Race car champion Marlon Stockinger wants friend Matteo Guidicelli to portray him in a biofilm; open to joining showbiz

Filipino-Swiss Marlon Stockinger is proud to be Pinoy. He says, "Sobrang proud lang talaga ako to wear the badge on my shirt and represent them proudly. And it’s a great opportunity for our national pride and for international recognition. And now people can understand na kahit saang bansa ka galing you can make it to the top, even from the Philippines. And I hope I can live up to the expectations."


Kung hindi raw siya ang gaganap, gusto ng Pinoy-Swiss race car champion na si Marlon Stockinger na ang kaibigan niyang si Matteo Guidicelli ang gumanap bilang siya sakaling isapelikula ang kanyang buhay.

“I am always open to new things, so it maybe nice to always try something new [like acting].

“If maybe I can have more time, then why not. If it’s a nice project then it’s always good to try something new.

“If not me, I think my good friend Matteo can do it.


“I’m very happy for him that he’s now in showbiz, he’s a celebrity.

“Whenever I go with him people flock to see him and get his autograph. He’s successful now and he’s doing a teleserye, Paraiso.

“I just wish him all the best luck and just keep going in that direction,” sabi ni Marlon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marlon sa presscon para ihayag ang pagiging representative niya ng Pilipinas sa Lotus F1 Junior Team sa suporta na rin ng Globe Tattoo.

Ginanap ang presscon sa Salon de Ning ng Peninsula Hotel sa Makati City kahapon, February 28.

May tiwala raw si Marlon kay Matteo na magagampanan nito nang maayos ang role dahil dati ring sumasali at nananalo sa karera ang aktor.

Matagal na rin daw silang magkaibigan ni Matteo. Bata pa lang daw sila ay pareho na silang go kart racers.

Nagkaroon ba ng pagkakataon na nakalaban niya si Matteo sa isang race?

“Yeah, before we used to race in go karts. It was nice.

“But he was a year older, so most of the time he is in the category above me.

“And then I think for two years we were able to race in the same category.”

Sa kabila ng pagiging competitors dati ay naging mabuti naman silang magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Marlon. “Yung mga karera we found good friendship.

“Dati we were competitors but now because we got to know each other through racing and motor sports we’re really good friends.”



OPEN TO SHOWBIZ. Dahil nasa showbiz na ang kaibigan niyang si Matteo, kaya natatanong din si Marlon kung posible rin niyang subukan pasukin ang showbiz.

Hindi naman daw isinasara ng international car racing champ ang kanyang pinto para sa posibleng pagpasok niya sa showbiz.

Yun nga lang, hindi pa raw ito mangyayari sa ngayon dahil mas nakatuon nga ang atensiyon niya para makamit ang pangarap niyang manalo sa pinakasikat na car racing event sa mundo—ang Formula One series.

“For now I just want to do well at my sport.

“But if more doors would open after my racing career, showbiz would be something interesting to try.”

Matagal na rin daw may offers sa kanya sa telebisyon at pelikula, pero hindi nga niya mapagtuunan ito ng pansin dahil sa mahabang panahon na kailangan niyang i-commit.

Ang tanging nagagawa niya lang ngayon na may kinalaman sa showbiz ay ang modeling, product endorsements, print media pictorials, at TV commercials.

Isa nga raw sa paborito niyang TVCs ang Globe Tattoo Tonino Lamborghini commercial kung saan ipinapakita ang kanyang pagiging champion car racer.

Napa-flatter ba siya kapag nakakatanggap siya ng offers na showbiz related?

“Oo naman, siyempre sobrang flattered ako because I guess it’s just nice that they appreciate the sport and I’ve been getting the recognition.

“At the same time, you know, these people could choose anyone, but they chose me. It’s just nice.”


ALBERT MARTINEZ LOOK-ALIKE. Marami ang nagsasabi na puwedeng-upwedeng mag-artista si Marlon dahil sa angkin niyang kaguwapuhan at karisma. Kaya naman madalas siyang tawaging race track heartthrob.

May mga nagsasabi ring malaki ang pagkakahawig ni Marlon sa magaling na aktor na si Albert Martinez. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I keep hearing that I look like Albert Martinez.

“That’s why I know who he is because everytime I speak with the media they say, ‘Parang magkamukha kayo. You guys look the same.’

“I think it’s nice. It’s honestly all good compliment.

“And I’m just happy to be compared to all these people.

“You know, they’re in show business and to get that comparison is just good because they’re good looking.

“I don’t know how they see it but I’m just glad that they give such nice comments.”



CHAMPION RACER. Gumagawa na ng pangalan si Marlon sa international car racing scene. Pangarap niya ngang maabot ang naging tagumpay ng idol car racer niyang si Michael Schumacher.

Paano ba nagsimula ang pangangarera niya?

“It’s started sa tatay ko. Nag-start ako sa go kart.

“Tapos gusto niya dalhin niya ako sa Carmona, Cavite [sa race circuits]. And from there the rest was history talaga.”

Simula pa noong 2002 ay wala nang palya si Marlon sa pag-uwi ng mga tropeyo at karangalan mula sa mga karting events at races hanggang tumuntong siya at manalo sa international car racing championships.

Last year ay nanalo siya sa prestihiyosong Grand Prix race sa Monaco.

Ngayong taon ay ipinagmamalaki ni Marlon ang pagkapili sa kanya bilang unang Filipino race car driver na napabilang sa junior ranks ng isa sa most legendary Formula One teams—ang Lotus F1 Team.

Makakasama niya sa team sina Marco Sorensen ng Denmark, Alex Fontana ng Switzerland, Oscar Tunjo ng Colombia, Esteban Ocon ng France, Alexander Albon ng Thailand, at Dorian Boccolacci ng France.

Napili rin si Marlon para maging official driver ng dadalhing F1 car dito sa bansa bilang bahagi ng Lotus F1 Roashow na magaganap sa May 3 to 5 sa mga kalye ng Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PROUD TO BE PINOY. Bagamat madalas na nasa abroad si Marlon para sa kanyang racing career, hindi raw niya nakakalimutang bumisita sa Pilipinas, kung saan siya ipinanganak, pag may break o bakasyon siya.

Malapit daw sa kanyang puso ang mga Pinoy dahil sa suportang natatanggap niya.

“I just wanna say salamat lang sa mga support.

“Nakikita ko sa Twitter, sa Facebook. Ang ganda ng lahat ng comments and support from everyone.

“I just wanna thank them for all that support.

“It keeps me motivated and to train hard every day and push everytime para sa karera ko.”

Kinumusta rin ng PEP ang pagsasalita ng Tagalog ni Marlon?

“Hindi siya sobrang fluent kasi kababalik ko lang from Europe.

“Nawawala konti yung words but I’m sure pag nakasama ko ang mga pinsan [kong Pinoy] and I get out with them, then I’ll just get back my words again.”

Sa kabila ng mga natamong tagumpay sa ibang bansa, hindi nakakalimutang ipagmalaki ni Marlon ang kanyang achievement bilang isang Pinoy.

Sa tuwing kakarera nga raw siya ay laging may simbolo ng Pilipinas hindi lang sa kanyang kotse kundi pati sa kanyang suot na damit at helmet.

“Sobrang proud lang talaga ako to wear the badge on my shirt and represent them proudly.

“And it’s a great opportunity for our national pride and for international recognition.

“And now people can understand na kahit saang bansa ka galing you can make it to the top, even from the Philippines.

“And I hope I can live up to the expectations.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN