Pops Fernandez on enjoying single life: "Hanggang ngayon nagdadalaga pa ‘ko…"

“Kasi nung bata ako, nung time na teenager pa yung kami, magkakabarkada, yung mga friends ko, lumalabas. Normal lang yun. Ako, hindi, e," sabi ni Pops Fernandez na ngayon pa lang nae-enjoy ang pagiging buhay-dalaga.


Magkakaroon ng repeat performance ang Foursome concert nina Pops Fernandez, Regine Velasquez, Martin Nievera, at Ogie Alcasid sa March 16, sa SM Mall of Asia Arena.

Matatandaang naging naging matagumpay at tinao nang husto ang February 14-concert ng apat na batikan at sikat na OPM singers.

Gustung-gusto ng mga nagsipanood ang mga kanta, production, at lalo na ang jokes nina Pops, Martin, Regine, at Ogie.

Partikular na natandaan ng mga tao ay ang “packing” joke nina Pops at Martin.

“Totoo yun! Yun talaga ang na-miss ko kay Martin. Yung pag-pack niya,” bulalas ni Pops habang nakikipag-usap sa pocket presscon ng Foursome The Repeat, na idinaos sa Ryu Ramen & Curry Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ngayong araw, March 1.

“Walang joke yun, promise. It’s really with the letter ‘p’,” dagdag pang sabi ni Pops sabay pag-high five sa katabi niyang si Regine Velasquez, bago tumawa.

Kuwento pa ni Pops, nagsimula raw iyon nung tanungin siya ni Martin sa isang show nila dati.

“Tinanong niya talaga, nagpapa-sweet siya sa akin, nagpapa-cute siya.

“’So, Pops, anong na-miss mo sa ‘kin?’” tanong daw ni Martin sa kanya, na nung panahon na iyon ay hiwalay na sa kanya.

“Nag-isip talaga ‘ko. Sabi ko, ‘The way you pack.’

“Hanggang sa naalala niya…”

Naalala raw ito ni Martin ilang sandali bago ang simula ng concert nila nung February 14.

Sumali na tuloy sa pagkuwento si Regine kung paano pumasok ang “packing” joke sa concert.

“Actually, pinag-usapan namin yung tatlo. ‘Tapos hindi namin yun sa kanya sinabi,” lahad ni Regine. Ang tinutukoy niyang tatlo ay siya, si Ogie at si Martin.

Wala raw alam si Pops sa pinag-usapan nilang tatlo.

“Sigurado si Martin na ‘pag tinanong siya [Pops], yun ang ia-answer. Sabi ko, ‘Pa’no kung hindi iyon ang i-answer?’ Sabi niya, ‘Basta…’” kuwento pa ni Regine.

“At least consistent ako, yun lang ang na-miss ko sa kanya,” natatawa uling sabi ni Pops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang ngayon tinuturuan ako ng tao how to pack. Kasi feeling nila hindi talaga ako magaling mag-packing,” may pagka-pilya pang saad ng tinaguriang “Philippines’ Concert Queen.”

KNOWING WHERE THEY STAND. Banggit pa ng mga umi-interview kay Pops, marami pa rin ang kinikilig sa kanila ni Martin. Marami raw tuloy ang nanghihinayang talaga kung bakit pa sila nagkahiwalay at humihiling na sana raw ay magkabalikan sila.

“Right now, I think we’re better off where we stand. Kasi I think, finally, nag-mature na si Martin,” natawa pagkatapos si Pops nang sabihin ito.

“Ano na, accepted na namin where we stand, where we are…”

Mahirap daw kasi noong kakahiwalay pa lang nila. Marami raw silang galit, maraming sama ng loob sa isa’t isa.

Pero ngayon daw ay pareho na silang nag-mature. Pareho na nilang tanggap na hindi na hiwalay na sila’t may sari-sarili na silang buhay.

“Puwede palang mangyari iyon? Kasi akala ko, hindi, nung araw, e.

“Puwede pala na…hindi naman makalimutan, pero matanggap mo na lang…

“I think that’s the reason why we can still work very well together.”

EXPERIENCING SINGLE LIFE NOW. Nineteen years old si Pops nung pakasalan siya ni Martin, kaya’t masasabi ngang marami pa sana siyang na-experience sa usaping pag-ibig kung hindi lang siya nag-asawa agad.

Ngayon lang daw niya nararanasan ang dapat sana’y naranasan niya noong teenager pa siya.

“At least, na-experience ko na siya after [the marriage with Martin]. Ang pangit kasi kung nawalan talaga ako ng life, ‘tapos it just stayed the same, right?

“But I think I was able to experience, kunyari, being single after we separated, I didn’t want it then, but after a while, I got so used to it.

“So, na-experience ko rin yung magdalaga, hanggang ngayon nagdadalaga pa ‘ko…

“Kasi nung bata ako, nung time na teenager pa yung kami, magkakabarkada, yung mga friends ko, lumalabas. Normal lang yun. Ako, hindi, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, ngayon ko lang din siya na-experience.”

Anong edad na niya na-enjoy ang buhay-single?

“Lately na lang, nung malaki-laki na yung mga anak ko [Robin at Ram]. Nakahinga na ‘ko ng konti kasi feeling ko, patapos na sila.

“Siyempre yung responsibilities as a mom, nandun pa rin. Pero siyempre madami pa kasing mga bagay na iniisip, their studies and all that.

“So, lately na lang talaga…”

HER SONS AS HER BARKADA. Pero kahit na maaga nga siyang nag-asawa at hindi niya halos na-enjoy ang kanyang pagdadalaga noon, wala raw siyang pagsisisi na lumagay siya sa tahimik agad at nagkaanak.

“No, no, no, no. Kasi ‘pag nakikita ko ang mga anak ko…kasi ang nangyari naging barkada ko ang mga anak ko.

“Nangyari rin… lalo na in the middle of the night, ‘pag iyak na iyak ka na, kasi sad na sad ka na. Either pagod ako, mag-isa lang ako.

“Ang kinakatok ko palagi, ginigising ko, ang mga anak ko. So, hindi ako takot iyakan ang mga anak ko.

“‘Tapos kinukuwento ko talaga what I’m going through, ‘I’m feeling so tired na, and I feel so sad…’

“So, ang nangyari naging sobrang barkada ko rin ang mga anak ko. Siguro kung wala sila, it would have been really, really hard for me.

“And I actually appreciate the fact na, at this age, ganun na kalaki ang mga anak ko.

“Kasi hanggang ngayon naman, ‘pag gusto kong lumabas, minsan kasama ko iyang mga anak ko.”

Sa kasalukuyan, wala raw siyang boyfriend pero nakikipag-date naman daw si Pops.

“I’m single, but I’m dating. I think that’s the best part of being single, di ba? You can meet a lot of people, ‘tapos you get to choose. E, never ko naman na-experience yun nung araw. So, I might as well experience it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman sa kanyang mga anak ang kanyang pakikipag-date ngayon?

“My kids are so cool, my gosh.

“Siyempre ano sila, very supportive. Basta they know na… They will, siyempre ask questions, they have to know who the guy is.

“But more than that, ano naman sila, alam naman nila na, basta happy ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN