Jed Madela to receive Hall of Fame award from World Championship of Performing Arts; releases new album

Mahalaga para sa Pinoy singer na si Jed Madela ang tatanggaping award mula sa World Championship of Performing Arts. Sabi ni Jed, “Kasi ang una-unang pumasok sa isip ko, pag nawala na ako at least nakaukit na yung pangalan ko diyan—forever na… At least nandiyan na ang pangalan ko, it will be forever in the book—yun ang talaga una kong naisip.”


Inspirado at looking forward si Jed Madela sa matatanggap niyang Hall of Fame award mula sa World Championship of Performing Arts sa July.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jed noong nakaraang Linggo, March 3, sa ASAP 2013.

Ikinuwento ng singer na nagulat talaga siya sa karangalang ipagkakaloob sa sinalihang international singing competition.

Aniya, “Sa July, we’re going back to Hollywood. In-invite nila ako uli to grace to 17thWorld Championship of Performing Arts.

“Sa mga di nakakaalam, doon ako sumali noong 2005, nanalo.

"And this year, they invited me to receive an award.

“They are giving me Hall of Famer award sa World Championship…

“At yung mga binibigyan nila ng award na ito are people who made a big impact on the industry where they are in.

“Nagulat din ako sa mga kasama ko, na kahanay ko sa award na ito, like sila Liza Minnelli, Arnold Schwarzenegger, Jennifer Holiday...

“Sobrang humbled ako na napili nila ako na maging part.”



NOT A JOKE. Ayon kay Jed, inakala niyang biro lang ang lahat noong unang ibalita ito sa kanya.

“Nagulat ako! They told me last December, noong sinabi sa akin, sobrang nangilabot ako.

“Sabi ko, ‘Huwag ninyo akong i-joke time, kasi di joke ‘yan!’

“Sinabi nila, ‘Hindi… totoo! You’re going to be inducted in the Hall the of Fame sa Hollywood.’

“Ako, sobrang kinalibutan ako!

"Kasi, ang una-una kong pumasok sa isip ko, pag nawala na ako, at least nakaukit na yung pangalan ko diyan—forever na.

“Pag wala na ako sa industriya, it depends, di natin alam.

“At least nandiyan na ang pangalan ko, it will be forever in the book—yun ang talaga una kong naisip.”



PINOY CONTINGENT. Si Jed, hindi man ang pinakabata ay kauna-unahang Filipino na makakatanggap ng “Hall of Fame” award sa World Championship of Performing Arts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think I’m the first Filipino, but I’m not sure with the youngest.

“I was the first Filipino and unang contestant sa World Championship na in-induct nila doon.

“Usually, yung ini-induct nila yung mga beterano na, mga icons na.

“Sobra talagang honored ako na they remember me na i-nominate pa lang, mapili, as part of the hall of fame.”

Bukod sa award na matatanggap, nagdagdag ng excitement kay Jed na mas malaki ang team ng bansa na sasali ngayong taon na ito.

“Sobrang excited! Actually, I’m also excited, kasi malaki yung team ng Philippines this year na pupunta sa World Championship.

“My manager is also chosen as the National Director for the Philippines, si Tita Annie and Tito Gerry Mercado.

“They are bringing a big team this year.

"So aside from excited ako sa award, excited ako sa team natin kasi ang daming magagaling this year.”



MUSIC ALBUM. Isa din sa nakadagdag ng saya kay Jed ay naka-out na sa market ang kauna-unahan niyang album sa Star Records, ang Jed Madela All Originals.

Ilan sa mga mahuhusay na composers daw ang gumawa ng kanta para sa kanya.

Aniya,“It’s my first album with Star Records and so happy finally I got to sing all original songs, brand new songs.

“Ang laman nito, sampung bagong kanta na kinompose ng magagaling na composers sa Pilipinas.

“To name a few… Jimmy Antiporda, Trina Belamide, Soc Villanueva, Jungee Marcelo, at marami pang iba.

“Of course, it is produced by Jonathan Manalo.

“Sobra akong happy sa kinalabsan ng mga songs, kasi lahat ng mga songs dito may potential na mga single lahat.

“It’s a new sound for me. Pag sinabing Jed Madela, ang una-unang pumapasok sa isip nila ballad, love songs, saka birit.

“The first single I’m gonna sing is ’Ikaw Na,’ written by Soc Villanueva and it grooves, it’s upbeat... so ibang-iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayroon din dito tunog R&B, tunog kundiman, tunog classic.

“Halo-halo siya na gusto naming ipakita sa mga tao na pag sinabing OPM, hindi lang limited, hindi lang a love song or a novelty song.

“Kahit R&B pa ‘yan, may influence ng US or British music, pero pag Pinoy ang gumawa, lyrics and music it became OPM.

“Yun siguro ang pinakagusto naming ilabas…

“OPM can sound different, and it grows in time kasabay ng mga pagbabago.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN