Andi Eigenmann denies going to London to get back with Jake Ejercito

Mabilis na pinabulaanan ni Andi Eigenmann na nagkabalikan na raw sila ng ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito. Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, sinabi ni Andi na: “Can i just explain that theres no truth to the peoples assumptions abt me going to london to get back w jake.”


Mariing pinabulaanan ni Andi Eigenmann ang report na nagkabalikan na diumano sila ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Ilang minuto pagkatapos lumabas ang report na pumunta si Andi sa London upang makipagkasundo na kay Jake, nag-post ng magkakasunod na tweets sa kanyang Twitter account (@andieigengirl) ang Kapamilya actress ngayong gabi, March 1.

Ito ay bunsod ng mga mensaheng natatanggap ni Andi tungkol sa pagbabalikan daw nila ng dating nobyo.

Ayon kay Andi, hindi pa sila nagkakasama muli ni Jake mula noong isang taon.

Dagdag niya, “…and though it broke my heart, i was strong enough to accept that it just cannot be.”

Nilinaw rin ni Andi na hindi ang makipagbalikan kay Jake ang dahilan ng kanyang pagpunta sa London.

Hindi raw pag-aari ni Jake ang London, at may naipon naman daw siya kaya na-afford niyang bumili ng sariling ticket upang magtungo roon.

Matagal na raw talaga niyang gustong magpunta sa London upang makita ang magagandang tanawin doon.

Sabi pa ni Andi, “I just dont understand why after i lost him, i still have to keep suffering from peoples judgments and accusations”

ANDI’S TWEETS. Ito ang magkakasunod na tweets ni Andi:

“Why is everybody congratulating me for being inlove again.. I dont know abt this.hahaha”

“I get it, im not good enough for their son and maybe i never will be. And im not gonna force otherwise, cus i am better than this.”

“First of all, jake doesnt own london and jake isnt equal to london. I think its pretty obv i also jave my own earnings and can afford to”

“Can i just explain that theres no truth to the peoples assumptions abt me going to london to get back w jake.”

“Wanting to pursue my long time dream of seeing the city."

“Pay for a ticket on my own. Which is exactly why i managed to fly there and go on vacation. Hope people wouldnt make such a big deal abt me”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Jake and i havent been together since last year and though it broke my heart, i was strong enough to accept that it just cannot be.”

“I just dont understand why after i lost him, i still have to keep suffering"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN