PEPtalk. Yeng Constantino on critics and bashers: “Bye! ’La ko care!"

Nang tanungin si Yeng Constantino kung ano ang kanta niya sa kanyang bashers, bigla niyang kinanta ang ilang linya mula sa awiting "You Made Me Stronger": "You made me stronger by breaking my heart, you ended my life and made a better Yeng..."


Sa unang bahagi ng #YengonPEPtalk ay tinapos na ng Pop Rock Princess na si Yeng Constantino ang mga katanungan tungkol sa kanyang sexuality at sinabi ngang hindi siya tomboy.

Nagbahagi rin siya ng ilang love advice para sa mga gaya niyang single.

Naging kuwela ang unang bahagi dahil sa batuhan ng biruan ng hosts na sina PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) section editor Demai Sunio-Granali at associate editor Rommel Llanes.

Ito naman ngayon ang ikalawang bahagi ng usapan nila...



YENG ON HANDLING BASHERS. Gaya ng kahit sinong sikat ay hindi maiiwasan ang mga critics at bashers.

Demai: Ano’ng masasabi mo dun sa mga critics mo, sa bashers?


Yeng: “Ano, naiintindihan ko ‘yon kasi alam ko rin paano ako nag-umpisa.

“Like, sa rock scene, parang ang off nun, e, na nag-start ka sa reality show [Pinoy Dream Academy], feeling nila singing contest yun, e.

“And you started agad sa Pop, parang may box na thinking na dapat manggaling ka from banda, tapos bars, tapos madi-discover ka ng managers, gagawa ka ng pangalan, magkakaroon ka ng solid na underground fanbase.

“Hindi ko sila masisisi.

“Hindi ko talaga inaasahan na bibigyan ako ng mga tao ng title as a Pop Rock Princess and hindi ko rin alam kung anong nagawa ko para ma-deserve ‘yon.

“All I know is I’m really grateful kung ano yung meron ako.

“Pero I really hope din na, mabasag yung mind-set na ganun kasi hindi mo dapat bina-box or wala kasing pattern, e.”



MORNING GLORY. Rommel: Pero hindi ka naman ginawa ng istasyon kasi nagsimula ka sa River Booze…

(Bago pa man sumali si Yeng sa PDA ay kumakanta na ito kasama ang banda niyang Morning Glory.)

Yeng: “Yun nga yung background ko na hindi alam ng tao, e.

“I came from an underground band it’s called Morning Glory. We are punk-rock na medyo hardcore na band so maingay talaga yung tugtugan namin. Medyo may mga growl and all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kahit ako naman, pagkatapos ng Pinoy Dream Academy, parang sabi ko, ‘Anong nangyari sa akin? Nag-sell out na ako, oh no!’

“Parang sobrang sad ko, pero mismong ‘yon yung pride ko na parang dapat hindi ka se-sell out, dapat astig ka.

"Pag astig, hindi lahat ng tao gets yung music mo kasi nga ‘yon yung astig, e, iba ka!

“Pero what if may nilagay na message si God sa heart mo and gusto Niya na i-share mo sa mga tao and the way to do it is dalhin ka niya sa isang posisyon na mas maraming makikinig sa ‘yo?

“And sa akin, sobrang crushed yung pride ko no’n, na nasa Pop scene ako.

“Pero iba pala yung honor na nasa Pop scene ka.

“Seeing Sir Gary Valenciano, sobrang laki ng respect ko dun, Ms. Sarah Geronimo…”

Rommel: Yung mga ka-banda mo, anong reaksiyon nila?

Yeng: “Reaksiyon nila about it?

“Yun nga, inisip ko dati na, ‘Naku! Itatakwil na ata ako ng banda ko!’ kumakanta ako ng pambatang kanta… Ako si darna… Anong gagawin ko?’

“Pero hindi ko rin ma-deny na mayroong kid sa heart ko, e.

“Parang sabi nga ng mentor ko, sa music naman, si Kuya Raymund Marasigan, sabi niya sa akin, ‘Alam mo, ang hindi cool tsaka hindi astig yung taong nagpapanggap.’

“Tinanong niya ako, ‘Nagpapanggap ka ba?’

"Sabi ko, ’Hindi, eto ako, e’

"Sabi niya, ‘E, di okay ‘yan! ’Yan yung astig, ’yan yung cool! Nilalabas mo kung sino ka, you’re honest.’

“Yun nga, may mga konting adjustments siyempre, lalo na pag natikman mo yung fruits ng labor mo.

"Like, ‘yon, nahango ko yung family ko sa kahirapan, mate-trade mo ba yun dahil sa dignity na ayoko ma-sell out?

“Natulungan ko yung tatay ko na mabayaran yung utang niya, e, hindi mo yun pagpapalit, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it’s just not about the money, it’s about your craft and yung nagiging part mo sa industriya.

“Maraming nabasag sa akin as an artist, I’m still growing ‘til now.

“Hindi ko ‘to sinasabi dahil alam ko na lahat, kasi ‘til now marami pa rin akong, ‘Shocks! Oo nga ‘no? Mali yun a!’

“Pero the important is I’m really willing to learn and to stand for what I believe in.”

Demai: But aside from music, yung iba naman ang medyo kinu-comment nila sa ‘yo ay yung fashion. Kasi nga before, from a simple garage band girl, ngayon naman fashion na fashion ka na. Yun din, ginagawan nila ng issue.



YENG’S EVOLUTION. Malaki na nga ang pinagbago ni Yeng hindi lamang sa pagkanta kundi sa kanyang porma at pananamit. Marami ang natutuwa pero may ilan rin ang ginagawan ito ng issue.

Yeng: “Well, it’s part of my evolution as a person and as an artist.

“Lahat ng tao, kahit sino dito sa room, if you will look back two years ago, masasabi mo na ang dami nang nagbago sa ’yo.

“Each year, may mga bagay na gusto mo dati tapos hindi mo na gusto.

“Maybe because kasi may nangyari na ‘Shocks, ang off nun!’ Next year hindi ko na yun gagawin.”

Pag-amin ni Yeng, nag-iba na rin ang taste niya sa music.

“Taste sa music before, hindi ako nakikinig ng Pop music. Pero nung pumasok ako sa ASAP, pag nakakarinig ako ng Pop music, na-appreciate ko.

"Ang ganda pala ng Pop, cute pala ni Bruno Mars... in fairness sa kanya.

“Napanood ko kasi yung performance niya sa Grammy’s sobrang cool nung Bob Marley tribute nila.”

Kuwento pa niya, “Yun nga, part yun ng change sa akin.

“Yung album ko, title is Metamorphosis and yun yung masasabi kong metamorphosis [change] na nangyayari sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinu-consider ko sarili ko na late-bloomer, kasi bakit ngayon lang ‘to nangyari.

"Pero siguro may kanya-kanyang phase yung tao, nag-e-evolve ka as a person.

“May phase, e.

“Siguro nagkataon lang ngayon na I’m really happy na ginagawa ko yung ginagawa ko ngayon, like changing my porma.

“Tapos nahilig na talaga ako sa mga heels. Ako na mismo yung bumibili ng mga heels pag nasa Hong Kong ako, ako mismo yung pumupunta sa mga stores ‘Ah! Gusto ko stung may spike na leopard na heels!’

“Kasi yun yung favorite ko ngayon na binili ko na Steve Madden na super cute, isinusuot ko nga lagi sa ASAP every Sunday, e. Sana napapansin ninyo.

“Ang sarap din, hindi ibig sabihin nun, nawala si Yeng. Siguro nagbago lang for the better.”

Demai: Pero meron ka bang song na ide-dedicate para sa mga critics mo at mga bashers?

Agad-agad na kinanta ni Yeng ang “B-A-B-A-Y!”

Dagdag niya, “Babay na lang, e, ’no! Bye!!! ’La ko care!


“Pero siguro, bago ko kantahin yung kanta, gusto ko sabihin na natututo ako throughout the years na makinig sa mga tao.

“Pero mamili kung ano ang papakinggan ko sa sinasabi nila.

“You would know if that person is just crushing your heart or healthy yung sinasabi nila.

“May mga tao na concern sa ‘yo na medyo tough lang magsalita, so kailangan mo making sa kanila kahit medyo strong yung personality.

“Pero may mga tao na trip lang nilang basagin yung mga trip mo.

“’Ang pangit ng kanta mo!’ May mga ganyan, e, sa Twitter ko na-experience ko yun!

“May mga magtu-tweet sa akin like, ‘Ano ba naman ‘yan! Yung mga kanta mo parang nursery rhyme.’

“O talaga? Hindi mo pala naintindihan yun pinanggalingan ko sa kanta, okay, apir, bye!”

Demai: Sinasagot mo sila?

Yeng: “Hindi, natutunan ko, na yung mga social networks or accounts namin like Twitter, Facebook or Instagram, hindi ’yan venue to argue, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ginawa ko yung mga ‘yon—Twitter, Facebook, and Instagram—for my fans, to update them.

“Kahit may sabihin ka kung hindi mo trip yung mga sinasabi ko,puwede mo ako i-unfollow, I will not unfollow or block you.

“Kasi sa akin, maybe one day makikita mo yung ginagawa niya at tuluy-tuloy pa rin... maybe that’s who she is.

“Pero ako, ayoko makipagtalo.

"Siguro kung may kanta ako sa kanila, ano….

“‘You made me stronger by breaking my heart, you ended my life and make a better Yeng’”

Rommel: Regine Velasquez pala a!

Yeng: “Influence yun ng kapatid [Kuya Cookie] ko, e.”

Sabay turo sa kuya na nasa loob ng PEP studio, “Ganda talaga ni kuya, o!”

Rommel: Yung paggawa mo ng kanta, iba-iba, e—rock, personal, love... saan ka ba kumukuha ng inspiration?

Yeng: "Pag love… sa akin din…"

Rommel: Pero hindi ka pa na-i-in love, di ba? Hindi ka pa nagkaka-boyfriend?

Yeng: “Ika ko nga, hindi porke’t hindi nagka-boyfriend, hindi pa na-in love.

“Siguro may mga bagay lang talaga na hindi nalalaman ng madla.

“Hindi naman ako yung tipo ng singer o celebrity na nakalathala yung buhay sa mga telebisyon o sa mga tabloid.

“Naniniwala naman ako na hindi naman dapat lahat lumabas.

“E, di kung sigurado na ako, why not, di ba?

“I’m proud na may boyfriend na ako, pero dumaan ka, na-attached ka, na-fall ka para sa isang person, siguro nga hindi para [kayo]... so naghiwalay din ng way."


Rommel: So ano ang inspiration mo sa pagkanta?

Yeng: “Yung mga nanliligaw sa akin before, mga naging crush ko from a far na tinitingnan tigan ko lang, hindi kami nagkadaupang-palad... yung mga ganun.”

Rommel: Kahit man lang yung masipulan mo pag dumaraan?

Yeng: [Whistles] “Hindi ako marunong sumipol, e.

“Pero pangit nun kung ako yung sumipol, di ba? Sana ako na lang yung pansinin niya, joke lang!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rommel: Oo para mapansin ka.

Maarteng sinabi ni Yen gang, “Hi!”

Demai: Para ka pa lang si Taylor Swift na ginagawan ng song lahat ng kanyang mga ano?

Yeng: “Naniniwala ako lahat ng songwriters ganun, e.

“Pero siguro kaibahan lang kay Taylor Swift, very open siya with her life, yun ang trip niya, that’s not me!

“Pero nirerespeto ko siya, she’s really great and brilliant songwriter. Magaling siya talaga.

"Pinakinggan ko nga yung latest song niya, yung ‘Red.’

"Pero pinaka-favorite ko lahat yung ‘Back to December.’ Gumawa pa ako ng cover nun, nasa YouTube, sobra ganda.:

Rommel: Among the songs na ginawa mo, ano yung pinakapaborito mo?

Yeng: “Lahat! Para kasing anak mo yun, e.

“Pag gumawa ka ng kanta, kung magulang ka siguro, makaka-relate lahat ng magulang.

"Hindi mo puwede sabihin na mas maganda yung isa sa isa, e. Kasi lahat yun lumabas sa ‘yo, e.

“Pero yun nga lang, alam mo yung puwedeng gawing single at alam mo yung puwedeng pang sa ‘yo lang.

“There are songs na nasusulat ko na parang pag nilabas ko sa radio, baka hindi ako maintindihan ng mga tao dito.

“And may mga kanta talaga na parang tama ‘to, maganda ‘tong song na ‘to, maiintindihan ‘to ng mga nakikinig sa akin.

“Pero isa sa pinaka-favorite kong kanta from this album yung ‘Messiah.’

“Okay lang bang kantahin ko?”

At kinanta ni Yeng ang ilang linya mula sa “Messiah":

Pasensiya na di ako makangiti, umiinit ang ulo palagi.

Di kita maintindihan gusto kitang maintindihan.

Pasensiya na kung ako ay tulala, nakatunganga.

Wala akong magawa, gusto kong mang may magawa, wala akong magagagawa

Sasagipin kita, kung kaya ko lang sana.

Pero di ako Messiah, pero di ako Messiah.

Sasagipin kita, kung kaya ko lang sana.

Pero di ako Messiah! Pero di ako Messiah!


(CLICK HERE to watch PEPtalk with Marcelito Pomoy and Yeng Constantino)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN