John Lapus on Ethel Booba’s removal from Wowowillie: “Sabi nga ni Kuya Will, yung show niya ay para sa bayan. At ang bayan naman, gusto si Ethel..."

Kung sakaling i-offer sa kanya ang slot ng mga tinanggal na kaibigan sa Wowowillie ay hindi raw ito tatanggihan ni John Lapus. Sabi ni Sweet, “I would love, too. I would love, too! Hindi naman siya katapat ng show ko sa Dos, so okey lang. Alam mo naman ako, I don’t wanna burn bridges. Puwede ako sa ABS CBN, GMA-7."


Isa si John “Sweet” Lapus sa mga kaibigan nina Ethel Booba at Ate Gay, kaya hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang pahayag tungkol sa pagkakatanggal ng dalawa sa Wowowillie.

Naging malaking isyu ang paraan ng pagkakaalis ng dalawang comedians sa show dahil on-air ay pinagalitan sila ng main host na si Willie Revillame dahil sa nangyari sa backstage ng show noong March 1.

(CLICK HERE to read related story.)

“Actually, nito ko lang nalaman,” simula ni Sweet nang makausap namin siya sa set ng Talentadong Pinoy kahapon, March 5, sa Broadway Centrum.

Patuloy niya, “Siyempre, nalulungkot naman ako.

“Ang alam ko, love ni Kuya Will si Ethel.

“At si Ethel naman ay tingin ko ay she looked up to Kuya Will as her older brother.

“Ang feeling ko talaga ay parang too close for comfort.

“Parang feeling ko, kaswal lang kay Ethel dahil kaibigan nga niya tapos nakalimutan niya na boss pa rin niya ito.”

Ano naman ang masasabi niya sa ugali ni Willie na napakaprangka na kahit on-air ay diretsahan kung magbitaw ng salita?

Sagot ni Sweet, “Lalaki naman kasi siya, e.

“Siya yung tipong kung ano ang nararamdaman ay talagang sinasabi niya.

“I hope na lumipas ito agad and they patch things up."

Sabi pa ni Sweet, “Nakakatuwa talaga si Ethel… yung segment nila na napanood ko, silang dalawa talaga ni Ate Gay ang nakakatawa.

“Sana maayos.”

Ano naman ang masasabi niya kay Ate Gay? Desidido kasi ito na makabalik sa show ni Willie.

Ani Sweet,”Hindi ko pa rin nakakausap si Ate Gay.

“Nababasa ko yung mga tweet niya, yung status niya sa Facebook.

“Pero yung personal ko na makausap siya, hindi pa naman.

“Ang alam ko nga na gusto niyang makipag-ayos.

“Tayo naman, at the end of the day, gusto rin naman nating maayos lahat, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Balita ko na gusto niyang lumapit kay Kuya Will kasi feeling niya ay nadamay lang siya.”

Sabi pa ni Sweet tungkol kay Ethel, “Hindi ko pa rin din siya nakakausap.

“Gusto ko nga siyang tanungin pag nagkita kami kung ano ba talaga ang plano niya sa life.

“Wala rin akong comment kasi wala naman ako dun sa pangyayari.

“Alam mo kasi, favorite ‘yan ni Kuya… si Ethel, e.

“Feeling ko, away lang ng magkapatid yun.

“Sabi nga ni Kuya Will, yung show niya ay para sa bayan. At ang bayan naman, gusto si Ethel... sana maayos nga.”

Paano kung i-offer sa kanya ang slot ng mga kaibigan niya sa show, papayag ba siya?

“I would love, too. I would love, too!” bulalas ni Sweet.

“Hindi naman siya katapat ng show ko sa Dos, so okey lang.

“Alam mo naman ako, I don’t wanna burn bridges.

“Puwede ako sa ABS CBN, GMA-7.

“Dito sa TV5, okey ako. I have an open contract—basta hindi makakatapat ng existing shows ko.”

Pero depende rin daw ito kung tatanggapin ng artist management kung saan siya nakakontrata

“At saka, basta okey sa Star Magic na siyang nagma-manage sa akin, walang problema.

“Ang Star Magic naman, namimili naman ng projects na lalabasan ko. Hindi lang naman sila kukuha ng guestings ko para magkapera o ano.

“Tinitingnan din nila kung makakatulong ba ito sa career ko. Na hindi ako naagrabyado at sees to it na naibibigay yung karapat-dapat naman sa akin.”

TALENTADONG PINOY. Tulad na lang nitong Talentadong Pinoy kung saan permanent judge siya. Sa katatapos lang na 2013 Golden Screen TV Awards ay pinarangalan ang show bilang Outstanding Original Reality Competition Program.

“Ay, oo nga!” bulalas ni Sweet. “Thank you so much sa ENPRESS.

“Dapat nga ay presenter ako pero meron akong shooting ng Must Be Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It only goes to show that nothing beats na original, di ba?

Talentadong Pinoy naman talaga ang original na talent show sa buong Pilipinas kaya nga yung ibang networks ay nag-franchise na ng mga international, di ba?

“Kahit sa ratings, nakaka-encourage siya at naibalik na din siya sa original timeslot niya na Sunday.

“Kaya masaya kaming lahat dito sa production. Lahat sila inspired na magtrabaho.

“From the production crew hanggang sa amin na judges at si Ryan [Agoncillo] na host, lahat ang taas-taas ng energy sa taping.

“Sana masundan pa,” sabi ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN