Ronnie Ricketts on Muslim support for his movie Fighting Chefs: “Noong sinabi nila na gusto nilang manood to support, kinilabutan ako.”

Ngayong balik-pelikula na ang action star at OMB chairman na si Ronnie Ricketts, maaari rin ba siyang gumawa ng pelikulang na pang-MMFF? Sagot niya, “Parang ayoko sa Filmfest kasi may posisyon tayo. Ako ang nagpoprotekta kapag filmfest. I’d rather make a movie na makatulong sa industriya.”


Palabas na ang Fighting Chefs, ang pelikulang pinagbibidahan nina Ronnie Ricketts at Chef Boy Logro sa ilalim ng Viva Films.

Bukod sa pagbabalik ni Ronnie sa pag-arte, siya rin ang director nito.

Nagkaroon ng premiere night ang Fighting Chefs noong Lunes, March 4, sa Robinsons Galleria at masaya naman ang Optical Media Board chairman sa kinalabasan ng kanyang pelikula.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Halos dalawang buwan kong inupuan ‘yan!

“Siyempre, you can only work on weekend at saka sa gabi.

“At nagpapasalamat ako sa cast kasi, naging madali ang schedules since I can only work ng Saturday, Sunday, and holiday.

“Walang nagbigay sa akin ng problema—professional sa oras lahat.”



MUSLIM SUPPORT. Bilang chairman ng OMB na nagsusulong ng anti-piracy, nagulat at natuwa si Ronnie na maraming kapatid na Muslim ang nanood ng premiere ng kanyang pelikula.

Sa pagkakaalam kasi ng marami ay galit ang mga Muslim sa OMB dahil ilan sa kanila ay ang pagbebenta ng pirated DVDs and CDs ang hanapbuhay.

Kuwento ni Ronnie, “Alam ninyo, noong sinabi nila na gusto nilang manood to support, kinilabutan ako.

“Even the young Muslims are here na kasama natin sa peace process, dumating sila.”

Paano nangyari ang lahat?

“Since I’ve doing a lot of dialogues aside from information campaign and operation, nakita nila na sinsero ang gusto kong mangyari…

“Na pangarap ko na mabigyan sila ng livelihood project, mabigyan sila ng scholarship.

“Gayundin si General Ricardo Blancaflor ng IPO [Intellectual Property Office]…

“Sabi niya, ‘Chairman, ang ganda ng mensaheng nakikita ko ngayon, nandiyan ang mga kapatid natin, nandiyan ang mga natutulungan natin. Nandiyan din ang mga iba na nagpalit ng negosyo, nasagasaan ko.’

“Ang sarap ng pakiramdam, nandito sila kahit kalaban ko sila, ngayon, kakampi ko sila.”



TEAMWORK. Nawala na ba ang OMB na kalaban ng ibang mga Muslim?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The thing is, we do operation, ginagampanan natin ang batas. That’s important to them.

“Yung sincerity natin, to talk to them and tell them na mali ang ginagawa ninyo, ano ba ang puwedeng gawin?

“So, nandoon kami sa proseso na yun na marami ang nagpalit, marami ang nakikiramdam, marami ang natutulungan.

“At the same time, hindi lang OMB ito. Yung IPO, DTI [Department of Trade and Industry], local government, DOJ [Department of Justice], NBI [National Bureau of Investigation]... lahat ng ahensiya ng gobyerno.

“Parang basketball, team player ako.

"Pati ahensiya ng OMB, nagugulat, nakikita nila yung mga nakakalaban nila dati.

“Pupunta kami ng operation, wala nang batuhan na nangyayari, kasi nga, may prosesong ginagawa tayo.

“The word is… ugnayan.”



DIALOGUE. Mula nang naupong chairman ng OMB si Ronnie, tila mas “peaceful” ang mga nangyayari sa bawat pagre-raid nila at paghuli sa mga nagbebenta ng pirated DVDs and CDs.

Pero ayon kay Ronnie, “Ang ginagawa po namin, nilalabas namin ang ID, ipinapakita namin.

“Pag touchdown, meaning pinapatawag ko ang leader ng mga kapatid.

“In case may mawala, may magulo, meron agad aawat at magpapaliwanag sa kanila.

"Kaya natuwa ako sa suporta nila ngayon. Grabe, sila pa ang tumawag, ‘Puwede ba kaming sumuporta sa inyo?’

“Sabi ko, ‘Sige po.’

"Kahit noong Metro Manila Film Festival, nandiyan sila at ipinakita ang suporta sa atin.”

Sa naipakita ni Ronnie na epektibong pakikipag-usap sa mga Muslim, maaari rin kaya niyang pasukin ang isyu ng Sabah?

Kasalukuyang may kaguluhan sa Sabah, Malaysia, dahil sa pagsusulong ng isang pamilyang Muslim na makuha ang naturang lugar.

“Ay, hindi natin sakop—masyado ng malalim po yun,” sabi ni Ronnie.

Pahabol niya, “Pero sa ibang parte ng peace process, kung kailangan po natin, tumutulong po ako.”

Nailapit na ba niya talaga ang sarili sa mga Muslim?

“Oo. Sabi ko nga, mawala na ang mga corruption, mga away-away, girian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And when we do the operation, makikita nila, nandiyan si Chairman at darating agad ang leader…

“At sasabihin namin na, ‘Pasensiya na po, ginagawa lang namin ang trabaho namin.’

“Paliwanag, e… gusto nila yun.

“Hindi yung basta sasaktan mo, may kababaihan na nasasaktan. So, gender po ‘yan. Nirerespeto natin lalo na ang gender for women.”



FRONT. Posible kayang walang lalabas na pirated copy ang pelikula nilang Fighting Chefs?

Sagot ni Ronnie, “Alam ninyo, hindi maiiwasan, may mga kalaban pa rin tayo.

“But the thing is, kung ano ang ginawa natin sa Film Festival, magagawa pa rin natin.”

Sinasabi naman na ang mga Muslim na tila nagiging “front” lang sa pagpirata at ang talagang kalaban ay ang mga malalaking sindikato?

Saad ni Ronnie, “Meron pa rin talagang mga syndicate.

"Yung iba, nanggagaling sa China. Umaalis na lang kapag mainit na.

“Namo-monitor naman natin sila.

"Kaya nga what I tell them, ’You know, magagaling kayong negosyante, magagaling kayong magbenta. Bakit hindi natin idaan sa tamang lugar, sa tamang pamamaraan ang pagbebenta natin?’

“Nae-enlighten sila doon, I take time to talk to them… Hindi yung tatakbuhan ko sila after operation.

“So, nagugulat sila na, ’Bakit hindi umaalis ito? Nandito pa rin ito? Kinakausap pa rin tayo, tapos na ang raid.’

“That touched their heart… at nagbubunga siya, di ba?

"Nawala na tayo sa watch list report ng International Intellectual Property Alliance [IIPA].

“Now, we’re out of it… we’re proud of it. So, it can be done.”



MMFF MOVIE. Posible rin ba siyang gumawa ng pelikula na makakasama sa MMFF?

Tugon ni Ronnie, “Parang ayoko sa Filmfest kas may posisyon tayo. Ako ang nagpoprotekta kapag filmfest.

“I’d rather make a movie na makatulong sa industriya.”

Sa huli, kinamusta namin kay Ronnie si Marella Ricketts, ang anak nila ni Mariz na introducing sa isang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magtutuluy-tuloy na ba ito sa kanyang pag-aartista?

Natatawang sabi ni Ronnie, “Naku, ano ‘yan, suntok sa buwan.

"She’d rather go into hosting, yung mga ganoon.

“Kasi, she’s taking up B.S. Communication in Ateneo… parang she wanted to experience it lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN