Kathleen Hermosa on being a freelancer: “Gusto ko rin pong ma-experience how it’s like to be working with other actors outside ABS-CBN.”

Okay naman daw kay Kathleen Hermosa kahit hindi na naungkat ang kontrata niya sa ABS-CBN. Kuwento niya, “Kasi they’re all actually good friends so kahit naman hindi ako nakakontrata... tinutulungan at sinusuportahan pa rin nila ako. Iyon po.”


Apat na taon nawala sa limelight at nag-lie low sa showbiz si Kathleen Hermosa, nakatatandang kapatid ng aktres na si Kristine Hermosa.

Ngayon ay nagbabalik siya sa pamamagitan ng Kidlat sa TV5.

Kuwento ni Kathleen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Pero doon sa four years na yun, two years akong straight wala, two years pasulput-sulpot na projects.

“Nag-aral ako, Enterpreneurship sa Thames [Entrepreneurs School of Asia].”

Nagagamit naman daw niya ang pinag-aralan niya ngayon.

“Opo. Nagkaroon po ng negosyo.”

Sa Kidlat, gumaganap si Kathleen bilang si Beth, ang mabait na asawa ni Wendell Ramos.


Kontrabida ang role ni Wendell bilang Grabaman, na makakalaban ng bidang si Derek Ramsay.

Kinumusta ng PEP kay Kathleen ang pakikipagtrabaho niya kay Wendell.

“Ano lang normal lang, normal lang naman—nagbabago kasi siya ng anyo.”



NON-EXCLUSIVE. Bago ang Kidlat, sabay na napanood si Kathleen sa Paraiso ng ABS-CBN at Cielo de Angelina ng GMA-7.

“Opo, same month, pero hindi naman same timeslot!” ang natatawang sinabi ni Kathleen.

Hindi raw siya exclusive contract star ng TV5 ngayon at per show ang kontrata niya rito.

Bakit siya umalis sa ABS-CBN, kung saan siya nagsimula?

Tugon ni Kathleen, “Binigyan nila po ako ng contract last year.

“Sinabi ko na pag- iisipan ko, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin po binabalik yung contract.

“Iyon yung set-up namin—I haven’t actually signed any contract with them.”

Ayaw ba niya sa Kapamilya network?

“Hindi naman po. Pero gusto ko lang, hindi po talaga... sa totoo lang, ang laki ng utang na loob ko sa kanila.

“Kasi, hindi naman po ako magiging character actress kung hindi po dahil sa kanila.

“Pero iyon nga po, gusto ko rin pong ma-experience how it’s like to be working with other actors outside ABS-CBN po.”



COMPARISON. Ano ang pagkakaiba ng ABS-CBN at TV5?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually po, I can’t compare. They’re all good, both of them are good.”

How about the talent fee?

“Depende po iyon, e, sa magha-handle sa inyo.

“E, nagkataon po si Inay Rams [David] yung nagha-handle sa akin so he takes good care of me. Iyon po.”

Hindi na ba siya babalik sa ABS-CBN?

“Iyon po siguro, mapapag-usapan po iyon.”

Hindi ba siya tinatanong kung nasaan na ang kontratang ibinigay sa kanya?

“A few months after that... yes. Pero hindi na, huminto na po.

“Kasi they’re all actually good friends so kahit naman hindi ako nakakontrata...

“Tinutulungan at sinusuportahan pa rin nila ako. Iyon po.

“Yung nasa catalogue, pictorial pa rin nila ako. May regalo pa rin po ako pag Christmas, pag birthday...

“So I feel na hindi naman din po ako na-out sa kanila.”

Fifteen years si Kathleen sa ABS-CBN kung saan nagsimula siya sa AngTV.

“Pero nag-umpisa po ako [sa] That’s Entertainment [GMA-7].”

Monday edition siya ng naturang teen-oriented show ni German Moreno.

“Hindi ko maalala kung anong year!” natawang sabi ni Kathleen.



FAMILY. Ang kapatid ni Kathleen na si Kristine ay hindi aktibo ngayon sa showbiz, habang ang mga magulang naman nila ay naka-based na sa Canada.

May balak ba si Kathleen na sumunod sa parents niya?

“Ayoko pong mangibang-bansa, e,” sagot niya.

Kumusta naman sila ni Oyo Sotto, na asawa ni Kristine?

“Okay naman po, okay naman po siya.

“Okay lang naman po, we’re okay," tugon ni Kathleen


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN