PEPtalk. Yeng Constantino concludes issue about her sexuality: “Hindi po ako tomboy! Sobrang straight ako and very secured ako with who I am."

Inamin ni Yeng Constantino na ang kantang "Chinito" mula sa kanyang Metamorphosis album ay para sa showbiz crush niya na ang pangalan ay may initial na "E."


Interesante ang latest episode ng PEPtalk lalo na para sa mga kabataang mahilig sa pop rock music.

Ano ang posibleng mangyari kung kaharap ng associate editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Rommel Llanes at section editor na si Demai Granali ang first winner ng Pinoy Dream Academy na si Yeng Constantino at ang kanyang gitara?

E, di, kantahan!!!

Demai: Hello, there and welcome to another episode of PEPtalk. Noong 2006 pinahanga niya tayo sa kanyang talento sa pag-awit at pagsulat ng kanta.

I’m sure naalala ninyong lahat ang kantang “Hawak Kamay.” Ngayon, siya na ang tinataguriang Pop Rock Princess ng OPM. Ladies and gentlemen, welcome to PEPtalk, Ms. Yeng Constantino!"


Yeng: "Thank you, thank you! It’s really an honor to be here dahil nung last time nga, nakita ko si Daniel [Padilla] so… ‘Hi, sa ‘yo Daniel.’"

Demai: Paramdam agad, ha? So dahil dumadaan tayo diyan sa paramdam levels na ‘yan at dahil kakatapos lang ng Valentine’s Day, sisimulan ka namin with this question… Kamusta ang love life ni Yeng Constantino?



LOVE LIFE. Ang sagot ng singer, “Okay naman siya. Sa pagkakaalam ko, wala pa ring pagbabago.

“Pero siyempre, alam mo yun, I am 24 years old. Tao din naman ako, naiinip din naman ako paminsan... Alam mo yung tinatanong ko yung sarili ko, ‘Bakit hindi ko pa kaya magka-boyfriend or anything?’”

Pag-amin niya, “Pero yun nga yung isa sa mga pagbabago this year na parang naging mas open ako na magpapasok ng mga lalaki sa buhay ko.”

Demai: Mga? talaga hindi lang isa?

Pabirong hirit ni Yeng, “Come on, guys!”

Dagdag pa niya, “Kasi parang mas naging open lang ako magpaligaw unlike before. Siguro, masyado pa akong bata, feeling ko, ang dami ko pang dapat gawin and ang laki ng pangarap ko for OPM.

“Na hindi ko muna yun pina-prioritize this year parang mas naging open lang ako na siguro it’s about time na maging open na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Demai: Pero ‘tong past six or seven years kasi, parang walang talagang na-link sa ’yo na matagal unlike before nung nakasama mo sa PDA, si Rj [Jimenez]. Wala bang umakyat ng ligaw sa ’yo during that time?

Kuwento ni Yeng, “May mga nanligaw, siyempre, pero yun nga, siguro sila yung…

“Naniniwala kasi ako na yung lalaki mate-test mo rin through time kasi kung talagang gusto ka hihintayin ka.

“Pero sa mga past ko na manliligaw, medyo nainip ’ata sila,

“Alam mo yung parang hindi sila nakapag-antay?

“Meron mga mga months, mga 3, pero parang ang tagal, na ang dami naman magandang babae, e.

“Mayroon namang sasagot sa kanila na magandang babae na mas madali, bakit pa nila papahirapan yung sarili nila sa akin?

"And hindi ako galit sa kanila kung ginawa nila ‘yon. Ibig sabihin, na-prove lang na hindi sila yung para sa akin.”

Ang paniniwala ni Yeng, “If you really love me, I know that you will wait.

“Parang dun yung basehan ko, e.

“Ngayon sa heart ko, parang naniniwala ako na parang there will be one person who will wait for me and who will love me kung sino ako, yung kaya ko maging ako sa harap niya.”

Natahimik naman ang set at mukhang ang mga single ladies ay naka-relate kaya napahirit si Demai ng, "O nakikinig ba kayo, mga single ladies?"

Ano ba yung hinahanap ni Yeng bukod dun sa sinasabi niya na willing maghintay? Ano ang qualities ng mga lalaki na gusto niya para maging boyfriend?


IDEAL MAN. Sabi ni Yeng, “Una, maka-Diyos, yun talaga ang gusto kasi sobrang win-win ka na do’n, e.

“If that person loves God, kahit loves God more than me, e... And he will know how to love me kasi, lagot siya kay God, e.

“So parang nakatutok yung baril ni God sa kanya… hindi joke lang!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When he is close to God, matatakot siyang saktan ako kasi God will tell him, ‘Uy, that’s bad!’”

Dagdag pa niya, “Pangalawa, a person na hindi ako maiilang na maging ako. Kasi hindi ako yung tipo ng normal na babae na, ‘hi,’ matamis, dalisay, yes, dalisay parang tubig lang!

“Pero hindi kasi ako yung ganung babae, e.

“I’m really a strong woman, alam ko yung ginagawa ko, alam ko yung gusto ko.

“I will get what I want so I want a person who will understand that.

“Hindi ako parang ma-a-under pero hindi ko rin naman siya i-a-under kasi I will respect him naman for who he is. Pero masasakyan ako... yung strong ng personality ko tapos hindi siya ma-o-offend.

“Kasi yung mga lalaki, kilala natin ‘yan na malalakas yung ego niyan, e. Oops! Madami palang lalaki dito, baka mamaya bugbugin niyo ko, wait lang, wag naman!’”

Humirit naman ang associate editor na si Rommel, “Pero hindi naman lahat ’yan lalaki talaga… Pakiramdaman lang ’yan!”

Pagpatuloy ni Yeng, “Pero kasi, naniniwala ako na may mga lalaki talaga na karamihan sa mga lalaki, meron talagang strong ego.

“Hindi ko sinasabi na problema yun kasi dapat naman meron silang sense of dignity pero may ibang lalaki kasi talaga na parang nangyayari, since yung ego nga nila na pag nasasabihan sila ng girl na, ‘uy, mali yan,’ feeling nila naatake sila pero actually, hindi kaya... Gusto ko, balanced.”

Humirit naman si Rommel, “Hindi naman.. nadala lang ako. Akala ko kasi, hindi na ako kasali, e.”

Kuwela namang pinatulan ni Yeng ang banat ni Rommel, “It’s okay! Hindi… tatabihan nga kita, e.”

At tinuloy niyang muli ang sagot sa tanong, “Basta yung kaya kong maging ako, I can be a strong woman, I can be a lady din sa harapan niya para maintindihan niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang sobrang nakaka-jive lang kami sa isa’t-isa. Parang yung trip ko, trip niya. Kung hindi kami pareho ng ginagawa, kung ano yung trip ko, kaya niyang i-try parang ganun. ‘Gusto ko i-try ‘yan. Hindi ko naiintindihan pero gusto ko i-try ‘yan!’”

Demai: Pero physical attributes, meron ba? Kasi sa album mo na Metamorphosis, meron kaming nakita na song, ‘yong “Chinito.” Anong meaning ng “Chinito?”



CHINITO SA BUHAY NI YENG. Ipinaliwanag ni Yeng ang background ng kanyang next single.

“Actually yung song na ‘yan from my Metamorphosis album... Nga pala, this is my fifth album and I’m really excited sa album na ‘to.

“May isang track dito, ’Chinito’ yung title niya, iyan lang yung track sa album na hindi ko ginawa.

“Nine out of 10, pero ’yan yung nag-iisang kanta na sinulat ng friend ko na nung narinig ko sabi ko, ‘Shocks! Parang sinulat niya yun para sa akin.’

“That time, may crush akong guy na chinito... parang wow!”

Demai: Sino nga si chinito?

Pakilig niyang sagot, “Dumadaan-daan lang yun sa dressing room ko sa ASAP minsan pero hi… bye!

“Kasi pag nagka-crush ako, hindi ko kayang magpa-cute, e. Na-awkward talaga ako, e. Kung anong strong ng personality ko, pag may crush na ako…"

Rommel: Natiyo-tiyope ka?

“Babae po ako…ganun pag lalaki parang nato-torpe pero sa babae pag ano…[biglang may sumigaw ng pangalan ng crush ni Yeng sa set], ‘Huwag ka naman maingay diyan’… Parang natatameme ako.

Kaya hindi napigilan ni Demai na tanungin kung sino ba si Chinito? Tinanong niya at may sumigaw ng “E!!!”

Nang pinangalanan na ngang E ang crush ni Yeng ay napasabi na lang ito ng, “Ano ba ‘yan nag-blush na ako.”

Demai: Sampolan mo nga kami ng “Chinito” para magka-idea yung mga fans kung sino itong si chinito.

At kinanta ni Yeng ang ilang linya ng kanta.



“At kung ikaw ay natatawa, ako pa ba ay nakikita/ Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw/ Sana naman ako’y pakinggan at nang ikaw ay malinawan/ dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin/ Oh! Chinito.. Chinito..”



Inamin ng singer na ang kinanta niya ay ang pinakapaborito niyang part, “Gustong-gusto ko talaga yung lyrics na ‘yon! ‘Kung ikaw ay nakatawa…’"



Rommel: Biglang nagsingkitan yung mga mata, e.



Hirit ni Yeng, “Pumungay yung mga mata, e.



“Totoo yun, parang nakakalimutan ko yung itsura ko kapag kausap na ikaw.



“Parang ‘Shocks, nakalimutan ko na yung sarili ko nung dumaan siya,’ parang mag-snap ka at kailangan mo pang gumising."



Kuwento niya, “So yun, nung time na narinig ko yung song na ‘yon nasa hype ako nung crush ko na singkitin, and then sinama ko siya sa album.



“Usually hindi ako nagpapasulat ng kanta sa ibang tao not because, ’Kasi ang galing ko, parang ang gusto ko pa munang ilabas ‘tong kanta.’



“Kasi gusto ko maglabas ng album na mga batang songwriters naman yung papasulatin ko.



“Pero with this, parang na-break yung rule ko, parang hindi... sobrang cute ng kantang ‘to, kailangan ko siya kantahin."



Rommel: Yung kasing “B.A.B.A.Y,” ang ganda, may hope. Lahat ng bata, nakakakanta, nakakasabay kasi may sinabi ka noon sa press con na parang kanta mo yun for a friend of yours na in love na pala sa’yo nang hindi mo alam ’tapos ikaw, mahal na mahal mo rin siya, so sino yung kaibigan mo na yun?



Patawang sagot niya, “Kailangan may pangalan talaga?



“Puwede natin pag-usapan mamaya pag wala ng camera.”



Nahiya na ang singer na ibahagi ang kuwento ng kantang "B.A.B.A.Y" kaya tinanong naman ni Rommel ang hindi mamatay-matay tungkol sa pagiging malapit ni Yeng sa dating Moonstar 88 vocalist na si Acel Van Ommen.



Rommel: Napapag-usapan na rin yung love, kasi may mga tao na yung extra closeness niyo kasi nung isang lead singer si Acel, binibigyang-kulay. So ano ba yun? Linawin mo nga yung closeness niyo.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HINDI AKO TOMBOY! Paglinaw ng Kapamilya singer, “She’s my spiritual mentor.



“She’s the one guiding me sa spiritual walk ko with the Lord. Siya yung… there’s a verse in the Bible, ‘There will be a friend that will stick to you more than a brother,’ nandiyan yung kapatid ko... Hindi ko sinasabing mas close kami…"



Rommel: Parang naluluha, e…



“Bro, I’m sorry!



“Pero kasi siya yung tao na nakasama ko through thick and thin.



“Siya yung parang kaibigan ko na takbuhan ko nung malungkot na malungkot ako tapos hindi niya lang ako binigyan ng comfort, binigyan niya rin ako ng words of wisdom para maka get through dun sa mga problema ko.



“She helped me to really grow in my walk kaya siya yun. Pero ano ba ‘yan! Paano nachi-chika?”



Rommel: Yun nga, nachi-chika, nachi-chismis, nabibigyan ng kulay ng mga walang magawa.



Paglinaw ni Yeng, “Hindi po ako tomboy!



“Sobrang straight ako and very secured ako with who I am.



“So siguro nakita nila na strong yung personality, kailangan lang nila ma-open yung mind nila with different kinds of women, hindi lahat pareho.



“Yung iba discreet, meron loud, meron ngang babaeng bakla, nagiging ganun na nga ako, e.



“May ganung babae, iba-ibang klase pero lahat babae. Hindi lang kasi dapat kinakahon yung isang babae sa ganito.



“Kasi paano ka magiging unique kung pare-pareho kayo?”



Sabi pa ng Star Magic talent, “Siguro yun yung isa sa mga characters ko na I think marami na rin ang nakaka-gets na may part ng heart ko na kid and may part ng heart ko na strong.



“Siguro matatawag ko yung sarili ko na babaeng Gabriela Silang sa makabagong panahon.



“Yun yung nakikita ko sa akin.



“I know my battle, and I am fighting for OPM, so kailangan ako maging strong.



“Hindi ako puwedeng petiks lang. If I have a vision then I would have to do something about it. Hindi pupuwede yung if it will happen, it will happen.’



“Hindi, e! Paano pala kung hinihintay ka pala ni God to step and move forward para mangyari yung bagay na gagawin mo?



“I think ganun lang talaga, ganun akong klase ng person, and I am very secured nga in who I am.



"At saka kung alam niyo lang, sobrang dami ko talagang crush. Minsan nga, nahihirapan na ako kasi kinikilig ako tapos makikita mo yung isa, grabe, kikilig ako sa kanya!”



Rommel: So girl na girl ka talaga? Yun lang ang malinaw. Pero ikaw, kung meron kang i-dedicate kay Acel na kanta, ano ‘yon?



“Meron siyang kantang ginamit sa Rounin na teleseye, yung kanta niya yung… ["Sa Ngalan ng Pag-ibig"]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kinanta ni Yeng ang ilang linya, “Iaalay pansarili kong mithiin/ Pag-ibig mo
ang tanging nanaisin/ At ang bukas ng iyong tagumpay, ay ligaya, o, aking mahal.”

“Kasi sobra niyang selfless na babae. Alam niyo ba na siya yung vocalist ng Moonstar 88 before?

“She left the band because she felt that God is moving her to a different direction... that she is becoming a preacher to the young women and helping the church.


"So parang ako, ‘Wow! You’re living a dream and then for you to have that heart
na, ’Sige, iwanan ko ‘tong lahat because I want to serve God,’ sobra yun!”

Dagdag niya, “Kaya yun ang kanta ko sa kanya ‘Iaalay Ko Ang Aking Mithiin’
and that’s what she did.

“So siya yung isa sa mga inspirations ko.”


Napansin ni Yeng ang labis na katahimikan sa set kaya humirit ito ng, “Seryoso
‘no? Panis! Kala niyo ha?”

Rommel: Parang nako-konsensya na nga ako sa mga nagawa kong kasalanan, e.

Hirit ni Yeng, “I’ll pray over you..”

Rommel: Gusto ko na nga mag-ano sa ‘yo, e mag-confess.

Demai: Pero na-mention mo yung fight for OPM and, of course, sa OPM, gaya ng
na-mention ko kanina sa intro, ikaw yung tinaguriang Pop Rock Princess, although of course mayroong mga tao na hindi mag-a-agree dun sa title mo na ‘yan.


Anong masasabi mo sa mga critics mo, sa bashers?

Alamin ang sagot at kanta ni Yeng para sa bashers niya sa #YengonPEPtalk part 2.

(CLICK HERE to watch PEPtalk with Marcelito Pomoy and Yeng Constantino.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN