Barbie Forteza and Derrick Monasterio end loveteam in Paroa

Ito ang mga sentimyento nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa pagtatapos ng Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa: Barbie: “Ako rin naman, sad din kasi ang ganda ng pinagsamahan naming lahat sa Paroa. Derrick: “Feeling ko tuloy na aktor na aktor na ako!”


Sa pagtatapos ng GMA-7 afternoon prime telefantasya na Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa, lungkot ang nararamdaman nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio dahil mami-miss daw nila ang bawa’t isa.

Naging mas close kasi ang dalawa nang gawin nila ang Paroa kaysa noong una silang nagtambal sa Luna Blanca.

Bisto naman ni Barbie, mas naging emotional daw si Derrick noong last taping day nila.

Kung dati ay makulit ito sa set, noong last taping daw nila ay tahimik lang daw ito.

Yun pala ay nalulungkot ito dahil matatapos na ang programa nila.

Kuwento ni Barbie, “Nagulat nga po ako na siya pa yung mas emotional kesa sa akin. Tinalo nga po ako sa emote ni Derrick!

"Pero noong nagtagal naman, ayun… nang-aasar na naman siya sa set.

“Siguro, way na lang yun ni Derrick na hindi po siya masyadong malungkot.

“Ako rin naman, sad din kasi ang ganda ng pinagsamahan naming lahat sa Paroa.

“Alam ninyo yun, na walang intriga, walang nag-aaway? Saya-sayahan lang po kami lahat.

“Sinabi ko naman po kay Derrick na huwag siyang malungkot, at for sure, magkikita pa rin kami.

“Biniro ko nga si Derrick na huwag niya akong agawan ng moment sa pag-iyak sa last taping day!

“Nagtawanan na lang kaming dalawa tuloy."



NEW SUITOR. Si Derrick lang ba ang mami-miss ni Barbie sa pagtatapos ng Paroa?

May balita kasing niligawan daw siya ng isa nilang co-star na si Miguel Tanfelix.

Naging close din daw ang dalawa at naging masugid na manliligaw raw ni Barbie si Miguel. Pero balitang binasted ito ni Barbie dahil hindi pa nga niya ito sinasagot, pero masyado na raw possessive.

“Talaga po? May ganyan talaga ang tsismis?” nagtatakang sabi ni Barbie.

“Ang totoo po diyan, magkaibigan lang po kami ni Miguel.

“Hindi ko po alam kung may balak siyang manligaw—wala naman po akong naramdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta magkasama lang kami parati sa set. Marami po kasi akong eksena na kasama siya before bago dumating si Derrick.

“Sa sinasabi nilang possessive siya, wala akong mai-comment kasi hindi naman po siya nanligaw sa akin.

“Tsaka matagal na po kaming hindi nagkaroon ng eksena together kasi nga, ang mga madalas pong kunan ay sa location namin sa Tagaytay.

“Kaya nagulat naman po ako diyan.

“Pero friends pa rin kami ni Miguel. Hanggang doon lang talaga.”



DERRICK IS CHALLENGED. Para naman kay Derrick, malaki ang nagawa sa kanya ng role niya bilang Iñigo sa Paroa.

“Malaki po ang naitulong ng role sa Paroa sa pag-improve ko as an actor.

“Nagpapasalamat po ako kay Direk Mark [Reyes] dahil matiyaga siyang turuan kami kung ano ang mga dapat gawin.

“Feeling ko tuloy, aktor na aktor na ako!” tawa pa ng binata.



ACTING LEVEL. Kung pagbibigyan daw si Derrick ay gusto niyang gawin ang mga roles na ginagawa ng mga Kapuso leading men na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Sabi niya, “Kung bibigyan ako ng chance, siguro naman po makakaya ko.

“Kung pagkakatiwalaan po ako ng GMA-7 sa mga ganoong roles, paghihirapan kong maging mahusay.

“Pero alam ko po na may mga plans ang Kapuso network para sa atin.

“Yung mga roles na ibinibigay nila ay yung babagay muna sa edad ko.

“Pero yun nga, kung sabihin nila na ready na ako for this kind of role, paghahandaan ko po…

“Dahil gusto ko na pong makilala bilang isang aktor tulad nina Dennis at Dingdong.

“Naks! Yun na ang level na ini-aim natin, di ba? Pataas lang nang pataas ang level!” sabay tawa niya.



VERSATILE. Kung papayagan daw si Derrick, gusto niyang gumanap sa isang bida-kontrabida na role.

“Gusto ko yung parang may split personality—parang Gollum lang sa Lord of the Rings!” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang biro, gusto ko po yung ganoon. May good side at may bad side—malaking challenge po sa akin yun kung saka-sakali.

“Bilib nga po ako sa mga lead actors na nagagawa rin nilang maging kontrabida.

“Like sila Mr. Eddie Garcia, si Mark Anthony Fernandez... ang galing na nilang bida, mas magaling pa sila bilang kontrabida.

“Kaya yun po ang gusto kong mangyari.

“Pagkatiwalaan lang nila ako balang araw sa isang matinding role, I will make sure na hindi ako mapapahiya.

“I will definitely give my best!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN