BB Gandanghari out of Padilla Brothers movie: “Yung hinahanap kasi nila na kapatid nila, 150 pounds ago pa yun. Hindi na siya puwede sa action!”

Nakahinga nang maluwag si BB Gandanghari nang marinig ang masigabong palakpakan pagkatapos ng press preview ng kanyang pinagbibidahang stageplay, ang Halik Ng Tarantula. Sabi niya, “Para akong nanganay! This is the night na hinintay ko nang pagkatagal-tagal. Alam n’yo naman ang pinagdaanan naming lahat para dito."


Nakahinga nang maluwag si BB Gandanghari nang marinig ang masigabong palakpakan matapos ang press preview ng kanyang pinagbibidahang stageplay, ang Halik Ng Tarantula.

Ginanap ang press preview ng Halik Ng Tarantula kagabi, March 6, sa Teatrino Promenade sa Greenhills, San Juan City.

Hindi maitago ni BB ang sobrang kaligayahan nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng curtain call.

Aniya, “Para akong nanganay!

“This is the night na hinintay ko nang pagkatagal-tagal.

“Alam n’yo naman ang pinagdaanan naming lahat para dito.

“Aside from four types of rehearsal na ginawa namin, yung pag-memorize ng lines, you do the rehearsal seven times a day.

“Binasa ko yung book, you talk to Direk Soxy [Topacio]… and a lot more.

“I watched pa the film until I came up with my own.

“Kaya kung nakikita ninyo, iba yung approach namin.

“All those… hay, I’m so happy na maganda ang feedback from you!

“I still have two more days [March 7 and 8] then that’s it.”

STAGE ACTING. Napalaking transformation para kay BB ang pagganap mula sa pelikula at telebisyon hanggang sa entablado.

Aniya, “Ibang-iba, e. Ang theater, sabi ko nga, e, parang atleta ‘yan.

“Every day, you have thirteen routines, you rehearse it, and then you wait for that moment na you present everything that you prepared for.

“Parang yung Olympian na two years nag-practice tapos madadapa lang.

“I think yun din naman ang gusto ko about theater. That’s what I love about it.

“Hindi tulad sa movie o sa TV na you have to go over the script, you go to the set, you shoot it, then after makuha na yung best shot mo, puwede ka nang magpahinga.

“Dito sa theater, kung magre-rehearse ka, tapos feeling mo nakuha mo na, you can’t relax.

“Sa mismong araw din yung presentation, dapat wala kang makalimutan na lines kasi hindi ka puwede mag-stop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat marunong kang mag-adlib na hindi halata or else… di ba?

“Hindi kayo dapat sumablay. Akala ko madali, pero yun ang challenge.

“This is what I love most about theater.”



NUDE SCENE. Sa play ay may eksenang naghubad ang leading man ni BB na si Jett Alcantara, who plays Valentin.

Ayon kay BB, mabuti nga raw at hindi siya nailang at nag-buckle habang nagbabatuhan sila ng linya.

“Sa rehearsal kasi, hindi naman niya yun [maghubad] ginagawa, although siyempre napag-uusapan yun.

“Nagulat din ako sa nakita ko pero wala naman yun sa akin.

“Sa dami ko na ring nakita!” natatawang sabi ni BB.

Dagdag niya, “Pero ang mapapansin mo naman sa play ay yung istorya mismo. Hindi mo hahanapan ito ng malisya.

“Kahit naman yung kissing scene namin, kung titingnan mo, e, medyo mas papansinin mo.

“Nag-e-expect na ako ng iba’t ibang reactions.

“Yung iba tanggap, yung iba may sarili silang opinion. Okey lang.”



MARTIR. Martir ang character ni Molina sa Halik Ng Tarantula. Siya ba, bilang si BB, ay nakaranas na rin ng kamartiran?

Sagot niya, “Siguro naman, lahat naman tayo ay may kanya-kanyang kamartiran sa buhay.

“Tulad ni Molina na martir sa kanyang ina, ganun din naman tayo.

“Lahat naman tayo ay may tinatawag na mother’s instinct, di ba?”

Speaking of mothers, tinanong namin kay BB kung manonood ba ang kanyang ina na si Eva Cariño Padilla ng stageplay niya.

“Sabi niya, manonood siya sa second night.

“Sabi ko nga, huwag na siyang manood dahil baka atakihin siya sa puso.

“Sabi niya sa akin, baka raw ako ang atakihin sa puso kapag nakita ko siyang nanood!

“Ang alam ko, kasama niya sa Rommel [Padilla, BB’s brother].

“Right now, okey naman kami ni Mommy. Unti-unti na niyang natatanggap si BB!” natatawang sabi niya.

Marami ang interesado kung sa taong ito ay handa nang makipagrelasyon si BB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede pero wala ata dito sa Pinas. Hindi ako para dito.

“Actually, hindi naman hinahanap yun.

“Malay natin, baka nasa Sabah!” pagbibiro pa ni BB.



OUT OF PADILLA MOVIE. Kinumpirma ni BB sa PEP na hindi na siya kasama sa pelikulang ginagawa ng Padilla Brothers.

“Yeah, out na ako. Siyempre, si BB na ako.

“Yung hinahanap kasi nila na kapatid nila, 150 pounds ago pa yun. Hindi na siya puwede sa action!” natatawang pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN