Kyla takes leave of absence from Party Pilipinas to prepare for her delivery

Pansamantala munang hindi mapapanood sa musical-variety show na Party Pilipinas si Kyla bilang paghahanda sa kanyang panganganak. Nasa ika-pitong buwan na ang kanyang ipinagbubuntis kaya kailangan na muna niyang magpahinga. Ayon kay Kyla, “Sabi ng doctor ko, kung kaya ko pa, okey lang daw. E, siyempre medyo nag-iingat na rin ako.”


Nagpaalam na ang R&B Princess na si Kyla sa Party Pilipinas noong Linggo, March 3.

Seven months na kasi ang kanyang ipinagbubuntis kaya pansamantala muna siyang magpapahinga hanggang sa makapanganak na.

Sabi ni Kyla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nahihirapan akong kumilos at saka nahihirapan na rin akong kumanta.

“Siyempre, ayoko naman nung hindi ako nakakakanta nang maayos.

“Sabi ng doctor ko, kung kaya ko pa, okey lang daw. E, siyempre medyo nag-iingat na rin ako.”



ADJUSTMENTS. May mga adjustments na ba sila ng husband niyang si Rich Alvarez ngayong magkakaanak na sila?

Sagot ni Kyla, “Ngayon kasi, wala pa masyado, e. Kaming dalawa pa lang ni Rich.

“Pero feeling ko, kapag nandiyan na yung baby, dun na yung malaking adjustments na talaga.

“Pero pini-prepare ko na at napag-uusapan na rin namin na tulong kami sa pag-aalaga sa baby.

“Kaya lang, ang sabi niya [Rich], basta sa paglilinis ng pupu, ako raw!

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Madaya ka!’” natatawang kuwento ni Kyla.

“’Pambihira! Ako na nga ang nagdala, e!’ Dyinu-joke ko siya parati.

“Pero sobrang excited siya na… kinakausap niya yung baby parati, gano’n.

“Basta para kaming naglalaro, e. Kasi may stroller na kami, iniregalo ni Ate Reg [Regine Velasquez].

“Minsan kapag dumarating kami ng bahay, bigla siyang, ‘Hello baby!’ Gumagano’n siya.

“Sabi ko, ‘Wala diyan sa stroller, nandito pa sa tiyan ko.’

“Tapos, ipinapag-pray namin yung baby. Kinakausap din niya.”



BASKETBALL PLAYER OR SINGER? Baby boy ang ipinagbubuntis ni Kyla.

Ano kaya ang magiging propesyon ng anak nila paglaki nito—basketball player ba gaya ni Rich o singer na kaparis niya?

“Puwedeng pareho?” nakatawang sagot ni Kyla.

“Kinakantahan ko nga siya…

“Sabi kasi ng doctor, naririnig na niya rin. Nare-recognize na raw niya yung boses ko at pati yung boses ng daddy niya.

“So, kinakantahan ko siya. Minsan parang umi-S siya sa tiyan. Parang nagwi-wave siyang gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang saya! Ang sarap ng feeling kapag gumagalaw-galaw siyang gano’n."

Sabi pa ni Kyla, “Marami akong pag-iingat na ginagawa ngayon.

“Medyo nagbabawas na ako ng rice, tapos more on fruits and vegetables.

“Bawal sa akin ang mga salmon o tuna.

“Tapos, bawal ding mag-coffee. Ang sarap pa namang mag-kape sa umaga. Pero okey lang.

“And… sabi kasi, mag-exercise-exercise.

“So, ang exercise ko, nagpupunta ako sa mall. O kaya naglalakad-lakad sa village para hindi parating nakaupo lang.”

Sinabi rin ni Kyla sa PEP ang mga bagay na nami-miss niya ngayong buntis siya.

“Nami-miss kong mag-shorts at saka yung pagsusuot ng mga fit na damit!” tawa niya.

Dagdag ng singer, “Habang naka-leave ako sa Party Pilipinas, mami-miss ko talagang kumanta.

“Nagsi-senti na nga ako kaninang nagpaalam ako, e.

“Pinipigilan ko lang, baka sabihin nila iyakin ako.”



PLANS AFTER GIVING BIRTH. May mga plano na ba siya pagkatapos manganak? Gaya ni Regine dati na after giving birth ay may concert kaagad?

Sabi ni Kyla, “Basta pag bumalik ako, sakto sa paglabas ng bago kong album. Sakto siya sa pag-release ng bago kong album.”

Si Regine at maging si Jaya, ang dami raw ibinibigay na advice sa kanya tungkol sa pagiging ina.

“Ako, tini-take ko lang lahat-lahat. Ina-absorb ko lahat ng mga sinasabi nila.

“Malaking tulong ‘yon, kasi first baby, so nag-iisip din ako kung ano ang gagawin ko kapag nandiyan na siya.

“So ngayon, may idea na ako kung paano ba, kapag nandiyan na yung baby.

“Mahirap nga raw mag-alaga ng baby. At feeling ko, mahirap nga.

“E, ako naman, kahit mahirap, siguro ie-enjoy ko lang.

“Basta… masaya lang ‘to.”



THE BIG MOMENT. Patuloy ni Kyla, “Hindi ko lang ma-imagine kapag big moment na. Kapag gusto na niyang lumabas.

“Pini-prepare ko na yung sarili ko. Iniisip ko na yung pinakamasakit para ready ako!” tawa na naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malapit na… first week of May ang due ko.

“Pero kasi sabi nila, nangyayari na puwedeng mapaaga o kaya e lumagpas sa due date ng panganganak mo.

“So, hindi ko rin po alam kung by the end of April o first week of May.

“Normal delivery siguro ako kasi lahat ng tests sa akin, okey naman.

“Kaya nga medyo nag-iingat na rin ako sa food, e. Mahirap nang ma-caesarean.

“Pero ang sarap kumain talaga ng ice cream. Ewan ko, gusto ko talagang kumain nang kumain.

“Pigil na pigil lang ako. Pinipigilan ko talaga!” natatawang sabi ni Kyla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN