Senatorial candidate Bam Aquino: "Sana po, puwede talaga tayong magtulungan para sa kapakanan ng ating bayan..."

First time sumabak ni Bam Aquino sa May 2013 elections. Ang 35-year-old youth advocate ay pinsan ni PNoy.


"Bagito o Beterano?" ang titulo ng talakayan na isinagawa ng DZMM at DZMM Teleradyo.

Hangad ng nasabing forum na alamin kung tinitignan ba ng mga botante ang tagal ng paninilbihan ng pulitiko? Mas may advantage ba ang experienced sa newbie?

Tig-lima sa bawat panig ang dumalo.

Nasa panig ng Bagito ang mga senatorial candidates na sina Bam Aquino, Grace Poe-Llamanzares, Bro. Eddie Villanueva, si Masbate governatorial candidate Fr. Leo Casas, at si Laguna congresswoman candidate Sol Aragones.

Nasa panig naman ng Beterano ang senatorial candidate na sina Sonny Angara, Jun Magsaysay, Ernesto Maceda, at Richard Gordon, kasama si Manila mayor candidate Alfredo Lim.

Ang dating vice-president at ngayo’y ABS-CBN news anchor na si Noli De Castro ang nagsilbing host ng talakayan.

Bagamat naiintindihan ng mga kandidato at mga manonood ang konsepto ng programa, marami sa kanila ang nagsabing hindi importante ang pagkakaiba ng mga bagito at beterano.

Ayon nga kay Bam Aquino, na tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party, mas lalakas ang Senado kung mahahaluan ito ng bawat panig.

"Lahat naman ho kami, puwedeng tumulong sa ating bayan. Lahat kami may puwedeng dalhin sa Senado. Puwedeng [kaming] ihalo kasama ng mga beterano upang maging mas buo at mas malakas ang Senado," saad ng pinsan ng Pangulong Noynoy Aquino.

Pahayag pa ni Bam, mas maayos kung magtutulungan ang bawat panig.

"Meron din kaming mga dalang advocacy na gustong i-share sa inyo, mga causes na gustong isulong. At sana po, puwede talaga tayong magtulungan para sa kapakanan ng ating bayan," pahayag niya.

Sinang-ayunan naman ito ng ilan sa mga kandidatong nasa panig ng Beterano, katulad nina Jun Magsaysay at Richard Gordon.

Para kay Magsaysay, dapat gawing modelo ng mga baguhan ang mga nauna na sa kanila.

“Ang kailangan sa bagito, tignan ang kanyang model, huwag siya masyado sigurista... Kasi kung tayo ay may mahusay na model, hindi tayo magkakalat,” pahayag ng dati nang senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Gordon, mas importante ang experience sa panunungkulan kaysa sa kung bagito o beterano.



OTHER HIGHLIGHTS. Narito ang ilan pa sa mga highlights ng nasabing talakayan:

Payag ang senatorial candidate na si Grace Poe sa paglalagay ng mga CCTV cameras sa mga opisina ng gobyerno, para na rin sa transparency. Ngunit dagdag ng dating MTRCB chairperson, dapat ay irespeto pa rin ang privacy ng mga nagtatrabaho sa mga opisinang ito.

"Huwag naman natin lagyan ng CCTV cameras ang mga pribadong lugar para sa mga empleyado kung kailangan nilang magpahinga," sabi ng guest candidate ng UNA.

Nais naman ni Richard Gordon na COMELEC na ang humawak sa lahat ng kampanya sa eleksyon. Ayon sa dati nang senador at chairman ng Philippine Red Cross, makakatipid ang mga kandidato kung COMELEC na ang gagastos.

"Sasabihin ng COMELEC, ’Lahat ng kandidato, bukas sa Nueva Ecija tayo, doon tayo haharap sa tao, magtatanong ang tao at malalaman ang kakayahan niya at matutong mag-isip ang tao. Lipat tayo sa Pampanga, ganoon din. Makikita kung sino ang may kakayahan, makikita natin kung anong kayang gawin ng kandidato at hindi tayo mabobola ng mga pasayaw-sayaw," saad ng kandidato mula sa UNA.

Pahayag naman ni Sonny Angara, hindi dapat ibato sa kanya ang isyu ng political dynasty dahil sa epektibo naman umano ang kanyang pamilya sa pagsisilbi sa kanilang bayan.

"Wala sa pangalan iyon, kundi sa paninilbihan," saad ng three-time House Representative na ibinida ang mga improvement sa distrito ng Aurora sa ilalim ng kanyang panunungkulan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN