Nikki Gil on settling down with Billy Crawford: “Papunta na kami doon kasi nag-iipon na kaming dalawa.”

Hindi ipinagkaila ni Nikki Gil na kung lalagay man siya sa tahimik ay gusto niyang si Billy Crawford na ang mapangasawa niya. Saad niya, “Siyempre, yun ang gusto namin kasi, di ba, sayang naman yung five years na yun kung hindi, di ba? Siyempre, I want him to be the one na. I want this to work. Pero hindi naman kami nagmamadali kasi bata pa naman kami, marami pa kaming kailangang asikasuhin.”


Hindi man daw nagtagal ang kanyang character sa Apoy sa Dagat, masaya pa rin si Nikki Gil na marami ang pumuri at nakapansin sa kanyang pag-arte sa naturang primetime series ng ABS-CBN.

Sa pilot week lang napanood ang role ni Nikki bilang ina ng kambal ng noo’y mga bata pang dual character ni Angelica Panganiban.

Sabi ni Nikki, masusi niyang sinunod ang instructions ng kanyang director sa bawat eksena dahil hindi pa naman daw niya naranasan ang ganoon sa tunay na buhay.

“Ano, I just trust the director and, of course, I read the script thoroughly.

“Napakalaking bagay noong may tiwala ka sa director at sinusunod mo kung ano yung instructions nila.

“Kasi yung role ko doon sa soap, hindi ko naman na-experience sa totoong buhay so kailangan talagang kumapit ako sa instructions.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest si Nikki sa launching ng 2013 Spring Summer Collection ng Swatch last February 26 sa Long Bar, Raffles Hotel, Makati.

Pagkatapos ba ng Apoy Sa Dagat, may mga nakalinya na siyang bigating drama roles?

Tugon ni Nikki, “Meron na daw though wala pang concrete, wala pa akong solid na details, wala pang nagsasabi sa akin.

“Pero ako naman, happy ako with them [ABS-CBN] on what is being given to me.”

Sa mga papuri na kanyang natanggap, ano ang nararamdaman ni Nikki na pasado ang kanyang acting kahit na mas nakilala siya bilang host at singer?

Aniya, “Happy. Oo, siyempre kasi kahit one week lang yung exposure ko, sobrang tagal naming ginawa yung pilot week, sobrang dugo talaga.

“So it’s the wish of any artists na mapansin ang kanilang pagganap, kasi yung pinagtrabahuhan naming lahat ay napuri.

“Nakakataba ng puso.”

Sa ngayon, kakatapos lang daw gawin ni Nikki ang musical na They’re Playing Our Song, na naging avenue naman niya para sa kanyang talent sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING TALKS. Pagdating naman sa kanyang lovelife, masaya raw silang dalawa ng boyfriend niyang si Billy Crawford at going strong ang kanilang samahan na umabot na ng limang taon.

Ano kaya ang sikreto nilang dalawa at napanatili nila ang masayang samahan?

Sagot ni Nikki, “Communication, lagi kaming nag-uusap, lagi kaming nag-a-update-an sa nagaganap sa buhay ng isa’t isa.

“Kung meron kaming pinagdadaanan, we deal with it na kaming dalawa lang.”

Kung may mga hindi man daw sila pagkakaunawaan, they make sure na maayos daw ito kaagad.

Saad ni Nikki, “Si Billy, ano ‘yan, e, hindi siya nakakatagal ng magkagalit kami.

“Kahit siya yung mali, aayusin niya ‘yan kaagad.

“Basta ayaw naming tinutulugan ang away.

“Ako kasi... pag babae kasi, pag nagalit, matagal lumamig ang ulo.

“Siya yung nanunuyo talaga…

“Pero pag mali ako, I’m the one to apologize.”

Selosa ba siya?

“Selosa ako… siya rin naman seloso din siya.

“Normal na lamang ata yun sa mag-irog,” sabi ni Nikki.

Ngayong umabot na sa limang taon ang kanilang relasyon, napapag-usapan na kaya nila ang pagpapakasal?

Nakangitng sagot ni Nikki, “Oo naman… five years na rin kami, e.

“Pero nothing serious, wala pa naman talagang siguradong plano, or wedding [plans], wala pa doon.

“Pero papunta na kami doon kasi nag-iipon na kaming dalawa.”

Dagdag pa niya, “Siyempre, yun ang gusto namin kasi, di ba, sayang naman yung five years na yun kung hindi, di ba?

“Siyempre, I want him to be the one na. I want this to work.

“Pero hindi naman kami nagmamadali kasi bata pa naman kami, marami pa kaming kailangang asikasuhin.”

Sa ngayon, tiniyak ni Nikki na sobrang masaya siya sa kanilang relasyon ni Billy.

Aniya, “Ako, I believe in sowing and reaping honesty and loyalty and all these good things—and I’m very happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN