Christian Bautista performs at Eat Bulaga! Indonesia

At home na at home daw si Christian Bautista nang mag-perform siya sa Eat Bulaga! Indonesia dahil kaparehas na kaparehas daw ito ng original Philippine noontime show na Eat Bulaga!.


Kadarating lang ni Christian Bautista mula sa Indonesia nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Diresto kaagad siya sa media launch ng Swatch Spring Summer Collection 2013 last February 26 sa Raffles Hotel, Makati.

Masaya niyang ibinalita sa amin na nakapag-perform na siya sa Eat Bulaga! Indonesia, ang franchise ng longest-running noontime show sa Pilipinas.

Sabi ni Christian tungkol dito, “Nakakatuwa kasi finally a Filipino show na-franchise ng Indonesia, so who knows kung ano pa ang next na i-franchise ng ibang bansa mula sa atin.”

Dagdag pa niya, parang at home na at home ang kanyang pakiramdam habang nasa EB Indonesia dahil ang dami raw talagang pagkakapareho nito sa Eat Bulaga! ng Pilipinas.

Kuwento ni Christian, “Yung set… meron silang Bossing [Vic Sotto sa EB Philippines].

“Meron silang comedian, merong isang Pinoy doon e ang pangalan ay si Leo [Consul].

“So parang kinopya talaga and it works kaya masaya ang mga tao dun.”

Nakapag-promote na rin daw siya ng bago niyang album na nakatakda naman niyang i-release sa Indonesia ngayong Marso.

Aniya, “Yung album ko na First Class na ni-release dito, ire-release ko dun next month.

“Usually ganun yun, e, we focus on one country first and then pag tapos na, we go to another country.”



POST-VALENTINE’S DATE. Noong Valentine’s Day raw ay hindi sila nakapag-celebrate ng girlfriend niyang si Carla Dunareanu dahil nga sa kanyang mga engagement sa Indonesia.

Sabi ni Christian, “Valentine’s? Unfortunately, nasa Jakarta ako for work and then si Carla was here.

“Pero magkakaroon naman kami ng Hong Kong trip, so yun ang Valentine’s namin.”

Si Carla ba ay dito na sa Pilipinas for good?

Sagot ni Christian, “For now, she’s a Magic 89.9 DJ and she just finished a Repertory Philippines play.

“And she’s here for work, for opportunities.”

Ano ang ideal marrying age ni Christian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah, I don’t know, e… dati nga sabi ko, thirty, e, thirty na ako.

“So we will know na lang siguro when the right time comes.

“Sabi nga nila, malalaman mo naman.”



ACTING OVER SINGING? Napanood si Christian ng ilang episodes sa natapos nang primetime series ng ABS-CBN na Princess And I.

Pero, gusto na ba talaga niya ang pag-arte?

Sagot ng singer, “Well I want do more, it’s been a while.

“The last [full-length] acting I did was Kitchen Musical, so yun ang gusto kong i-explore ngayon—more acting projects para mahasa pa at gumaling.

“And I think it’s a new field na gusto ko talagang seryosohin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN