihirap na raw ako.

“Nag-text back ako sa kanya. Sabi ko, ‘Hayaan mo sila, walang magawang mga tao! Pagkalat mo na mahirap na ako at kumakain ako ng basura at pagpag.’"

Sabi pa ni William, “At may naghihirap bang dalawa ang kotseng Mercedes [Benz]?

“Ang totoo niyan, hindi ako naghihirap, nagtitipid lang ako nang sobra. Kasi wala naman akong work ng three years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What I did, lahat ng maids ko, pinaalis ko, pati driver.

“Sabi ko sa mga tao ko, ‘Hindi ko na kailangan ang services ninyo, I want to work for myself.’”



DOMESTIC CHORES. Kayang gawin ni Wiliam ang mga gawaing bahay dahil ganito naman daw ang naging buhay niya sa Amerika noon.

Sabi niya, “When we were in America, wala naman kaming maids, hindi uso yun doon.

“Ako mismo ang gumagawa ng lahat ng bagay.

“Yung mga natutunan ko dun, ginagawa ko rin dito.

“Saka nag-chef ako doon. Nag-aral ako ng Culinary.

“So, kaya kong ipagluto ang sarili ko, hindi ko na kailangan ng maids.

“Yung pinalayas ako, paanong mangyayari yun, e, lima ang bahay ko sa Antipolo?

“Doon sa house number four ko, umalis ako doon dahil bumabaha… lumubog nga yung Mercedes ko.

“Walang nagpalayas sa akin doon. At sino naman ang gagong gagawa na paalisin ako sa mga house ko?”

Ano ang initial reaction niya nang makarating sa kanya ang isyung ito sa kanya?

“Natawa na lang ako. Sabi ko sa sarili ko, ‘Ang salbahe talaga ng mga tao.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN