Kathryn Bernardo on MU status with Daniel Padilla: “Siguro parang high school yung stage naming dalawa. Basta hindi namin minamadali.”

Hanggang saan na ba ang extent ng pagiging mag-MU nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla? Sagot ni Kathryn," Yung very comfortable kayo sa isa’t isa. Nasasabi ko sa kanya lahat ng mga problema ko and humihingi ako ng advice sa kanya. Very open ako kay DJ."


Inamin ni Daniel Padilla na mag-MU (mutual understanding) na sila ng ka-loveteam na si Kathryn Bernardo nang matanong tungkol sa status ng relationship nila sa presscon ng pinagbibidahan nilang pelikula under Star Cinema, ang Must Be… Love, na ipalalabas sa mga sinehan sa March 13.

Ginanap ang presscon kahapon, Pebrero 28, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Kathryn pagkatapos ng presscon, ang tungkol sa MU stage nila ang kaagad na inusisa sa young actress.

Agree ba siya sa sinabi ni Daniel?

Sagot niya, “Parang ganun siguro. Kasi iba-iba yung definition ng MU sa atin, e.

“Basta sa aming dalawa, nagkakaintindihan kami.

“Siguro parang high school yung stage naming dalawa. Basta hindi namin minamadali.”

Ibig sabihin ba nito ay hindi na siya magpapaligaw sa ibang lalaki at hindi rin puwedeng manligaw si Daniel ng ibang babae?

“Hindi ko naman sa pinagbabawalan si DJ [palayaw ni Daniel] na manligaw sa iba, kasi wala pa naman po akong right, e.

“So, choice naman niya kung ano yung gusto niya.”



SPECIAL FEELINGS. Kitang-kita ng mga tao ang kilig sa kanilang dalawa, kaya iniisip na higit pa sa MU ang meron sila.

Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi namin makita, e!” biro ni Kathryn.

“Siguro kasi sobrang comfortable na ako with DJ, e.

“So, nakikita nila sa set na nagsusuntukan kami, biruan, ganyan-ganyan.

“Siguro natutuwa lang sila sa amin. Yun lang.

“So, nagpapakatotoo lang kami sa set, e.”

Hanggang saan na ba yung extent ng pagiging mag-MU nila?

“Yung very comfortable kayo sa isa’t isa. Nasasabi ko sa kanya lahat ng mga problema ko and humihingi ako ng advice sa kanya.

“Very open ako kay DJ,” sabi ng dalaga.

Pero nandun ba talaga yung special feelings niya para kay Daniel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro masasabi ko na nade-develop talaga yung feelings habang nagtatagal na kasama ko si DJ kasi mabuti po siyang lalaki.”

MEET THE PARENTS. Kumusta naman ang treatment sa kanya ng parents ni Daniel na sina Karla Estrada at Rommel Padilla?

“Mabait si Tita Karla, kasama niya parati. Mabait po yung family niya.

“And na-meet ko rin si Tito Rommel nung Game 3 [ng Princess And I basketball game]. So, super-bait nila.”

Ano naman ang reaksiyon ng parents niya sa isyu ng ligawan? Hindi ba strict ang mommy niya?

Sagot ni Kathryn, “Siyempre strict pa rin, nandun yung limitations. Depende lang sa babae iyan kung paano i-handle.”

Okay lang ba sa mommy niya na magka-boyfriend na siya?

“Sana hindi muna. Pero gusto rin naman niya akong maging normal girl na may manliligaw, ganyan.

“Pero sana huwag muna. Pero puwedeng magpaligaw.”

Sixteen pa lang siya ngayon. So, pag eighteen na ba siya ay puwede na siyang magka-boyfriend?

“Yeah, pag eighteen na siguro,” pagsang-ayon ni Kathryn.



NEW PARTNERS? Maganda at attractive din ang baguhang aktres na si Liza Soberano na kasama nila sa Must Be… Love. Hindi ba nagselos si Kathryn sa mga eksena nina Daniel at Liza?

“No, hindi,” mabilis niyang sagot.

“Kasi buhay din ng mga artista na mape-pair ka sa iba.

“So, ayoko rin naman na putulin yung chance ni DJ na ma-loveteam sa iba kasi baka mas okay, yung ganyan.

“So, tingnan na rin natin kasi maganda rin po yung role ni Liza sa Must Be… Love.”

Ano naman ang magiging reaksiyon niya kung sakali ngang dumating yung time na mai-partner na sila sa ibang artista?

Sabi ni Kathryn, “Siguro malulungkot ako pag nai-partner sa iba kasi super-bait po ni DJ talaga na lalaki.

“And kung dumating man sa point na iyon, siguro hindi naman mawawala sa amin ang communication, magkikita pa rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta trabaho lang po siguro.”



NOT JEALOUS. Si Daniel ang isa sa pinakasikat na male teen stars ngayon, kaya hindi maiwasang maraming girls ang umiidolo at nagkakagusto rito.

Hindi ba nagseselos si Kathryn sa ibang mga babaeng umaaligid sa kapareha?

“Hindi naman. Kasi lalo na sa mga babae, maa-attract naman sila kay DJ kasi kumakanta and ganyan.

“So, ba’t ko naman sila pipigilan, di ba?

“Parang nakaka-proud nga kasi ang daming nagkakagusto kay DJ.

“Kaya yung sinasabi nilang isyu na nagseselos ako, lalo na sa mga fans, hindi, hindi po yun totoo.”



LOVETEAM MOVIE. Pagkatapos ng mga pelikulang 24/7 In Love at Sisterakas, kung saan ipinakilala sa big screen ang loveteam nina Kathryn at Daniel, ang Must Be… Love naman ang magsisilbing launching movie ng loveteam nila dahil sila na ang mga bida rito.

Ano ang nararamdaman ni Kathryn na mga bida na sila ngayon sa movie?

“Excited kasi yun kami na… makikita mo sa poster kaming dalawa na lang.

“Tapos sa premiere night, excited na kaming mapanood yung buong movie na ginawa namin sa Cebu.”

Kung ang kasabayan niyang si Julia Montes ay nagkaroon na ng kissing scenes kay Coco Martin sa pelikulang A Moment In Time, sila ba ni Daniel ay may kissing scene din sa movie nila?

“Tignan n’yo na lang sa movie po. Tingnan na lang natin sa premiere night po. Abangan n’yo.”

Iimbitahin ba nila sa premiere night ng Must Be… Love sina Kris Aquino, Vice Ganda, at Ai-Ai delas Alas, na nakasama nila sa Sisterakas?

“Opo, sana kung pwede sila sa premiere night. Of course, matutuwa kami ni DJ kung nandun sila,” tugon ni Kathryn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN