Kylie Padilla on dad Robin: "Basta lagi niyang paalala sa akin na gamitin ko kay Aljur ang mga natutunan ko sa martial arts kapag niloko niya ako."

Si Kylie Padilla na raw mismo ang nagsabi na hindi pa siya handa na maitambal sa kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica. Paliwanag niya, “Feeling ko po kasi na hindi pa kami ready. I feel that hindi ko pa deserve ang maging leading lady ni Aljur. Mas bagay siya sa mga actresses na mas malaki ang name sa akin."


Sinorpresa si Kylie Padilla ng kanyang ama na si Robin Padilla at ng kanyang lola na si Eva Cariño-Padilla nang magkaroon siya ng simpleng fans’ day ang Kapuso young actress na ginanap sa Manang’s Chicken restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong February 24.

Hindi napigilan ni Kylie ang maluha nang dumating ang dalawang tao na importante sa buhay niya.



KYLIE FAN. Inamin ng Kapuso leading lady na matagal na niyang hindi nabibista ang kanyang Lola Eva, at hindi naman daw sila nagkakatugma ng schedules ng kanyang ama na si Robin.

Sabi ni Kylie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I really miss my Mama Eva.

“Since wala nga po si Mama [Liezl Sicangco] dito [sa Pilipinas], si Mama Eva ang para ko nang mommy dito.

“Noong hindi pa po ako sobrang busy, I always go to her house. Doon ako minsan nag-i-stay at magkatabi kaming matulog.

“I remember kasi noon, bata pa po ako, gustung-gusto ko sa bahay niya.

“Ang dami po kasi niyang mga sapatos at damit. I would play dress-up with her.

“Artista rin po kasi si Mama Eva noon at ako ang number one fan niya.”

Ngayon daw ay si Mama Eva na raw ang fan ni Kylie. Gumawa pa nga ng placard ang Padilla matriarch na nakalagay ang “Kylie’s Number One Fan.”

Patuloy ni Kylie, “She surprised me talaga.

“Imagine, bumiyahe pa po siya from Parañaque papunta dito sa Quezon City just to see me.

“I always call her naman to make kumusta and say sorry na hindi na ako nakakabisita madalas.

“She understands me naman kasi alam niyang pagod po ako sa trabaho.

“But she always watches my shows… alam ni Mama Eva ang mga episodes.

“Kaya I will always love Mama Eva because she has always supported me from the start.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I am so happy that she’s here sa fans’ day ko.”



SHARING THE MOMENT WITH HER PAPA. Niyakap naman ni Kylie nang mahigpit ang kanyang ama na si Robin Padilla nang sorpresang dumating ito sa kanyang fans’ day.

Nasabi rin ni Binoe na hanggang sa cellphone na lang sila nagkakausap ng kanyang anak dahil kapwa sila abala sa kanilang mga trabaho.

Kuwento ni Kylie, “Kami po kasi ni Papa, we always talk at nagsasabihan kami ng mga nangyayari sa amin sa araw na iyon.

“Now kasi, he’s also busy kaya hanggang sa pag-text na lang or we call each other up.

“Nagulat nga po ako kasi he surprised me. He doesn’t do that kasi.

“And knowing na may mga TV crew dito from GMA-7, dumating pa rin po siya kahit na he’s with the other network na.

“I am so happy that he’s here to share this moment with me.

“Si Papa kasi, sobra po ang suporta niya sa akin. Kita n’yo naman, he always tell people to watch Unforgettable.

“Marami pa kaming pagkukuwentuhan ni Papa and he promises to have a long talk with me sa bahay.

“Gusto niyang ma-update sa mga nangyayari sa akin.”

Inamin ni Kylie na nagkaroon siya ng konting tampo sa kanyang ama nang mabawasan ang panahon nito sa kanila. Ito ay noong panahon na biglang magpakasal si Robin kay Mariel Rodriguez.

Sabi ng young actress, “Nagtampo kami kay Papa before talaga.

“Kasi nga po, nasanay kami nila Ate Queenie na lagi siyang kasama at nakakakuwentuhan sa house.

“Siyempre po, noong magpakasal na sila ni Tita Mariel, nabawasan ang time niya sa amin.

“Pero saglit lang po ang naging tampo namin kay Papa.

“We understand na he’s not getting any younger, lumalaki na po kami, and he needs someone to make him happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And he found that happiness with Tita Mariel.

“And nakikita naman namin that Tita Mariel is taking good care of him.

“Kung ano po ang ginagawa namin before na pag-alaga kay Papa, nagagawa na iyon ni Tita Mariel.”



KYLIE’S LOVELIFE. Ngayon naman daw ay panay ang biro ni Binoe sa lovelife ni Kylie.

“Binibiro ako ni Papa. Sabi po niya, pareho lang daw kami. Kapag tungkol sa lovelife, nakakalimot kami!

“I said, ‘Papa, that’s not true!’

“Sinagot po niya ako, ‘Totoo kaya!’

“Right now, Papa is very supportive na with my personal life.

“Okey na ang lahat between him and Aljur [Abrenica].

“Kailangan lang pala na bigyan si Papa ng time to realize that I’m a grown-up na and I can take care of myself.

“Basta lagi niyang paalala sa akin na gamitin ko kay Aljur ang mga natutunan ko sa martial arts kapag niloko niya ako.

“Huwag lang daw ako basta iiyak, ipakita ko raw na kaya kong ipaglaban ang sarili ko!” tawa ulit ni Kylie.



NO TO ALJUR-KYLIE LOVETEAM. Sa possibility na magsama sila ni Aljur sa isang drama series, si Kylie na mismo ang umaayaw sa ideya na ito.

Iniisip din daw kasi niya ang fans nina Aljur at Kris Bernal. Nirerespeto raw niya ang mga ito.

“Ako na rin po ang nagsabi na hindi pa time for me and Aljur to be in one show.

“Feeling ko po kasi na hindi pa kami ready.

“I feel that hindi ko pa deserve ang maging leading lady ni Aljur.

“Mas bagay siya sa mga actresses na mas malaki ang name sa akin.

“With regards sa mga fans nila ni Kris Bernal, I really respect them.

“Alam ko po na mas nauna talaga sila and I don’t want to get in between them.

“I told Aljur naman po na maging priority niya ang fans nila ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila ang nauna, kaya sila ang pagtuunan niya ng panahon kung may oras siya.

“Importante para sa aming lahat ang mga fans. Without them, hindi kami makakarating sa kinalalagyan namin ngayon.”



UNFORGETTABLE. Masaya rin si Kylie dahil panalo sa ratings ang pilot week ng Unforgettable. Ibig sabihin nito, tanggap ng marami ang tambalan nila ni Mark Herras.

Sabi niya, “Nakakatuwa po kasi kinakabahan kaming lahat.

“It’s my first time to work with Mark and we don’t know kung paano kami tatanggapin ng mga tao.

“Hindi naman kami puwedeng i-link romantically kasi nga he’s with Ynna [Asistio] and I’m with Aljur naman.

“So we really prayed that our show will have good ratings. Maganda kasi ang story.

“When the pilot came out, ang taas namin and nagkasunud-sunod na ‘yon.

“Kaya thank you mga Kapuso for accepting ang team-up namin ni Mark.”

Gusto raw ni Kylie na sa bawat drama series na gawin niya ay maging iba-iba ang leading men niya.

“I’ve been paired na with Derrick Monasterio, Frank Magalona, Rocco Nacino, and now Mark Herras.

“I was supposed to do one nga with Dingdong Dantes pero nag-backout po ako. But I still want to work with him soon.

“Kung may bagay na project sa amin ni Richard Gutierrez, okey din naman po.

“I also want to work with Dennis Trillo. Sa Dwarfina kasi, kuya ko siya doon. Hindi na siguro magiging awkward ngayon.

“Kapag nakatrabaho ko na po silang lahat, dun na kami puwede ni Aljur na magtambal.

“By that time, reding-ready na ako,” pahayag ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN