Max Collins says role in Pahiram Ng Sandali helped conquer her fears as an actress

Max Collins is grateful that she was given a chance to star in Pahiram Ng Sandali. After working on this project, she’s now proud to say that, “I conquered my fear and that made me become a better actress, a better person.”


Mas nakilala raw ni Max Collins ang kanyang sarili matapos gumanap bilang Cindy sa GMA-7 primetime series na Pahiram Ng Sandali.

Sa totoong buhay raw kasi ay hindi siya vocal, kaiba sa karakter niya sa show.

Sabi ni Max, “Maganda pala yung feeling na nalalabas mo yung nararamdaman mo.

“Kasi gano’n siya [Cindy], kung ano nararamdaman niya, inilalabas niya agad.

"And ako yung type na iniipon ko hanggang makalimutan ko, and ang sarap pala ng feeling, kasi you feel stronger.

“So ako, yung natutunan ko about myself is that I should learn how to be more expressive and not to be so afraid.

“Kasi medyo mahiyain po ako, so because of her, she taught me to be more open, to be more fearless.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max kahapon, Marso 5, sa pocket interview ng cast ng Pahiram ng Sandali sa 17th floor ng GMA Network, sa Timog Avenue, Quezon City.



“I CONQUERED.” Bukod sa pagkilala sa kanyang sarili, natulungan din daw si Max ng proyektong ito na malinang ang kanyang pagiging isang aktres.

Sabi niya, “Yung confidence ko po bilang isang artista, sa pag-aarte ko, it grew so much!”

Hindi rin daw kasi niya akalain na makakatrabaho niya ang mga premyadong artista tulad nina Christopher de Leon, Sandy Andolong, at Lorna Tolentino.

Kaya naman maipagmamalaki niya raw sa lahat na, “I conquered my fear and that made me become a better actress, a better person.

“And it gave me more respect for myself because before, ang feeling ko, laging may kulang, na hindi ako gano’n kagaling umarte, hindi ako gano’n kagaling kumanta, sumayaw, whatever.

“So, parang nando’n pa rin yung insecurities ko and I so badly wanted to show everyone na kaya ko.

"But ako, myself, hindi ako gano’n ka-sure sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But because sa project na ito, napatunayan ko na kaya ko pala.

"So doon ako grateful, na I feel more respected as an actress.”



THANKFUL TO GMA-7. Nagsimula sa showbiz si Max bilang si Isabelle Abiera noong nasa pangangalaga pa siya ng Star Magic at kung saan din siya nagsimula.

Apat na taon din ang naging kontrata niya sa ABS-CBN. Ang huling proyekto niya doon ay ang Your Song Presents: Andi, sa episode na “Catch Me I’m Falling.”

Taong 2012 nang mapunta siya sa pangangalaga ni Perry Lansigan, at kasabay nito ay ang pagpapalit niya ng screen name na Max Collins.

Naging maganda ang simula ni Max sa Kapuso network dahil na rin sa sunud-sunod na proyekong ipinagkaloob sa kanya, tulad ng The Good Daughter at Coffee Prince.

Ngayon nga ay nasa Pahiram ng Sandali siya, na nasa dalawang huling linggo na.

“Sobrang bait, napakabait ng GMA sa akin,” bulalas ni Max.

“They believed in me so much, and I’m so thankful for that from the bottom of my heart because even me… they gave me so many challenges to face.

“And the fact that I was able to surpass all of them, I’m just so thankful sa tiwala, and the opportunities that they have given to me to do that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN