Dingdong Dantes on winning an award: “Mas maganda nga na may kumukuwestiyon kesa oo lang nang oo lahat, di ba?"

Ito ang naging pahayag ni Dingdong Dante sa sinabi ni Governor ER Ejercito tungkol sa kredibilidad ng mga hurado ng Star Awards at MMFF: "If he has question, I think he has to address it straight to them. At least, honest siya, yun lang naman yun. Siguro po, kung ako rin naman ang nasa posisyon niya, hindi rin ako matutuwa totally. But if there are issues like that, I’m pretty sure he knows kung sino ang mga dapat kausapin about it. So, then again, that’s his o


Ngayong araw, March 7, ang huling taping day ng primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali. Sa March 15 naman ipalalabas ang huling episode nito.

Pero nagkaroon muna ng pocket farewell presscon ang cast members ng Pahiram Ng Sandali noong Martes ng gabi, March 5, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang male lead ng teleserye na si Dingdong Dantes.

Ano ang maiiwang “memories” sa kanya ng Pahiram Ng Sandali ngayong malapit na itong magtapos?

“Ang memory ko, powerhouse cast. Super-duper powerhouse,” sagot ni Dingdong.

Sa lahat ng naging teleserye niya, ang Pahiram Ng Sandali ang pinaka-powerhouse ang cast?

Sagot ng Kapuso actor, “Hindi, nagkataon din na naging equal ang pagtatrabaho ko sa mga superstars na nakatrabaho ko.

“Kumbaga, nabiyayaan ako ng enough time na makatrabaho si Bro. Bo [Christopher de Leon], si Tita Sandy [Andolong] na palagi kong mommy… super-tagal naming magkasama.

“Of course, Ms. LT [Lorna Tolentino] at ngayon, si Mr. Mark Gil.

“Ang daming interaksiyon… kami nila Julio [Diaz].”

Speaking of Julio, sa pagkakaalam ni Dingdong ay bababalik ang karakter ng veteran actor bilang stepfather niya ngayong magtatapos na sila. Matatandaang naospital si Julio dahil nabalian ng buto.



THE NEXT DRAMA SERIES. Sa pagkakaalam ni Dingdong ay may panibago na siyang teleserye na gagawin sa Kapuso network, ngunit wala pa raw siyang ideya kung ano ito.

Pero kung siya ang masusunod, anong klaseng teleserye ba ang gusto niyang gawin?

“Hindi ko pa talaga masabi.

“Nangyayari kasi na kung ano ang gusto kong gawin, yun ang hindi ginagawa.

“So, hindi na lang ako magsasabi ngayon!” natatawang sabi niya.

Pero may gusto siyang gawin na proyekto?

“Meron, oo,” pag-amin ni Dingdong.

Ayaw ba niyang subukan na sabihin o i-suggest ito sa management?

“Alam ninyo ako, I’m always for the interest of the general public rather than my own interest,” tugon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung interest ba niya ay hindi puwedeng maging interest ng lahat?

“Minsan hindi, e,” sambit ni Dingdong.

“Kapag maramot ka lang at gusto mo yung sa ‘yo lang, baka masyadong maging too self-centered.

“Pero definitely, I should like what it is. Kailangan ko siyang gustuhin hindi dahil trabaho lang.”



THE NEXT LEADING LADY. May partikular na Kapuso actress ba siyang gustong maging leading lady? Tila nahihirapan na kasing humanap ng puwedeng ipareha sa kanya.

“Oo, e, let’s say, kung meron man, may ginagawa,” pagsang-ayon niya,

Kung siya ang mamimili?

“Hindi ko po alam. Kayo, sa tingin ninyo?” balik-tanong niya.

Kung sila pa rin ng leading lady niya sa Pahiram Ng Sandali na si Max Collins ang pagtambalin, okay lang ba sa kanya?

“Of course, of course, if given the chance.

“Sobrang ganda ng ipinakita niya. Kumbaga, she’s a big revelation at natutuwa ako para sa kanya.”



DANCE OF THE STEEL BARS. Sa Mayo ay ipapalabas naman na ang ginawang indie film ni Dingdong, ang Dance of the Steel Bars.

Dito nakasama ni Dingdong ang Hollywood actor na si Patrick Bergin at ang local actors na sina Ricky Davao at Joey Paras. Sa ilalim ito ng direksiyon ni Cesar Apolinario.

Napanood na ba niya ang pelikula?

“Hindi pa kasi walang pagkakataon. Meron dati, pero hindi matuluy-tuloy.

“Ini-schedule niya [Direk Cesar] pero hindi magtugma-tugma ang mga schedules namin.”

Pero bakit nga ba siya nakulong sa kuwento?

“Dance instructor ako dun. May aksidente akong nagawa sa isang client,” sabi ni Dingdong.

CELEBRATION. Noong Biyernes, March 1, tumanggap na naman ng award si Dingdong. Ito ay bilang Outstanding Original Reality Program Host para sa Protégé mula sa 2013 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (EnPress).

Na-excite pa rin ba siya sa natanggap na award?

“Sobra, sobra… sobrang grateful po ako sa EnPress,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bukod sa kanyang award sa paghu-host, nanalo na rin noon ng awards si Dingdong para naman sa acting.

Ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera naman ay nagwaging Outstanding Actress in a Drama Series para sa Amaya.

Sa paborito raw nilang Spanish restaurant nag-celebrate sina Dingdong at Marian ng kanilang pagkapanalo sa Golden Screen TV Awards.

Dahil pareho na silang nanalo ng acting awards, wala nang puwedeng magsabi na hindi sila award-winning lalo na sa parte ni Marian.

Sabi ni Dingdong tungkol dito, “Alam ninyo, ang sa akin lang talaga, malaking bagay na nakakapagpasaya siya ng maraming tao.

“Ang award po, e, malaking pribilehiyo rin ang ibinibigay sa kanya.

“Kumbaga, ang importante, ipinagpapatuloy lang ang ginagawa niya kahit na may kung anu-anong haters on the side.

“Mas maganda nga na may kumukuwestiyon kesa oo lang nang oo lahat, di ba?

“Parang hindi balanse ang mundo kapag ganoon lang lahat, di ba?"

ER EJERCITO. Kaugnay ng pahayag niyang ito, hiningan na rin si Dingdong ng komento sa sinabi ni Laguna Governor ER Ejercito na mas credible daw ang judges sa Star Awards for Movies kumpara sa mga hurado sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

(CLICK HERE to read related story.)

Dalawang magkasunod na taon natalo ni Dingdong si Governor ER sa MMFF, noong 2011 at 2012.

Sabi ni Dingdong, “Alam ninyo hindi, e… siguro ang MMFF dapat ang tanungin natin sa reaksiyon nila diyan.

“If I we’re part of the MMFF committee, I would be hurt, definitely.

“But I don’t think I’m in the position to say anything because I am just a recipient of the award.

“So, if he has question, I think he has to address it straight to them.”

Dugtong niya, “At least, honest siya, yun lang naman yun.

“Siguro po, kung ako rin naman ang nasa posisyon niya, hindi rin ako matutuwa totally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But if there are issues like that, I’m pretty sure he knows kung sino ang mga dapat kausapin about it.

“So, then again, that’s his opinion, let just respect it.”

Kapag siya ay natatalo sa mga awards night, ano ang nagiging attitude niya?

“Better try next time,” sagot ni Dingdong.

“Magandang lesson din yun para sa akin kapag may nangyayaring mga ganun dahil parang sinasabi rin sa ‘yo na try harder next time.

“Pero para sa akin, siguro, parang maihahambing ko ito sa nomination ko sa Asian TV Awards.

“Alam ninyo, manalo, matalo, the fact na ma-nominate, hindi naman po lahat nanu-nominate.

“Sa dami ng gumagawa ng pelikula, TV shows, hindi rin naman po lahat.

“The fact na nabigyan ka ng konting ganun, citation, ang laking bagay na sa akin no’n.

“Kumbaga, I will always be grateful with things like that—with or without getting it.

“Pero siyempre, iba talaga when you get it.”

Sa parte niya, may conscious effort ba na dapat lahat ng gagawin niya ay pang-award?

Tugon ni Dingdong, “Wala, walang ganoon.


“Kapag ginawa ko yun, mawawala ako sa linya.

“Ako, I just wanna do things that I wanna do and things that always challenge me. Kailangan ganoon lang.”



BACK TO DIRECTING. Bukod sa pagiging aktor, ilang beses na ring nakapagdirek si Dingdong. Pero, hindi pa raw niya alam kung kailan siyang muling magdidirek.

Pero sabi rin niya, “Gusto ko pong Magpakailanman.

“Kung hindi Marian, Paolo Contis o Eigenmann brothers o cousin, silang lahat.

“Si Marian, ayaw niya, e.”

Ayaw magpadirek sa kanya ni Marian?

“Siya ang least kasi alam ko, ayaw niya.

“At saka, siguro mas gusto ko rin na lalaki ang idirek ko. Kasi, definitely, lalaking story yun, e.

“Siya kasi, ayaw niya. Tanungin ninyo na lang siya!” natatawang sabi ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling ididirek niya si Marian, kaya niya bang idirek ito na may kissing scene sa ibang lalaki?

Sagot ni Dingdong, “Ako? E, parang sinungaling naman ako kapag sinabi kong oo, di ba?

“Hindi na, hindi na lang.

“Siyempre, hindi naman maiiwasan yung ganoon.

“Pero, ayoko naman na pagdating sa istorya, hindi ko ibibigay ang best ko dahil lang hindi ko gusto ang kissing scene.

“Ayoko naman ng ganoon. Fair rin naman ako.”



LENTEN SEASON. Sa huli, tinanong namin si Dingdong kung ano naman ang plano niya ngayong parating na Mahal Na Araw.

Biro namin, sa The Farm at San Benito ba siya ulit pupunta dahil doon sila nagdiwang ng Valentine’s Day ni Marian.

Sagot ni Dingdong, “Ako, personally, parang ayokong magbakasyon.

"Parang gusto ko naman mag-cleanse. Body cleanse.

“May iinumin lang ako. Kasi, itong si Max [Collins], nagawa raw niya.

“So, tingnan natin kung magwu-work sa akin.”

Wala silang planong lumabas ng bansa ni Marian?

“Inaayos pa. Kung abutin, baka towards the end, bago mag-Easter.

“Siguro after ng master cleanse diet. Lalabas ako, then pagbalik, subok ulit ng ibang diet.

“Yung master cleanse kasi, parang yun ang part ng Lent. Parang yun ang sacrifice ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN