Eula Valdes on working with Kapatid network: “’Eto ha, sa totoo lang, hindi ko inalam kung magkano. Mamatay man ako.”

Eula on her five-year relationship with boyfriend Rocky Salumbides: “Pero yun nga, sinasabi niya na gusto niya ako na ang huling babae. Sana maging Misis Salumbides. Yun ang inaano niya.”


Magiging isang Kapatid na si Eula Valdes.

Kailan lang ay pumirma na siya ng exclusive contract sa TV5 at ang unang teleserye nga na gagawin niya ay ang Cassandra, kunsaan siya ang gaganap na ina ng bidang si Eula Caballero.

Bago maging Kapatid, sa Kapamilya network napapanood si Eula.

Nakausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula sa storycon at pictorial ng Cassandra sa Broadway Centrum noong Miyerkules, February 27.

Bakit nga ba siya lumipat?

“Trabaho lang naman, nagpaalam ako sa ABS. Pumayag naman sila. Although meron silang ino-offer. Kaso lang, nakausap na ni Ricky [Gallardo, Eula’s manager] itong TV5,” panimulang bungad niya.

Ano raw ang dapat na gagawin niya sana sa ABS kung hindi siya natuloy na lumipat?

“Hindi ko alam kung official o ano, pero kasi, tumawag at nakausap ko ang director ng Dugong Buhay. Nasayangan din ako kasi, first movie ko kasi sa Viva, Dugong Buhay. Thirteen... fourteen ako noon.

“Siyempre, nasayangan din, ako, ‘di ba? Dito naman kasi, bago rin kasi, hindi naman ako palaging nagpa-fantaserye.

“Kaya parang na-excite rin ako rito. At saka, matagal ko na rin kaibigan si Edlyn [Tallada, TV5 executive], so, I know I’m in good hands,” pag-amin niya.

FASCINATED WITH SWORDS. Ayon naman kay Eula, base raw sa storycon, drama talaga ang Cassandra na hango o karugtong ng dati ring show ni Eula Caballero na Third Eye. Hindi raw incidental ang drama at ang talagang incidental ay yung magkakaroon sila ng powers.

“So, ano siya... hindi siya naka-focus sa fantasy lang.”

Dugtong pa niya, “Excited ako kasi, physical ako na tao. Feeling ko, mae-enjoy ko ‘to, e. At saka, nangongolekta ako ng sword. Pero hindi samurai kung hindi mga medieval sword.”

Bakit naman nagkaroon siya ng hilig sa mga espada?

“Yun ang hilig ko, e, bata pa lang ako. Dito naman sa Cassandra, hindi naman sa may sword, kung hindi excited ako, kasi gusto ko ng action, gusto ko ng mga ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pati yung mga komiks na binibili ko noong high school ako, Elektra Assassin.

“So, excited ako rito. Sana lang, hindi ako ma-disappoint, ‘di ba?”

Sa isang banda, itinanggi naman ni Eula na ang pinakamalaking dahilan kung bakit siya lumipat ng network ay dahil sa malaking talent fee na sinasabing natatanggap ng mga artistang nagiging Kapatid.

Sabi nga ni Eula, “’Eto ha, sa totoo lang... hindi ko inalam kung magkano—hindi, hindi ko inalam. Mamatay man ako. Hindi yun ang unang concern ko.

“Ewan ko, baka sabihin niyo corny, pero siyempre naghahanap ako ng ibang role.

“Hindi naman sa hindi ko nagugustuhan ang ibang nakukuha ko, siyempre, gusto ko. Magaganda naman ang ginawa ko sa ABS, pero bilang artista, gusto ko rin mag-try ng iba.

“Kasi, iniisip ko, baka mamatay ako na hindi ko nagawa yung iba, hindi nga,” sabi pa niya.

“Kasi minsan, iniisip ko ang ibang artista natin na hindi man tumabo yung ginawa nilang film o hindi sineryoso o so-so, pero, kapag hinimay mo ang ginawang role nila, ang gaganda.

“At saka, hindi negative na inggit, pero sana, bago man lang ako mag-retire o tumanda, magawa ko ang iba-ibang role.”

Maganda ang aura ni Eula at sigurado na sa kaseksihan pa rin nito hanggang ngayon, marami ang puwedeng mainggit sa kanya na mga babaeng dalaga o mas bata pa sa kanya.

SMOOTH-SAILING LOVELIFE. Bukod sa maayos na career, maganda rin ang takbo ng lovelife ng aktres sa boyfriend nitong si Rocky Salumbides.

Nang kamustahin namin ang lovelife niya, mabilis niyang sinabi na, “Okay, nandiyan nga, kasama siya rito. Pero wala akong kinalaman diyan ha,” natatawang sambit pa niya.

Tikbalang naman daw ang papel ng boyfriend sa Cassandra.

Posibleng kayang isa rin sa mga kinonsidera niya sa paglipat sa TV 5 at paggawa ng Cassandra ay ang pagkakataon na magkasama sila ng boyfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi,” nakangiting tanggi niya.

“Siyempre, alam ko na kasama siya pero hindi ko alam ang mga roles.”

Excited siya bilang unang beses nilang magkakasama sa project?

“Oo, excited ako kasi, umoo na siyang talaga. Kasi, ano siya... may stigma na nga na ano yan... kapag kinabahan biglang magku-quit. Pero ngayon, hindi... pinag-usapan na namin yan.”

Siya ba ang kumukumbinse sa boyfriend na mag-artista talaga?

“Noong una talaga, pero, marunong namang umarte. Nagka-award na nga. Sabi ko nga, walanghiya ka, kabago-bago mo, meron ka nang award. Kaya siguro, sign na yan na seryosohin mo. Mag-artista ka na.

“E, hindi pa nagsi-sink in sa kanya na artista siya. Pero, grabeng mag-prepare yan. Kapag may indie siya, mas grabe pa sa akin yan. Kasi, may indie siyang gagawin, yun ang pinagpi-prepare-an niya.

Magli-limang taon na rin daw ang relasyon nila ni Rocky at ang mga anak niya ay masasabing kasundong-kasundo rin nito.

Wala pa ba silang planong pakasal?

“Gusto niya,” nakangiting sabi ni Eula.

Biro naman namin sa kanya, nag-iinarte siya, tumatanggi siya?

Natatawang sagot naman niya, “Ang haba ng buhok ko. Hindi, siguro kasi, natatakot ako na baka may magbago. E, okay naman kami. Ewan ko, hindi ko alam.”

Nanggaling na rin si Eula sa pagpapakasal at annulment. Kaya masasabi bang hindi na niya kasi nakikitang ang kasal ay may kakambal na sekyuridad?

“Hindi, hindi rin…baka i-condemn ako ng mga Katoliko. Pero siyempre, naniniwala ako sa kasal. Pero sa situwasyon namin, hindi pa siguro time. Pero siya, gusto niya.”

Nag-propose na ba siya?

“Hindi siya magpu-propose kasi, alam niyang hindi pa ako ready. O, ‘di ba, yung tanda kong ito?

“Pero yun nga, sinasabi niya na gusto niya ako na ang huling babae. Sana maging Misis Salumbides. Yun ang inaano niya.”

Magiging handa kaya siyang pakasal muli?

“Hindi ko alam. Ayokong isipin kasi, okay naman kami, di ba? Bakit mo po-problemahin ang wala namang problema. Kung problema sa kanya yun, e, huwag na lang problemahin kasi, okay naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN