Kris Lawrence on relationship with Katrina Halili: “I feel like, one day, we’re gonna get married."

Para kay Kris Lawrence, wala nang dapat pang patunayan si Katrina Halili ngayong nagbabalik sa showbiz ang aktres. Saad ni Kris, "Para sa akin, she doesn’t have to prove anything anymore. You know, she can concentrate on bigger roles. Maybe get an award this time. As part of being sexy, she’s already an FHM two-time Sexiest, the first-ever. So she really has nothing to prove to me… in my eyes.”


Halos dalawang linggong nawala sa bansa ang singer na si Kris Lawrence.

February 19 siya umalis patungong U.S. at nitong Sabado, March 2, siya nakabalik sa Pilipinas.

Sabi ni Kris nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, March 3, na-miss niya ang kanyang girlfriend na si Katrina Halili at ang baby nilang si Katrence.

“Almost every day, ina-update ako ni Kat through Instagram pictures. Pero kahit gano’n, sobrang na-miss ko pa rin sila.”



SOUNDTRACK FOR MANNY’S HOLLYWOOD MOVIE. Ano ba yung purpose ng pagbiyahe niya recently sa Amerika?

Sagot ni Kris, “I was recording for Ninong Manny [Pacquiao].

“He is coming out with a movie in Hollywood. It’s gonna be produced by Chad Hugo, he’s part of the Neptunes.

“Chad Hugo of the Neptunes is producing the soundtrack so I have two songs on the soundtrack.

“And it’s gonna be so exciting kasi maraming American stars na kasama sa album na ‘to.

“So I feel so blessed and honored to be part of it, kasi there’s gonna be some big names in the soundtrack.”

Paano siya napasali sa nasabing soundtrack ng Hollywood movie ni Pacman?

“They contacted me and we set a meeting.

“I’m really so blessed to be a part of this project. It’s gonna be called Manny: The Movie.”



NEW ALBUM. Bukod sa pagri-record ng dalawang kanta sa soundtrack ng Hollywood movie ni Pacman, may bagong album ding natapos si Kris.

“I’m excited kasi I’m gonna release my new album soon. Siguro mga two or three weeks, out na yung album.

“I already launched the first music video, it’s called ‘Sabihin Mo Naman.’

“Yung kanta na iyon ay isinulat ko rin for Kat—it’s called ‘Sabihin Mo Naman, Ako ‘Yong Mahal Mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wrote that in the time of… when we broke up for a little while.”

CHANGES. Ngayong tatay na si Kris, marami raw ang nagbago sa kanya—mga pagbabagong nangyari na lang nang hindi niya inaasahan.

Saad niya, “You know, you don’t mean for the change, but it just changes.

“Your life just changes, it does.

“Even though you don’t plan for it, it just changes.

“Like for example, my going-out habits.

“You know, I can go out. Lenient naman si Kat sa akin. Pinapayagan naman ako lumabas with my friends.

“Pero it’s different kasi… let’s say she’s home with the baby tapos nasa labas ako, kasama ko si Jay-R at iba ko pang friends.

“Nakukonsensiya ako na nando’n lang sa bahay sila.

“So it changes."

Sabi pa niya, “Spending habits change.

“You know, if I wanna go to the mall and buy a nice pair of shoes, minsan sasabihin ko, ‘Huwag na, hindi na kailangan. Para kay Kate na lang.’”

Napupuyat pa rin ba siya sa pagtulong na mag-alaga sa baby nila ni Katrina?

“Minsan po, pero hindi na katulad ng dati.

“May sleeping habits po siya. Tapos may yaya po kami.”

Kapag may panahon, inilalabas din daw nila si Katrence para ipasyal.

“We go for a walk. Madalas kami sa Robinson’s Magnolia, kasi malapit sa bahay.”

Ano naman ang reaksiyon ng mga tao kapag nakikita sila ni Katrina na namamasyal sa mall with their baby?

“Okey lang po naman. Some people say hi, they take pictures of the baby.

“Hindi na kami kundi yung baby na ang pini-picture-an!” natawang sabi ni Kris.



WEDDING TALKS. Ang isang inaabangan ng marami ngayon ay kung kailan naman sila magpapakasal ni Katrina. Napag-uusapan na ba nila at pinaplano ang tungkol dito?

Sabi ni Kris, “Right now, we’re focusing on the baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tungkol sa marriage, napapadalas lang ulit yung mga jokes.

“Uhm… ‘yon! We’re just enjoying every moment right now. Priority muna yung baby.”

Posible rin bang mangyari na huwag na lang silang pakasal? May iba kasing ang tingin sa marriage is just a piece of paper, na okey lang kahit hindi kasal basta masaya at matatag ang pagsasama.

“Uhm… that I don’t think will happen. Ako, ayoko nung walang kasal.

“I feel like, one day, we’re gonna get married.

“Kaya dun sa question na papayag ba ako na huwag na lang kaming magpakasal, ay, hindi naman!” natawa ulit si Kris.

May plano ba sila na sundan kaagad si baby Katrence?

“Yeah, actually.

“Gusto ko sana, medyo malapit yung age nila ng sunod na magiging kapatid niya.

“Ayoko nung malaking gap sila, para maging best friends.

“Siguro two years o three years na gap, okey na yung gano’n.”

Ilang anak ba ang plano nila ni Katrina?

“Kung makaka-boy kami, okey na yung dalawa!” tawa ni Kris.

Paano kung girl ulit?

“E, di, try and try again!” tawa na naman niya.



SHOWBIZ COMEBACK. Bumubuwelo na raw si Katrina sa muling pagiging aktibo sa acting career nito at nakasuporta lang naman daw si Kris.

“Okey lang po naman ‘yon sa akin. I think that’s what she’s waiting for.

“She’s getting ready. Sobrang payat na siya. Parang bumalik na sa dati.

“And she’s just waiting for the next project.

“And, you know, I want her to work again kasi it really looks like she misses her work. It really looks like she wants to work.”

Okey lang ba sa kanya na sexy image pa rin si Katrina?

Sagot ni Kris, “Okey lang din po sa akin.

“Pero para sa akin, she doesn’t hav to prove anything anymore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, she can concentrate on bigger roles. Maybe get an award this time.

“As part of being sexy, she’s already an FHM two-time Sexiest, the first-ever.

“So she really has nothing to prove to me… in my eyes.”

Pero may mga celebrity moms na sexy ang image ngayon at mga “Hot Momma” kung tawagin gaya halimbawa ni LJ Reyes?

Sabi ni Kris, “Okey lang naman po sa akin ‘yon. Kasi, iyon siya. She’s really sexy.

“But, you know, maybe it’s time to take her acting to another step, another level.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN