Ciara Sotto says baby is not a priority for her and husband Jojo Oconer

Maingat sa pagtuturo ng pole dancing si Ciara Sotto upang mabura sa isipan ng mga tao ang sexy connotation dito. Aniya, “Kailangan daw ay theatrical ang dating… Kahit sa mga estudyante ko, yun ang itinuturo ko—pole fitness lang talaga.”


Isang makapigil-hiningang pole dance ang ipinakita ng singer-actress na si Ciara Sotto sa opening number ng award-winning show na Talentadong Pinoy na ipalalabas sometime soon.

Pagkatapos ng taping ng show, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang anak nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Hindi ba siya nahirapan na i-perform ang "death-defying act" na katulad ng ginawa niya?

Humihingal na paliwanag ni Ciara, “Nakakapagod din naman. Kailangan ko pa ng additional training.

“Hindi iyon yung tipong after a while, e, titigil ka na… hindi, e.

“Dapat continuous siya, kasi kung gusto mong maging okay din ang muscles mo, dapat tuluy-tuloy.

“Hinihingal din ako, promise. Pero dapat kasi consistent ka sa practice.”



DANGEROUS EXERCISE. Matagal na rin pala siyang nagpu-pole dance.

Kuwento ni Ciara, “Mga three and a half years na.

“Ini-enjoy ko na din ito kasi sabi sa akin ng doctor ko, kung ano yung kinasanayan ng body ko na exercise, yun na din dapat.

“Unti-unti nayu-used na rin ako—parang wala na rin lang sa akin yung pagod at hirap.”

May time din pala na naaksidente na rin siya sa pagsasayaw niya nito.

“Ah… oo. Sobrang hirap din kaya kailangang naka-control talaga ang leg muscles mo.

“May accidents na rin na nangyari sa akin, pero minor accidents lang.

“Buti hindi sa performances ko, karamihan sa rehearsals ko.

“Kaya nga, bawal talaga ang naka-lotion bago ako mag-perform. Kahit... like, hapon ang number ko, sa umaga ay di ako puwede maglagay ng lotion.

“Tingnan mo ang legs and arms ko, mukhang nagda-dry siya,” sabay stretch sa kanyang mga kamay.”



WORRIED HUSBAND. Hindi naman daw kontra ang kanyang asawa na si Jojo Oconer sa ginagawa niyang ito.

Sabi ni Ciara, “Siya yung taong nakapa-supportive sa akin. Lagi niya akong nere-remind mag-ingat lagi.

“Minsan, nalaglag na din ako one time. Hindi naman siya nagalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pinagsabihan niya ako na huwag ko nang gawin yung alam kong hindi ako safe.

“Kaya every time na mag-perform ako, yung sure lang talaga.”



MUTUAL DECISION. Tatlong taon na silang kasal pero hindi pa sila binibiyayaan ng supling.

Marami tuloy ang nagsusupetsa na may kinalaman ito sa pagpo-pole dancing ni Ciara.

“Hindi naman. Kasi sabi ng doctor, yung course ko ay mas maganda raw para sa tiyan.

“Sinabi niya sa akin na, ‘It’s not true na you should stop working out. It’s not true na hindi ka magkaka-baby because of that.’

“Sabi pa niya, ‘Maybe, you should take a vacation.’

"Wala namang pressure, e."

Hindi naman daw sila nagmamadali na magkaanak despite the fact na matagal na silang kasal.

“Sa aming dalawa, wala namang pressure,” muli niyang pag-a-assure.

“Kasi marami pa din naman siyang work.

“Ako din naman, ganoon din—marami rin akong inaasikaso.

“But if ma-bless kami ng baby, why not, di ba? Hindi pa namin siya pina-prioritize.”

Pero hinahanap-hanap na rin ba ang isang bundle of joy sa kanilang tahanan?

“Hindi pa naman.

“Kasi, yung di pa naman pagkakaroon ng anak, pinag-usapan din naming dalawa.

“So, ngayon, parang hinahayaan lang muna naming… it’s a two-way decision.

“Pinag-usapan namin. So, hindi siya issue sa aming mag-asawa.”



INSTRUCTOR. Bising-busy si Ciara, hindi man sa pag-artista o pagiging singer, kung hindi sa ibang bagay rin.

“Yeah, I’m also teaching… I do pole dancing classes.

“Sa showbiz, ang naturuan ko dati sina Bela [Padilla], Sarah Labati… marami pa.

“I still do singing, pero mostly sa stage na. Lahat na ‘ata ng auditions sa stage e napag-audition-an ko na!” natatawang sabi niya.

Dagdag pa niya, "Okay din sa father ko. Natutuwa naman si Daddy.

“I-make sure ko lang daw na ‘wag ako yung mababastos sa pagsayaw.

“Kailangan daw ay theatrical ang dating. Ayaw niya pa yung parang nang-aakit ako ng audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sa mga estudyante ko, yun ang itinuturo ko—pole fitness lang talaga.”



SEXY APPEAL. Wala naman daw siyang masamang impression sa nagpo-pole dance na tipong seductive at sexy ang dating sa audience.

Aniya, “I have nothing against them naman. It’s just hindi ako yun.

“Ayaw ko naman mabastos yung art ng pole dancing kaya hindi ko yun itinuturo.

“Marami rin kasi ang nagdya-judge sa amin. Yung parang, ‘Ay, stripper ‘yan, wala ‘yang suot.’

“It depends naman sa execution. Meron kasing sadyang parang nang-aakit lang.

“Meron naman kasi na mukhang sexy ang steps o tricks, di ba?”



CONTROVERSY. Sa nabanggit na sexy dance, inalam namin ang opinyon ni Ciara sa kontrobersiya na kinasasangkutan ni Anne Curtis.

Matatandaang nag-react ang Movie and Television Review and Classification Board sa provocative outfit diumano ni Anne sa production number niya sa ASAP.

Sabi ni Ciara, “I don’t see anything wrong with it.

“Kasi I think she was channelling J. Lo [Jennifer Lopez] sa suot niya sa Grammy Awards Night.

“For me, ha? There was nothing wrong with it pero naiintindihan ko din naman ang MTRCB… maraming kids na nanonood.

“Hindi ako… I mean, hindi bastos yung dating sa akin ng suot ni Anne."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN