Ogie Alcasid happy about return of OPM to music scene; open to have a concert with Martin Nievera and Gary Valenciano

“Basta sa July may presscon tayo... a mayroon akong concert sa August,” says Ogie Alcasid about his rumored transfer to other TV network. The singer-songwriter’s contract with GMA-7 will expire in June.


Masaya ang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na si Ogie Alcasid sa positibong pagtanggap ng mga Pilipino ngayon sa mga lokal na awitin.

Kamakailan lamang ay isa si Ogie sa mga naging hurado ng katatapos lamang na songwriting competition na Himig Handog.

(CLICK HERE to read related article.)

Dito raw ay nakita niya ang muling mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa original Pinoy music.

“Nakakatuwa kasi ngayon ang gaganda ng mga kanta. Ang mga hits ngayon sa radyo ay puro OPM,” nakangiting sabi ni Ogie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa pocket press conference na inihanda para sa repeat ng Foursome concert nila ng asawa niyang si Regine Velasquez, at nina Martin Nievera at Pops Fernandez kanina, March 6.

Sabi pa niya, “I was so happy talaga na tweet ako nang tweet.

“Gusto ko kasi i-express yung feeling ko na I’m so happy talaga na nakakarinig ako ng mga bagong kanta sung by young people at tinitilian ng mga tao.

“Kumbaga, nararamdaman ko yung pagbabalik ng OPM.

“Nagna-number one ngayon yung mga kanta ni Abra. Si Gloc-9 patuloy ang benta. Yung ‘Pusong Bato’ memoryado ko na.

“Kumbaga, yung bawat genre ay may kanya-kanyang following, which is I dreamed about, yung pagbalik ng OPM.

“I can imagine itong coming five or six years umaangat na ang OPM.

"I believe na parang gulong ‘yan na tuluy-tuloy.”

FOURSOME REPEAT. Tulad ng mga bagong lokal na awitin, natutuwa rin si Ogie na marami ang tumangkilik sa Valentine concert nila na Foursome.

Sa mga nakaraang taon kasi, madalas ay foreign acts ang nagiging patok na concert tuwing Valentine’s Day.

Pero ngayong taon, ang Foursome ang naging sold-out concert kahit na marami itong nakasabay.

“You know, I’m happy that that show was a big seller in Valentine’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, it’s an OPM show, di ba? It could have been something.

"We’re happy that it’s an OPM show.

“Sana magsimula ng trend. Sana mga artista naman natin,” ani Ogie.

Dahil naging sold-out ang one-night-only concert na ito, magkakaroon ng repeat ang Foursome sa March 16 sa SM Mall of Asia Arena.

Sa nasabing concert, magiging guest nina Ogie, Regine, Pops, at Martin ang isa pa sa mga tinitingalang music artist—si Gary Valenciano.

“We wanted to offer something new na we have a guest. Siyempre, barkada rin namin si Gary,” sabi ni Ogie.

Dahil sa pagsasama-sama nilang ito, maaari kayang mabuo ang isa pang concert kung saan sina Ogie, Martin, at Gary naman ang magiging tampok na artists?

“I agree,” sagot ni Ogie.

“We’ll see if people will react positively to it, I’m open to it. I’d be honored.

“Siyempre, mga idol ko ‘yang mga ‘yan. I’d love to have a show with Gary and Martin.”

SILVER ANNIVERSARY CONCERT. Sa ngayon, ang susunod na iisipin naman ni Ogie pagdating sa concert ay ang proyekto para sa kanyang ika-25 anibersaryo sa showbiz.

“Nagpaplano rin ako ng silver concert. Pero para maiba kay Regine, hindi ko siya tatawaging Silver,” sabi ni Ogie.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagdiwang rin ng kanyang 25thanniversary ang asawa ni Ogie sa pamamagitan ng isang major concert noong Nobyembre 2012.

Subalit dahil nawalan ng boses ang Asia’s Songbird dahil sa karamdaman, kinailangang i-cut ang concert at nagkaroon na lamang na repeat noong January 5.

(CLICK HERE to read related article.)

Ano na ang mga naiisip ni Ogie para sa kanyang anniversary concert, na mangyayari sa Agosto?

“Marami akong naiisip na concept.

“Pero feeling ko, yung 25 years ng career ko, naging bida kasi yung mga hits ko. So, I might call it ‘The Songwriter and The Hits.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Type na type ko kasi ang style ni David Foster, e.

“Yung kakanta siya, tutugtog siya, dya-jam siya, ganung type of concert.”

Pagkatapos ay pabirong humirit si Ogie, “Maraming guests, mga 88. At ano ‘yon, 88 medleys!”



TRANSFERRING OR NOT? Sa panayam ng PEP kay Ogie, iniwasan niyang mapag-usapan ang balitang paglipat niya sa TV5.

“Ito naman, lilipat-lipat. Wala munang ganun,” pakiusap ni Ogie, na magtatapos ang kontrata sa GMA-7 sa Hunyo ngayong taon.

Sa halip na ituloy pa ang usapan tungkol dito, idinaan na lamang niya sa biro ang pag-iwas.

Aniya, “Basta sa July may presscon tayo—na mayroon akong concert sa August.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN