Willie Revillame castigates Wowowillie co-hosts Ethel Booba and Ate Gay on-air: “Mag-isip kayo dahil ako ang nagpapasuweldo sa inyo."

Nauwi sa sigawan sa dressing room ang insidenteng nangyari sa pagitan ng Wowowillie hosts na si Willie Revillame (main photo) at sina Ethel Booba at Ate Gay (insets) kahapon, February 28. Dahil dito ay pinagalitan ni Willie ang dalawa sa ere at sinabihan na kung nais nilang mag-resign at hindi niya ito pipigilan.


Malalaman ngayong tanghali, March 1, kung mananatili bilang co-hosts ng Wowowillie sina Ethel Booba at Ate Gay dahil sa insidente na nangyari kahapon, February 28.

Nabahiran ng lungkot ang masaya na episode ng noontime show ng TV5 dahil hindi nagustuhan nina Ate Gay at Ethel ang desisyon ng main host na si Willie Revillame na papanalunin sa “Mini-Concierto” costume contest ang show choreographer na si Anna Feliciano.

Regular segment ng Wowowillie ang “Mini-Concierto” at dito ipinapakita nina Ethel, Ate Gay, Anna, Arci Muñoz, at Ava Jugueta ang kanilang mga talent sa pagkanta at pagsayaw.

Bago nagsimula ang performance ng limang co-host ng Wowowillie, biniro ni Willie si Ethel na ginagaya nito ang controversial outfit ni Anne Curtis sa ASAP noong nakaraang Linggo, February 24.

“Style ba ‘yan? Ginagaya mo lang si Anne Curtis, e. Wala, ginagaya lang si Anne Curtis.

“Kasi yung suot niya sa ASAP, may shower pa. Hindi n’yo kaya ’yon. Huwag kayong mag-ilusyon!" biro ni Willie kay Ethel.

Sagot naman ni Ethel: "Ano ito? Bakit mo kami ikinu-compare doon? We’re talking about talent, not singit. Come on!"

Walang kamalay-malay si Willie na sineryoso at dinamdam pala nina Ate Gay at Ethel ang kanilang biruan.

Inireklamo ni Ethel ang paggamit ni Anna ng back-up dancer sa number dahil wala raw ito sa usapan.

Si Willie rin ang sinisisi ng komedyana dahil kung hindi raw binanggit ng host ang pangalan ni Anne, hindi siya makakatanggap ng mga tweet mula sa fans ni Anne na na-offend sa kanyang sinabi na "We’re talking about talent, not singit!"



DISAPPOINTED. Nagulat ang audience at televiewers ng Wowowillie nang ipahinto ni Willie ang pagsasalita ni Mariel sa “Tutok To Win” segment ng programa para sabihin ang nangyari sa dressing room, pagkatapos ng “Mini-Concierto” segment.

Hindi itinago ni Willie ang naramdamang disappointment sa inasal nina Ate Gay at Ethel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dismayadong-dismayado raw si Willie habang isinusumbong ang pagsigaw ni Ethel habang nag-uusap sila.

Ito ang pahayag ni Willie:

“Teka, sandali ho, may sasabihin ako sa inyo.

“Pinagalitan ko ho si Ethel, saka si Ate Gay. Hindi sila professional.

“Sinigawan ko sila para malaman n’yo. Nagalit sila dahil hindi sila nanalo sa costume [sa ‘Mini-Concierto’].

“Itong lahat ng ito ay biruan lang para pasayahin kayo.

“At itong si Ethel Booba, nagsisisigaw sa akin doon na bakit ko raw sinabi na Anne Curtis.

“Lahat ng ito ay biruan lang. Marami raw ang nagagalit sa kanya.

“Sa mga nagtu-tweet kay Ethel, biniro ko lang siya about Anne Curtis. Huwag kayong magalit sa kanya.

“Itong lahat ng ito ay katuwaan lang. Di ba’t pinapasaya namin kayo?"

Dagdag pa ni Willie, “Ang lalaki na ng ulo n’yo [Ethel at Ate Gay]!

“You don’t do that to me dahil, ako, binibigyan ko kayo ng lahat ng pagkakataon sa buhay.

“I am the producer, I am the host. Ako ang nag-iisip ng ikagaganda.

“Ang iniisip ko dito, publiko, hindi kayo.

“Ngayon, natalo lang sa costume, nagagalit kayo?

“Ginagawa ninyong kumpitensiya ito. Pinapasaya natin ang publiko at mga tao.

“Kaya ko kayo binibigyan ng incentive, para galingan ninyo, para mag-enjoy ang mga tao sa buong mundo.

“Huwag kayong maging personal.

“If you want to resign right now, go! Hindi ko kayo pipigilan.

“You don’t do that, mag-respeto kayo.

“Ethel, galing ka sa baba. Inaangat kita.

“Ganyan ang gagawin mo sa akin? Mag-isip ka.

“Ate Gay, binibigyan kita ng break, okay?

“Magkaroon kayo ng utang na loob.

“Kaya ko ginagawa yung… hindi n’yo ba napapansin, nasa likod lang ako?

“Bina-back-up-an ko lang kayo dahil kayo ang gusto kong umangat dito. Tapos ganyan ang ginagawa n’yo?

“Mag-isip kayo.

“Magkaroon kayo at tumingin kung saan kayo nanggaling. Huwag kayong umangat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag kayong masilaw at huwag kayong malunod sa sigaw at palakpak ng tao sa isang kanta.

“Tandaan n’yo ito. Hindi ganyan ang pagsikat sa mundo.

“Too much."

Sumbong pa ni Willie, “Alam n’yo, sa dressing room, sabi sa akin [ni Ethel], ‘Bakit mo ako ginaganoon?’

“Ako ang producer ng show, Ethel. Mag-isip ka.

“Ako ang nagpapasuweldo sa ’yo. Magrespeto ka. You don’t do that to me.

“Marami na ang nagsasabi sa akin, huwag kang kunin kasi ang ugali mo.

“Pero nagtiwala ako sa ‘yo dahil may talent ka. Pagpasok ko doon [sa dressing room], sinigaw-sigawan n’yo ako doon.

"Sino kayo? Mag-isip kayo!

“Mag-isip kayo dahil ako ang nagpapasuweldo sa inyo.

"At hindi n’yo dapat ginagawa ‘yan sa taong nagbibigay ng magandang buhay sa inyo.

“Sobra, e. I was so surprised na maggaganoon sila?

“Lahat ng ito e biruan lang, sayahan lang.

“Yung pera [P10,000 cash prize] ni Anna, isosoli rin ‘yon para mapasaya kayo [ang publiko]. Hindi ‘yon para sa amin, para sa inyo.

“Ngayon, dahil diyan, ayoko nang may concierto-concierto, di ba?

“Kausapin n’yo ’yan [Ethel and Ate Gay].

“Mamaya, ano na naman ang lalabas sa diyaryo? ‘Mayabang na naman si Willie?’

“Yung mga fans ni Anne Curtis, it’s just a joke. Joke lang po ’yan.

“Baka mamaya lumabas dito ’yan. Kung ano ang sabihin… para alam n’yo na.

“Hindi kayo dapat ganyan sa tao na tumutulong sa inyo.

“At hindi kami ang bida dito. Ang publiko ang bida sa programang ito."

CLICK HERE to view the video on PEParazzi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN