Barbie Forteza in disbelief about her music album: “Hindi, hindi talaga, as in hindi talaga! Sa boses kong ito? Hindi!”

Gustong lumabas uli sa isang indie film si Barbie Forteza. Sabi ng Kapuso teen actress, “Kasi benefit ko rin naman yun, e. Kasi nga, matsa-challenge din ako sa acting. Kasi ngayon, medyo nasasanay na ako sa mga cinematic na arte. Doon, talagang mas natural, mas maganda.”


Maituturing na buwag na ang JoshBie loveteam nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Barbie kung karamihan ba ng JoshBie fans ay lumipat na sa DerBie, na loveteam naman nila ni Derrick Monasterio.

“Yes. Iyon ang nakakatuwa sa dating JoshBie fans, kasi sinuportahan nila yung Bie—ako," sabi ni Barbie.

Tanggap daw ng fans niya kahit sino ang ka-loveteam niya.

“Kahit si Joshua, kahit sino i-partner, basta yung JoshBie, kahit sino, kahit saan mapunta yan, doon pa rin sila.”



INDIE MOVIE. Hinangaan si Barbie sa indie movie na Puntod noong 2009 kung saan gumanap siya bilang isang pipi.

Sa husay niya sa pelikula, nagwagi siyang Best New Movie Actress sa 26th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club o PMPC.

Kailan ba siya ulit gagawa ng ganoong kabigat na pelikula?

“Gusto ko ngang gumawa ulit, e, gusto ko.”

Ang kaso, wala raw nag-o-offer sa kanya na lumabas muli sa isang indie film.

“Wala pa po, wala pong offer,” pag-amin niya.

“Gusto ko ngang gumawa ng ganoon kasi iyon talaga, challenging, walang joke! Gusto ko talaga.”

Tatanggapin ba niya kapag may alok?

“Oo naman. Kahit libre!

“Kasi benefit ko rin naman yun, e. Kasi nga, matsa-challenge din ako sa acting.

“Kasi ngayon, medyo nasasanay na ako sa mga cinematic na arte.

"Doon, talagang mas natural, mas maganda,” sabi ng Tween Queen ng Kapuso network.



SIGNATURE BAG. Napansin namin habang kausap namin si Barbie ang dala niyang Louis Vuitton bag.

Tinanong namin kung iyon ba ang binili niya ng may nakakita sa kanya sa LV store sa Greenbelt kamakailan.

“Yes. May nakakita ba sa akin?” sabay tawa ni Barbie.

“Yung purse nasa loob, mas smaller. Kasi yung wallet ko dati, na Fossil, malaki, hindi siya kasya.

“So bumili pa ako ng mas maliit na purse para lang magkasya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin siya na bakit hindi Hermes bag ang binili niya?

“Ay, huwag, mahal po iyon!” tumatawang sabi ni Barbie.



MORE INVESTMENTS. Kilalang maingat sa kinikita sa showbiz si Barbie, at sa tulong ng kanyang mga magulang, may mga investments na siya tulad ng condominium unit at sasakyan.

Ano ang plano niyang susunod na investment this year, negosyo naman ba?

“Hindi pa, hindi pa. Wala pa naman akong pinagpaplanuhan ulit na investment.

“For future investments yung mga naiisip ko, pero hindi ko inaagad-agad, dahan-dahan muna.”

Anong negosyo ang pinaplano niya?

“Ang mabenta kasi ngayon, yung mga nail spa, di ba? Parang hindi siya laging nauubusan.”

Kaya naman niya sigurong kumuha ng franchise…

“Siguro, ganoon ang gagawin ko.”



NEW ALBUM. Ngayong araw, March 1, ang final episode ng Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa, na pinagbibidahan ni Barbie with leading men Derrick Monasterio and Ruru Madrid.

Ano ang next project niya sa Kapuso network?

“Wala pa. Focused muna ako sa album,” tugon ni Barbie.

Tinatapos na niya ang kanyang very first album under MCA-Universal na ire-release na ngayong March.

Ano ang mga kanta sa album niya?

“Hindi ko po alam kung puwede ko nang sabihin, basta apat na revivals at isang original,” kuwento niya sa album na wala pang titulo.

Paano siyang naghanda sa pagsabay niya sa recording?

“Sabay kaming nagbo-voice lessons ni Derrick, tapos kahit sa mismong recording, merong voice coach.”

Si Derrick ay may album din under Dyna Records naman, pero mas una ang release ng album ni Barbie.

“Kasi perfectionist yata yung sa kanya, gusto perfect na perfect,” sabi ng young actress.

Nagbibigay ba ng recording tips sa kanya si Derrick?

“Oo naman.”

Bakit limang kanta lang ang laman ng album ni Barbie?

“E, hindi naman po ako totoong singer, e. Buti nga binigyan nila ako ng album!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinakabahan ba siya sa nalalapit na release ng album niya?

“Excited actually.”

Hindi raw niya inakala na magkakaroon siya ng album.

“Hindi, hindi talaga, as in hindi talaga! Sa boses kong ito? Hindi!

“Kaya nga nakakutuwa, kasi napansin ako ng MCA-Universal!” ang tumatawang pagtatapos ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN