Sebastian Castro on BB Gandanghari’s fashion style: “No problem with that. It’s just not really my style.”

Maraming kababaihan ang nanghihinayang nang umamin ang guwapong modelo na si Sebastian Castro tungkol sa kanyang tunay na sexual preference. Pero sabi ni Sebastian tungkol dito, “Many girls… oh, they have so many matinee idols to choose from. There’s Piolo [Pascual], Echong Dee… a lot more.”


Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang naging pag-amin ng model at YouTube sensation na si Sebastian Castro tungkol sa kanyang sexual preference.

(CLICK HERE to read related story.)

Magkakaiba ang naging reaksiyon ng publiko tungkol sa kanyang paglaladlad.

May mga naintindihan siya, meron namang hindi. Merong nanghinayang, pero meron ding natawa. May mga humanga, yung iba nama’y nang-alipusta.

Nang makausap muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sebastian sa 2013 Golden Screen TV Awards noong March 1 ay hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol dito.

Hirap mag-Tagalog ang Philippine-based Peruvian-Japanese commercial model kaya humingi siya ng despensa kung halos puro sa English ang sagot niya sa mga tanong.

“I came out not only for myself,” bungad ni Sebastian.

“It’s also for other people who share the same feeling as me.

“I want people to know that I’m comfortable with my sexuality since I was probably 19 or 20 [years old].

“When I came out, it’s also for other people. That was my intention.

“I’m happy with their reactions, it’s pretty amazing.”

Marami nga raw ang nadismaya sa kanyang pag-amin, lalo na ang mga kakababaihan and otherwise, dahil para sa kanila ay bago sana siyang pantasya ng bayan.

Nangingiting sabi naman ni Sebastian, “Many girls… oh, they have so many matinee idols to choose from.

“There’s Piolo [Pascual], Echong Dee… a lot more.”

Dagdag niya, “I don’t think na when I was fourteen, I’ll have someone na magiging idol ko.

“I knew I was gay then.

“For those girls, well, thank you for liking me but we could be friends anyway.”



BOYFRIEND. Napaka-attractive and goodlooking ni Sebastian, kaya hindi maiwasang marami ang magkakagusto sa kanya—kapwa man gay, bisexual, o kahit na babae.

Ini-entertain ba niya ang ganitong proposals?

“I’m very honest na I have a boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I give all my time to my Bubbles, to my tweets.

“I’m loyal to my boyfriend… to my Bubbles!” natatawang sabi ni Sebastian.

Sabi pa niya tungkol sa kanyang boyfriend, “I have spoken about that and I don’t want to hide anything.

“I have someone… yeah, Pinoy siya and we’re going on for nine months already.

“I’ve been to three relationships and two of them are Filipino.

“My boyfriend right now is slightly younger than me.”

Maaga pala siyang namulat sa katotohanan na siya ay isang gay at hindi niya ito itinago tulad ng ginagawa ng iba.

Sabi ni Sebastian, “I have spoken about this—that I had a gay experience when I was fourteen.

“It’s not about casual sex or something, it’s about gay experience.

“I realized for the first time na, ‘Oh, my God, I’m gay.’

“That’s why in my video, you can see yung parang it’s losing my virginity as a gay.”

Ang tinutukoy ni Sebastian ay ang kanyang music video na “Bubble” na mapapanood sa YouTube.



CROSS-DRESSERS. Unlke other gays, straight kung tingnan si Sebastian. Sa manner ng pagsasalita niya at style ng pananamit.

Ano ang masasabi niya sa mga cross-dressers at transvestites? Tulad ng fashion style ni BB Gandanghari?

“I love gay people,” bulalas niya.

“Sometimes, it’s nice to just call them people.

“Honestly, I have never thought that I am a woman.

“If I have dress like a woman ngayon, I would be less honest to myself. Yeah, no.

“If I would, it would defeat the purpose of my coming out now.”

Pero ayaw raw niyang i-judge ang mga gay na nagsusuot ng damit-pambabae.

“Of course not.

“In every single way, I hope they make their life easier.

“Kanya-kanya lang ’yan.

“If that’s the way there are happy, then let it be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami din naman akong kilala who dress like women pero they are respectable naman.

“Like BB, she changes her style—fashion style—every now and then, so okey naman siya.

“Nagku-command pa naman siya ng respect.

“No problem with that.

“It’s just not really my style.”



BASHERS. Napag-usapan din uli ang tungkol sa bashers. Nakakatanggap ba siya ng pangba-bash sa blogs, tweets o Facebook messages?

“By large scale, hindi,” sagot ni Sebastian.

“Nasu-surprise nga ako.

“Pero, there are some that I don’t really mind.

“You can’t have naman everything under the sun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN