Toni Gonzaga on key factors in keeping a relationship: “Of course, relationship and faith with God, loyalty, and respect.”

Parehong busy ang magkasintahang Toni Gonzaga at Paul Soriano, paano nila naipagtutugma ang kanilang schedules? Sagot ni Toni, “We make it a point na once a week maka-quota ng pagkikita. Sabi ko naman, we have a lifetime to be together if ever God permits us getting married.”


Nanalo bilang FifthBest Song ang “Kahit Na” na in-interpret ni Toni Gonzaga sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2013 finals noong Linggo, February 24, sa SM MOA Arena.

Ang "Kahit Na" ay nilikha ng baguhang composer na si Jumbo "Bojam" de Belen.

Hindi man nanalo ng grand prize, para kay Toni ay isang karangalan pa rin na maging parte ng isang event na nagpo-promote ng OPM songs.

Naiuwi ng kantang “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa” ang grand prize na inawit ni Aiza Seguerra at nilikha ni Joven Tan.

Sabi ni Toni, “In every competition naman, especially in a songwriting competition, hindi maiiwasan na may magwawagi at hindi papalarin.

“Masaya ako na still we won the Fifth Best Song.

“I think the most important thing about this is that we’re able to support OPM songs. Muli nating binuhay...

"And we’re really, really thankful that I was given the opportunity to interpret ’Kahit Na’ along with great singers and composers."



DIFFERENT THEME. Ayon sa TV host/singer/actress, hindi niya inasahan na mapipili ang “Kahit Na” as one of the entries dahil nga sa kakaibang tema nito.

Karamihan kasi ay ballad, at kakaiba ang tempo ng “Kahit Na” na bumagay naman daw sa personalidad ni Toni kaya tumatak agad ito sa publiko.

“Sabi ko nga, suwerte kasi nakapasok yung ganoong tipo ng kanta out of all the ballads na pumasok sa entries.

“Siyempre, I’m very happy na pumasok yung kanyang song na ’Kahit Na.’

“I think it’s a beautiful collaboration lang, hindi ko naman din mai-interpret yun nang maganda kung di maganda ang pagkakasulat.

“Nagkataon lang na nagkatugma, nag-swak.

“Oo, natawa din ako, sa akin pa na-assign ito.

"Ang sabi lang namin, ‘Just put a little bit of your personality and then okay na yun.’”



REMINISCE. Ang experience ay nagpabalik-tanaw kay Toni sa nakaraan kung saan nagsisimula pa lang siyang sumasali sa ganitong klase ng mga contest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Para akong bagong artista, nagsimula kasi ako sa mga ganito, pasali-sali sa mga singing competition.

"Although I know this is not a singing competition.

“Pero alam mo yung feeling na you’re competing again—sila Angeline [Quinto], Erik Santos, sa mga grand champions.

“Iba pa rin na mahilera na kasama sila”



PROJECT LINEUP. Samantala, isang teleserye at dalawang pelikula ang nakalinyang gawin ni Toni ngayong taon.

Pero aniya, “Actually, I don’t know if it will start this year but we have the proposal.

“Masaya kasi hindi naman yun ang forte mo, hindi naman yun ang ginagawa mo…

“And pag nangyari yun, I’m really, really looking forward to do a serye.

“Mas challenging siguro. Siguro base doon sa edad, sa pinagdaanan, sa pinanggalingan… so ayun.

“Movies? Mayroon kaming gagawing dalawa—isang powerhouse cast, tapos isang bagong leading man.

“Yung movie ko with Angel Locsin, Angelica Panganiban, and Bea [Alonzo]? Matutuloy yun this year,” pagbabalita pa niya.



RELATIONSHIP. Kinumusta rin ng PEP kay Toni si Direk Paul Soriano at ang kanilang relasyon.

Sagot niya, “Okay na okay naman, nagsu-shoot siya ngayon.

“So pinagpe-pray na lang niya ako sa text message, everything, in the glory of God, enjoy, have fun."

Sa sinabi ni Toni na hindi sila nagkikita, hindi ba siya nakakaramdam ng pagkabahala na baka mamaya ay ma-attract sa ibang babae ang boyfriend?

“Hindi naman. We make it a point na once a week, maka-quota ng pagkikita.

“Sabi ko naman, we have a lifetime to be together if ever God permits us getting married.

“So we’re just enjoying work right now and whatever opportunities na dumarating sa buhay ng bawat isa, we’re here to support each other.

“Hindi naman nawala yung trust ever since. Walang ibinigay na reason para pagdudahan ko.

“May intuition naman ang babae, e. Pag naramdaman ko na siguro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Third party ang kadalasang rason para mauwi sa hiwalayan ang isang relasyon. Gaano kahalaga para kay Toni ang loyalty ng kanyang partner?

“Loyalty? Naku, big factor ‘yan sa isang relasyon. I think that’s one of the most important things…

“Top three ‘yan… is loyalty, of course, relationship and faith with God, loyalty and respect.

“Para sa akin, iba na yung trust… Pag nasira na yung loyalty, mahirap nang maibalik.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN