RR Enriquez on going back to Banana Split: “Sino ba ako? Hello! Big star lang ba ang peg para kuhanin ulit nila?”

Pabirong inamin ni RR Enriquez kung bakit siya umalis sa Banana Split. Sabi niya: “Respeto na lang sa boyfriend, di ba? Ako, nirespeto ko lang siya… kaya wala na akong trabaho karerespeto sa kanya.”


Pagkatapos mapanood sa indie film na Dyagwar, ginagawa ngayon ng sexy comedienne na si RR Enriquez ang indie film na Raketeros.

Kasama niya rito sina Ogie Alcasid, Andrew E, Dennis Padilla, Sam Pinto, Regine Angeles, Wendy Valdez, at Qezon City Mayor Herbert Bautista na siya ring producer ng pelikula.

Nagkuwento si RR tungkol sa kanyang role sa pelikula nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment writers noong March 6 sa Rejuva Skin Care and Nail Spa.

Saad niya, “Kami nina Sam, Wendy, at Regine yung parang mean girls sa movie—salbahe kami rito.

“Si Andrew E ang ka-partner ko sa pelikula.

“Parang nasa Banana Split lang ako. Hindi ako nahirapang umarte kasi puro adlib lang kami sa movie… walang script.”



FORMER GAG SHOW. Isa si RR sa cast noon ng ABS-CBN gag show na Banana Split. Hindi ba niya nami-miss ang dati niyang show?

Sagot niya, “Actually, hindi ako nanonood ng Banana Split kasi late na yun pinapalabas.

“Pero pag minsang umuuwi ako ng bahay ng 11 p.m., nadadaanan ko sa sala na nanonood yung mga kapatid ko noon, ‘Ay, si Mareng Saicy [Aquila, former PBB housemate], nagsasayaw!”

“Parang doon ko lang napapanood at sandali lang. Ganoon lang.”

Bakit hindi siya magparamdam na gusto niyang bumalik sa show?

“Ayoko na rin... ewan ko,” mabilis niyang tugon.

Paano kung pabalikin siya?

“Hindi na ako pababalikin doon. Siyempre naman, ang kapal ko naman… lumayas-layas ako, tapos pababalikin pa ako?

“Sino ba ako? Hello! Big star lang ba ang peg para kuhanin ulit nila?”

Puwede talagang bumalik si RR sa Banana Split dahil umalis siya sa show na wala namang nakasamaang loob sa mga naging co-stars niya at sa staff.

“Wala kaming masamang pinagsamahan. Wala akong ginawang masama sa kanila at wala rin naman silang ginawang masama sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It just happened na noong time na yun, siguro medyo pag-ibig ang gumagana sa aking puso.”



RESPECT. Noong nasa Banana Split pa si RR ay puro sexy outfit ang suot niya.

Ang role niya ay parang nilalandi, hinahalikan ang mga lalaking nagiging guest nila.

Dahil dito, nagdesisyon si RR na umalis na lang sa sitcom bilang respeto niya sa boyfriend na si Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra Kings.

“Respeto na lang sa boyfriend, di ba?

"Ako, nirespeto ko lang siya… kaya wala na akong trabaho karerespeto sa kanya,” biro pa ni RR.



COURT CASE. Samantala, plano raw ni RR na idemanda ang isang ex-Pinoy Big Brother housemate at ang mister nito dahil sa utang sa kanyang two million pesos na hanggang ngayon ay hindi pa raw binabayaran.

“In all fairness, nagbabayad naman siya, nakakabigay siya.

“Pero ang sa akin, hindi ganito yung usapan namin.

"At kung hindi ko pa siya tinatakot, hindi siya magbibibigay sa akin.

“At ang ikinakasama pa lalo ng loob ko, kaya itutuloy ko na yung demanda… kasi nga, nagpauto na naman ako sa kanya.

“Binigyan ko siya ng mga alahas ko worth P700,000 at saka yung Rolex ko, para ibenta niya.

“Binibigyan ko siya ng komisyon, e. Sa alahas ko, noong nabenta niya, six thousand ang nakuha niyang komisyon.

“Para sa akin, ginagawa ko yun para rin matulungan siya… para rin makabayad siya sa akin.

“Ang nangyri, tumalbog lahat ng tseke na ibinigay niya sa akin ng mga napagbentahan niya.

“Siya pa yung galit! Sabi niya, ‘Sige, pagod na ako kasasabi mo ng demanda. Sige, idemanda mo na lang ako.’

“Sabi ko, ’Idedemanda na kita talaga ngayon…’ Eto, totoo na talaga ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN