Ricky Davao to judge in the first Asean International Film Festival & Awards; wants to return to acting in his next project

Isang pelikula tungkol sa katandaan ang gustong gawin ni Ricky Davao na tampok din ang mga artistang “matatanda.” Kuwento ni Ricky, “Binigyan ko ng script ang daddy ko, si Mang Dolphy, sana si Paquito Diaz, si Berting Labra, si Eddie Garcia... Si Eddie Garcia na lang ang buhay.”


Nag-iisang Filipino jury ang actor-director na si Ricky Davao sa kauna-unahang Asean International Film Festival & Awards (AIFFA) na gaganapin sa March 28 to 30, 2013 sa Kuching, Sarawak, Malaysia.

Lima silang magsisilbing jury sa AIFFA.

“Iba-ibang countries—Malaysia, Singapore, Myanmar, Indonesia, at Philippines,” umpisa ni Ricky nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Forever sa De Ocampo Hospital sa Nagtahan, Manila.

Ang AIFFA ay kumpetisyon ng mga indie movies, feature, at short films mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Ano ang mga entry ng Pilipinas sa AIFFA?

“Meron na, e, mga sampu yata ang sa atin. Hindi ko kabisado.”

Paano siya napiling jury, sino ang pumili sa kanya?

“Well, nagbigay siguro sila ng mga pangalan, tapos from there…”

Honored siyempre si Direk Ricky.

“Oo naman, tsaka Asean yun, e!

“Sabi ko nga, maganda ang pangyayaring ito kasi kung hindi natin ma-penetrate ang Hollywood ng as a solo country, baka as an Asean nation, di ba?"



NOMINATON. Alam niya na isinumite ang pangalan niya?

“Oo, sinabi naman. Tapos, siguro tiningnan nila yung mga ano... yung resumé naman, e, di ba?”

Ang grupo raw ng direktor na si Dante Nico Garcia ang nag-submit ng pangalan niya.

Si Direk Dante ang Philippine liaison officer ng AIFFA.

All-expenses paid ang biyahe ni Direk Ricky sa Malaysia.

“Lahat, oo, invited ka, e.”



ENDING. Umeere pa ang idinidirek ni Ricky na afternoon soap sa GMA-7, ang Forever. Pero kung siya ang tatanungin, paano niya tatapusin ang show?

“Siyempre, gusto ko magkatuluyan yung dalawa—si Adora [Heart Evangelista] at si Ramon [Geoff Eigenmann, na gumaganap rin bilang si Patrick].

"Pero since baka magkatuluyan pa rin in another lifetime.

“Di ba, noong araw may ganoong pelikula, yung Karma, hindi rin nagkatuluyan.

“Danny Zialcita ‘ata yun, Vilma [Santos], e, di ba, hindi rin natuloy, e.

“Kanina lang, tinanong din ako ni Tita Glo [Gloria Romero, na gumaganap na matandang Adora], ‘Magkakatuluyan ba kami?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, parang hindi ngayong lifetime.

“Unless makaisip pa yung writers ng way to fix it, kasi may powers naman, e.”

Kung patandain na lang si Patrick para bumagay sa edad ni Adora?

“Hindi... by the time na tumanda na si Patrick, e, di baka wala na si Adora... sakitin pa si Adora.”

“Pero puwede rin ano? Puwede rin.”

Wala pa raw siyang ideya kung ano ang ending ng naturang drama series ng GMA-7.

“Kasi, alam mo naman ang mga writers, nag-i-story mapping tapos magbabago rin.

“Baka may maisip sila na iba, kasi original ito, e.”



DIRECTING VS. ACTING. Sa next project niya, ano ang gusto niya—artista o direktor siya ulit?

“Gusto kong mag-artista!” bulalas niya.

Paano kung directorial project ulit ang ibigay sa kanya ng GMA-7?

“E, work pa rin yun, di ba?”

May balitang kinukuha daw siya ng TV5.

“Hindi naman,” makahulugang ngiti ni Direk Ricky.

Per project ang contract niya sa GMA-7, may posibilidad ba na magtrabaho siya sa ibang networks?

“Depende, nasa pag-uusap naman yun, e, napag-uusapan.”

Aminado siya na isa ang talent fee sa mga kunsiderasyon.

“Kasama, oo... at yung type ng projects na ibibigay.”

Kaya ba niyang iwanan ang GMA-7?

“Ako very loyal ako. It takes a while bago ako lumipat or ano.

“Actually wala naman, e. Ngayon naman, nakakatrabaho ako kahit saan.

“Pero I’m a very loyal subject, loyal friend.

“So matagal. Parang from Seiko [Films] to Viva [Films], matagal bago ako lumipat. From Viva to solo, umano rin ako, di ba?”



DREAM PROJECT, CAST. Bilang direktor, may dream cast and dream project ba si Direk Ricky?

“Kasi, yung dream cast will depend also on the dream project.

“Kung meron man akong dream project ngayon, ito yung project na matagal ko ng hawak na material, e.

“E, it’s not commercial. Parang indie actually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ilang taon ko nang inilalako ito, e, para sa daddy ko pa sana ito, e.”

Ang ama ni Ricky ay ang yumaong character actor na si Charlie Davao.

“Tungkol ito sa apat na matatanda, ang title, Hiblang Abo—tungkol sa mga matatanda na nasa Home For The Aged.

“Binigyan ko ng script ang daddy ko, si Mang Dolphy, sana si Paquito Diaz, si Berting Labra, si Eddie Garcia.

“Si Eddie Garcia na lang ang buhay.”

Paano yun?

“E, iyon na nga, e, Hindi ko alam, pero sana magawa ko pa rin.”

Bakit sa tagal na ay hindi pa niya magawa kahit inilapit na niya sa mga producers?

“E, kasi wala akong budget.

“Ibinigay ko sa mga big companies, hindi nila naano, talagang sinasabi nila, pang-ano talaga, pang-indie.”

Sa Cinemalaya kaya?

“Iyon puwede. Kaya lang hindi ko maasikaso dahil busy ako sa TV pero nandidiyan pa rin iyon.

“And minsan-minsan nga nakakausap ko si Eddie Garcia.

“Nakakatuwa dahil palagi niyang sinasabi, ‘O, Ricky, I’m ready for my close-up!’

“Ganoon siya ka-supportive! At ang galing niya sa Bwakaw, ha?”



COMEDY. Ang Bwakaw ay ang indie movie na pinagbidahan ni Eddie Garcia kamakailan kung saan nagwagi siya at ang pelikula ng awards sa film festivals abroad.

May idea na siya kung sino ang ipapalit niya sa mga “nawala” na?

“Actually, meron din ako na isa pa, pero namatay na din.”

Nang tanungin namin kung sino, ang natatawang sagot ni Direk Ricky ay ito: “Ayoko! Pero funny yung script, na medyo comedy.

“Kuwento ng mga matatandang bingi, bulag—malilibog pa rin, you know, naughty pa rin.

“Kasi may mga nude scenes sila!

"E, sino ang manonood ng nude scenes ng matatanda?” sabay tawa ni Direk Ricky.

Papayag ba si Tito Eddie sa nude scene?

“Oo, bakit hindi, di ba?

“Kasi, may eksena doon na nagbibidahan yung apat na matatanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So siyempre, ipapakita mo nakahubad sila, di ba?

“Nagpapayabangan sila kung gumagana pa o hindi.

“Tapos, biglang yung character ng Eddie Garcia sana, isasabit niya yung tuwalya sa…

“Funny naman siya, e. Tapos, lalabas... biglang may dalawang lola, makakasalubong, ‘Bastos ka talaga!’

“Tapos, paglampas ni Eddie, ‘Kita mo? Parang tuta?!’

“Funny siya!”

Pagkatapos ng Forever ay umaasa si Direk Ricky na magagawa na niya ang naturang pelikula.

“Funny siya, pero tragic siya... madrama siya.

"Pero sa umpisa, nakakatawa siya—yung mga nangyayari sa matatanda.

“Ano siya, based sa isang play, Hiblang Abo rin ang title, ni Rene Villanueva.”

Balak din niyang kausapin si Direk Dante para makipag- collaborate sa pagpo-produce ng nabanggit na pelikula.

Ilan sa mga indie projects ni Dante ay ang Ploning ni Judy Ann Santos at ang Madaling Araw, Mahabang Gabi ni Angelica Panganiban.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN