Cherry Pie Picache admires professionalism and commitment of Kim Chiu and Maja Savador despite conflict

Kung magbibigay ng advice si Cherry Pie Picache sa co-stars niya sa Ina Kapatid Anak na sina Kim Chiu at Maja Salvador, ito raw ang kanyang sasabihin: “Eventually, hindi madali ang magmahal, in fact, ay mahirap. Hindi totoo yung pagmamahal na puro sarap at saya. In fact, ang pagmamahal means compromise, sacrifice…”


Masaya si Cherry Pie Picache sa cameo role niya sa pelikulang Raketeros na tinatampukan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Andrew E., Dennis Padilla, at Ogie Alcasid.

Nagsisilbi raw na breaker ito sa mga kadalasang natotoka sa kanyang roles ngayon, lalo na sa telebisyon na pulos drama.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherry Pie sa shooting ng Rakateros sa Himlayang Pilipino Memorial Park last Tuesday, February 26.

Katatapos lang ang matinding eksena nila ni Janice de Belen, habang on the side ay nandoon naman si Ogie na pulos pakuwela bilang isang singer sa patay.

Paano pinaghahandaan ni Cherry Pie ang mga eksenang madrama kahit comedy iyong movie?

Sagot ng aktres, “Kailangang gawin mo ng ganoon, e, para mag-work.

“Kaya dapat hindi mo iisipin yung comedy side—dapat yung eksena.

“Guest lang ako dito... ako at si Janice.

“Nami-miss ko iyong comedy, I missed it, I missed it.

"But I’m still waiting for a very good material.

“If there’s one, hopefully… I missed doing like iyong Bridal Shower, Manay Po… iyong mga ganoon, something different.”



HIGH RATING. Ano naman ang feeling na ang taas-taas ng rating ng kinabibilangan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Ina Kapatid Anak?

“Oh, very grateful and we’re very thankful—nagpapasalamat kami sa lahat ng sumusuporta lalo na ngayon.

“Hindi ba, patuloy pa, kasi pataas pa nang pataas? So, we’re very happy na ganoon ang reception doon sa ginagawa namin.

“And we’re really working hard for it, especially the people behind it—yung staff, yung writers, the director, and other characters.

“Kaya masayang-masaya kami.”



REAL FIGHT. Ano naman ang komento niya sa obserbasyon ng iba na tinototoo nina Kim Chiu at Maja Salvador ang kanilang mga sampalan at pag-aaway sa Ina Kapatid Anak?

Sabi ni Cherry Pie, “No… hindi naman tinototoo—they’re doing their work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fact, bilib na bilib ako sa mga batang ito.

“Kung ano man ang issue… wala, okay naman.”

Kumusta naman ang dalawa sa trabaho kahit alam naman ng lahat na may gap sila?

“Okay naman sila. I’m very amazed with the two girls, they’re very professional, very committed sila.

“Well, we know that things aren’t going well, hindi ba?

“It can be better, but in time, I’m sure maaayos din naman nila iyon.

“Pero iyon nga, kahit ganoon ang sitwasyon, I’m very amazed with the two of them.

“Tapos, nakakabilib, kasi sobra yung commitment nila sa trabaho nila, yung pagiging professional nila.

“Wala, walang aberya, masaya kaming lahat actually sa set—maayos, masaya ang set namin.”



NO TENSION. Puwera lang kapag may eksenang sampalan?

“Oo. Kapag may sampalan lang!" tawa ni Cherry Pie.

"Pero hindi naman iyon sinasadya. Nagkakataon lang dahi sa emosyon, yung mga ganoon.

“Kaya naiisip din namin, siguro good vibes, good vibes yung show at nararamdaman din siguro iyon ng audience.”

May nararamdaman pa bang tensiyon sa set?

“Siguro… hindi ba, hindi naman maiiwasan iyon?

“Pero ang maganda, they have their commitment, their responsibilities doon sa show at sa lahat ng taong bumubuo ng Ina Kapatid Anak.

“And it’s amazing… Siguro ay mahirap for all of us, lalo na sa kanila.

"But basta, ano lang sila, trabaho lang.”



RATINGS FACTOR. Pero sa palagay niya, mas mabuti iyong tinototoo nina Kim at Maja iyong mga sampalan at sabunutan nila dahil mas makakatulong sa ratings?

“Hindi," pagtutol ni Cherry Pie.

"To begin with, alam mo, maraming nag-iisip na akala nila na nangyari iyon dahil sa nangyari, parang may personalan.

“Pero hindi nila alam na kasama talaga sa istorya iyon.

“Kasi iyon naman talaga ang istorya, may conflict talaga sina Margaux [Maja] at saka si Celine [Kim] from the very beginning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya yung akala ng mga tao na parang tinotoo nila, hindi naman tinototoo.

“Nagkataon lang na nagkasabay-sabay sa kuwento at saka doon sa nangyari.

“So, iyon ang nangyari, iyong mga tao ay naghahaka-haka, parang ganoon.

“Hindi ko alam kung nakatulong sa ratings yun.

“But I would like to believe na pinapanood ng mga tao iyon kasi maganda ang istorya namin…

“Pinagtatrabahuhan namin, maganda iyong ginagawa naming trabaho, more than anything.

“Kasi, mataas naman talaga iyong ratings namin, kahit na walang issue."



MOTHER’S ADVICE. Kung puwede niyang bigyan ng payo sina Kim at Maja, ano ang sasabihin niya sa mga ito?

“Kahit na kanino, hindi ba? Kahit sa anak ko, sasabihin ko na, ‘Sige lang, it’s okay to love.

“’Eventually, hindi madali ang magmahal, in fact ay mahirap.

"’Hindi totoo yung pagmamahal na puro sarap at saya… In fact, ang pagmamahal means compromise, sacrifice…’ Iyon ang ituturo ko.

“So sa akin, basta kaya mong magmahal, magmahal ka.

“Kahit masaktan ka, just continue to love. Iyon lang naman ang kailangan natin, e.”



PERSONAL EXPERIENCE. Worth it ba na makipag-away dahil sa lalaki?

Nagbuntung-hininga muna si Cherry Pie bago sumagot.

Aniya, “Sa buhay, sa akin, it’s worth it to fight for whom you like, and for whom you want… worth it yun.

“Para ipaglaban ang isang taong mahal mo, oo, bakit hindi?

“Ke babae, ke lalaki, gagawin ko iyon.

"Anytime, ipaglalaban ko yung mahal ko… only to a certain extent.

“Pero kapag ano… kapag hindi na talaga, ayaw ko namang ipilit.”

Nangyari na ba iyon sa kanya?

“Oo naman,” nakangiting pag-amin ng aktres.

Ilang beses na?

“Isa pa lang, pero hindi na mauulit!” sagot ni Cherry Pie sabay halakhak.

Gaano siya kasigurado na hindi na mauulit?

“Ay, hindi! Hindi… hindi ko alam.

"I mean, ano tayo, e, life is good, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And we continue to love and learn. So ganoon lang…

“So, kung darating yung pagkakataon na kailangang may ipaglaban ako ulit, why not?”



LOVELIFE. Kumusta na ang kanyang lovelife?

Sabi ni Cherry Pie, “Ay wala, matagal na. Siguro mga more than four years.

“I’ve dated, but naghihintay ako ngayon, so nagdadasal ako nang bonggang-bongga na bigyan ako ng ano.”

Sino ang papasa sa kanyang panlasa ngayon?

“Kahit naman sino, basta mabait lang, family man, God-fearing, iyon lang…

“At sana iyong may itsura at saka… masarap…

"Hindi, loko lang!” nakatawang sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN