Manila Mayor Alfredo Lim relates life in orphanage

Ang Alfredo S. Lim: The Untold Story ay iprinodyus ng CM Films. Bukod kay Cesar Montano, na siyang gumanap bilang Alfredo Lim (in photo), kasama rin sina Gina Pareño, na siyang magiging ina ng mayor sa pelikula; Alessandra de Rossi, na gaganap bilang Amalia, ang asawa ni mayor.


Ang pelikula na kasulukuyang pinapalabas sa sinehan ay tungkol sa bahagi ng buhay ni Manila Mayor Alfredo Lim na hindi madalas pinag-uusapan.

Aniya, "Mate-trace nila yung pagkatao ko, kung saan ako nagsimula, dahil bihira nga ang nakakaalam na iniwan ako ng nanay ko, lumaki ako sa orphanage... E, siyempre sa orphanage, mga madreng Kastila ang namamahala sa amin, e.

“Araw-araw, hindi maaaring hindi ka magsimba. Gigising ka ng alas sais ng umaga, maliligo ka mga 15 minutes ’tapos lahat kayo, dadalhin na sa simbahan."

Ayon sa kuwento, maagang nabiyuda ang ina ni Mayor Lim na para makapagsimula ng panibagong buhay, ipinaampon niya ang ilang buwang sanggol sa Hospicio de San Jose.

Nakapag-asawang muli ang kanyang ina at nanirahan sa Baguio.

Halos sampung taon na siya nang lisanin niya ang ampunan kasama ang kanyang lolo at lola na nagturing sa kanya ng parang tunay na anak.

Sa pagpapatuloy na kuwento ni Mayor Lim nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Manila Yatch Club nitong Sabado, February 23, lumaki raw siya kasama ang mga "relihiyosong tao."

“Nakagisnan ko na yung mga turo ’nila.’

"Una nung nakuha na ako ng lolo’t lola ko e ang lolo ko, number one na relihiyoso yun. Iyong paggising sa umaga, nagdadasal na, bago kumain sa tanghali, nagdadasal rin, pagdating sa gabi... puro dasal iyon.

“Ang lola ko, iyon ang negosyante from San Miguel, Bulacan, at napagtapos naman niya ang lahat ng kanyang mga anak, puro professional."

WORKING STUDENT. At ang pagpapahalaga raw sa edukasyon ay nakuha niya sa kanyang lola.

“Iyon ang kabilin-bilinan sa akin sa kanyang deathbed, na pagpilitan ko na makatapos ng pag-aaral.

“It became a challenge to me, na live up to my promise to my dearest grandmother kaya, pinagpursigihan ko na makatapos.

“Kasi working student ako, from first year to fourth year high school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dalawang courses sa kolehiyo ang natapos ko, working student din ako.

“Along the way, iyon nga, nagpulis ako e alam mo naman pag pulis nakakasalamuha ko, lahat ng klase ng tao.

“Kaya siguro, I developed my character in how to deal with different personalities.

“Nakatulong naman sa trabaho ko bilang law enforcer.”

Bukod dito, maraming naging trabaho ang alkalde.

Ang kuwento niya, “Ang mga pinasukan kong mga trabaho, nagtinda ako ng mga kakanin nung Japanese time, ang nagluluto naman ang lola ko.

"Nagtinda kami ng saging. Nagkundoktor ako, nag-security guard, at iyon nga, pumasok ako sa pagpupulis.

“Pero ang nangyari nun, my personality was developed by all kinds of challenges na sinuwerte naman na lahat naman, nalalampasan ko.”



HIS TWO "MOTHERS." Nagsimulang ipalabas sa sinehan ang Alfredo S. Lim: The Untold Story, na pinagbibidahan ni Cesar Montano, noong February 27.

Mabigat ang eksenang nagtagpo si Mayor Lim at ang ina niya na ginampanan ni Gina Pareño.

“Hindi ko natikman yung pagmamahal ng isang ina na siyempre dun sa orphanage, malungkot ang buhay dun. E, wala akong mga magulang e, ibang mga tao ang kasama ko.

“Kaya nung nakuha ako ng lola ko, she showered me with the love that she can give kasi sa lahat ng naging apo niya, ako ang paborito.

“Unang-una lumaki ako sa kanya e, kaya iyan, yung mga tiyuhin at tiyahin ko, gusto nila, sa kanila ibuhos ang pagmamahal e bakit sa akin nabuhos?

“Lahat nga ng mga binibigay nilang regalo, mga prutas e sa harap nila binibigay sa akin.”

Pagdating daw sa tunay niyang ina, iba ang kanyang naging karanasan.

“Yung mother ko nung magka-isip ako, hindi ko alam na siya ang mother ko, pinakilala lang sa akin na tiyahin ko. Pero napapansin ko sa kanya, para bang mainit ang dugo sa akin.

“At dahil bata ako, I did not understand the situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron pang instance na wala akong kasalanan, pinagpapalo ako, e.

“Yung tiyahin ko, ipinagtapat sa akin siya pala ang mother ko.

“She was living her own life sa Baguio kasi napangasawa niya teacher, malayo sa amin. Paminsan-minsan lang dumadalaw sa lola’t lolo ko.

“Pero pag dumadalaw siya, parang lagi akong kinagagalitan, na sa munti kong pag-iisip wala naman akong ginagawang masama e bakit ba ganun?"

Gayunpaman, hindi raw niya kinalimutan ang kanyang responsibilidad bilang isang anak.

“Nung dumating yung panahon na magka-ranggo na ako e sila naman medyo hirap na sa buhay e humihingi sa akin ng tulong, pinagpatayo ko ng maliit na bahay dun sa Baguio.

“Kasi mother ko yun, e. Bagamat wala akong magandang eksperiensiya sa kanya, siyempre ina mo yun... Whatever happened, hindi ka naman magiging tao kung hindi sa kanya.

“Everything is forgiven, siyempre nagka-ranggo na tayo, maski paano pinadadalhan naman natin ng makakatulong sa buhay nila.

“Kaya nung mamatay ’yan, kinuha ko pa sa Baguio, dito ko inilibing sa Sementeryo del Norte, to show my gratitude and appreciation as one of her sons.

“Nagkaanak siya ng walo dun sa second husband kaya tumulong naman ako in my own little way, na hindi ko naman sila pinabayaan."

ADVICE FOR CESAR MONTANO? Back to the film, hindi raw pinakialaman ni Mayor Lim ang proseso ng paggawa nito.

“E, kasi siya ang lead actor, siya ang director, he knows best. At saka nakita ko naman yung pakita, maganda naman yung pagkakagawa, hindi naman ako nagkamali sa pagbibigay ng tiwala kay Cesar.

“Sa palagay ko naman, magugustuhan ng mga tao itong pelikula, e.

“Naging interesado si Cesar na makita ang Hospicio de San Jose e kaibigan ko naman yung mother superior e sinamahan ko siya dun.

“Yung buhay natin sa Hospicio, hindi naman lahat napupunta dun e, di ba? Yung unfortunate circumstance e, dun napadpad ang kapalaran e, wala na tayong magagawa dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napabalitang may pinagdaraanan ngayon sa buhay si Cesar. Bilang ninong siya ng aktor sa kasal nito kay Sunshine Cruz, ano ang maipapayo ni Mayor Lim?

“Meron akong mga nabasa... E, siyempre, ang asawa, asawa. Nangyayari yung misunderstanding, e, kaya naman ni Cesar na gamutin iyon.

“Ako naman kay Sunshine, ang masasabi ko na… masisisi ba natin si Cesar e ang gandang lalaki nito?

“Siyempre matutukso.

“Pero pagkatapos naman nun, lilipas yun, babalik at babalik din, pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang pasok, di ba?

“Ang ibig sabihin, kasal sila ni Sunshine, may mga anak sila, and they should live happily ever after.

“Hindi maaalis ang tampuhan, that’s part of life lalo na sa mga movie people, di ba?”

Nasa pelikula rin sina Alessandra de Rossi (Amalia, asawa ni Fred Lim), Gloria Romero (lola), Spanky Manikan (lolo), sina Jackie Lou Blanco at Isabel Granada bilang mga madre, Tirso Cruz III bilang Major Zosimo Maravilla, Ara Mina bilang asawa ni Gameng na isang police major na gagampanan naman ni Richard Quan, Migs Cuaderno bilang batang Fred Lim, Alvin Anson bilang si Roman na lider ng isang gang, Alwyn Uytingco bilang si Noli na kaibigang pulis ni Fred Lim, at gaganap naman bilang pinuno ng sindikato sina Nonie Buencamino (as Moises) at Marc Abaya (as Charlie Zaragoza).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN