Rocco Nacino faces biggest challenge of his career by playing young politician in Bayan Ko

Sa kanyang pagganap bilang isang batang mayor sa GMA News TV drama series na Bayan Ko, naisip din ba ni Rocco Nacino na pasukin ang pulitika. Sagot ng Kapuso young actor, “Hindi, ayoko! Let the experts do it. Dito na lang ako sa pag-arte. Pero hindi ko naman sinasabi na pangit sa pulitika. Sa tingin ko kasi, mahirap maging isang public servant. Na… kung mayor pa nga lang, mahirap na, e, paano pa yung mas matataas na posisyon? So, hindi biro ang politics talaga. It&a


Kapansin-pansin na todo ang energy at sigla ni Rocco Nacino nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, Sunday, March 3.

Katatapos lang niyang mag-perform ng kanilang production number pero parang wala siyang kapaguran.

Si Lovi Poe ba ang dahilan kaya inspired at ganado siyang magtrabaho ngayon?

“Happy ako sa nangyayari sa akin ngayon. Masaya ako sa career ko, sa aking personal life,” nakangiting sagot ni Rocco.

Pati na rin ba sa lovelife?

“Medyo… hinay-hinay muna ako pagdating sa lovelife!” sabay tawa niya.

“Magaganda ang mga projects na ibinibigay sa akin ngayon, e.

“So, tama lang na mag-focus muna ako sa work at i-prioritize ang career ko.”



BAYAN KO. Kaugnay nito, excited daw si Rocco sa ginagawa niyang serye para sa GMA News TV Channel 11. Ito ay ang Bayan Ko na magsisimulang umere sa March 10, Linggo.

Saad ng StarStruck alumnus, “Malaking challenge yung role ko dito, kasi ang hirap gumanap para sa isang tao o character na hindi ko ka-age.

“I’m playing 35-year-old mayor here na sa hitsura pa lang, na may white hair ako, mahirap.

“Tapos pinapabago pa yung boses ko kapag nagbibitaw na ako ng aking mga dialogues.

“Mahirap talaga siya kaya naging malaking challenge ito para sa akin.

“Habang ginagawa nga namin ang series na ito, na-realize ko, ang hirap palang pumasok sa politics.”

Ibig bang sabihin, sa totoong buhay ay hindi niya hahangarin na maging pulitiko?

“Hindi, ayoko!” tawa ni Rocco.

“Let the experts do it. Dito na lang ako sa pag-arte.

“Pero hindi ko naman sinasabi na pangit sa pulitika.

“Sa tingin ko kasi, mahirap maging isang public servant.

“Na… kung mayor pa nga lang, mahirap na, e, paano pa yung mas matataas na posisyon?

“So, hindi biro ang politics talaga. It’s really hard.

“Every day, you have to deal with problems.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PREPARING FOR HIS ROLE. Bago sila nag-taping para sa seryeng Bayan Ko, pinag-aralan muna raw at pinaghandaang mabuti ni Rocco ang kanyang role bilang mayor.

Saad niya, “I’ve never played the role of a politician before kaya ang ginawa ko, nagpunta ako sa City Hall namin sa Pasig.

“Nagtanong ako tungkol sa trabaho at role ng isang mayor—ano yung mga hinaharap niyang mga problema at kung ano ang mga ginagawa niya araw-araw.

“For me, importante kasi na malaman ko ‘yon para maipasok ko sa character ko as mayor nga dun sa series na Bayan Ko.

“Dapat ang mayor namin [Mayor Bobby Eusebio] ang kakausapin ko. Kaso nung nagpunta ako sa City Hall, kailangan na niyang umalis.

“So, ang nakausap ko, yung city administrator. At nagbigay siya sa akin ng breakdown ng roles ng isang mayor.

“At least, nalaman ko kung paano kumilos o gumalaw ang isang mayor.

“At malaking tulong ito para sa pagpu-portray ko ng aking character bilang mayor din.”



HIGHLIGHTS. Ilang weeks tatakbo sa ere ang Bayan Ko?

“Six episodes siya. One episode every week. So tatagal ng six weeks ang airing.”

Ano yug highlight na eksena at matinding naging demand ng role niya na talagang nahirapan siya?

“Magkakaroon kasi ng calamity, e, dun sa story. So, ‘yon ang mahirap.

“At saka yung part na… pumapasok na yung temptation ng corruption.

“Sa story, tina-tackle kasi yung issues gaya nga ng corruption at saka yung kahalagahan ng good governance ng isang politician.

“Maipapakita ang good governance through this series na ginawa namin for News TV 11.”



IBONG ADARNA. Patuloy ni Rocco, “After nga nitong Bayan Ko, probably magsu-shoot naman ako ng isang indie film.

“Ito ay ang remake ng Ibong Adarna, so I’m excited for that.

“Ako ang gaganap sa role ng prinsipe na maghahanap sa Ibong Adarna na siyang magpapagaling sa sakit ng aking amang hari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, excited talaga ako sa project na ito.

“Inaayos na po lahat. Hopefully by April or May, makapag-shoot na kami.”

Ang pelikula ay ididirek ni Jun “Mr. Shooli” Urbano bilang bahagi ng 1st Sineng Pambansa All-Masters Edition.

(CLICK HERE to read related story.)

Sino ang iba pang mga artistang makakasama niya rito?

“Hindi ko pa po alam ang final tungkol sa cast, e. Pero may mga binanggit na sa aking names ng mga artista.

“Hindi ko pa nga lang puwedeng i-share dahil hindi ko pa nga po alam kung sino ang final.

“May isa pang project na naka-lineup para sa akin, pero hindi ko pa po puwedeng sabihin.”



LOVI POE. Kumusta naman sila ni Lovi Poe ngayon? Tapos na ang pinagtambalan nilang afternoon series sa GMA na Yesterday’s Bride pero patuloy pa rin ang pagli-link sa kanila.

Sagot ni Rocco, “Okey lang kami.

“Busy siya ngayon. Ang dami niyang trabahong ginagawa, e.

“But we’ve been talking a lot. Siyempre nakaka-miss din yung kulitan namin sa set.”

Nakakapag-hang out pa rin sila together?

“Recently wala pa, e. Pero nagkikita naman kami dito sa Party Pilipinas.

“Regular naman yung communication namin. Kapag nagkikita kami, we’re always catching up on things.

“Nagkukumustahan kami kung ano ang nangyayari sa isa’t isa, kung gaano kami ka-busy sa trabaho lately.

“Pero masaya pa rin. Tuluy-tuloy pa rin yung friendship namin kaya… masaya.”

Ang dating naugnay sa kanya na si Sheena Halili, wala na talaga? Teminated na totally ang dating “exclusively dating” status nila?

“Huwag na nating pag-usapan ‘yon,” nangiting pag-iwas ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN