Former sexy star Raja Montero files kidnapping case against father of her child

Nagsampa ng kidnapping case ang dating sexy star na si Raja Montero laban sa ama ng kanyang tatalong taong gulang na anak. Ayon kay Raja, nagpaalam ang ama na ilalabas ang kanilang anak ngunit hanggang ngayon daw ay hindi pa ibinabalik sa kanya ang bata.


Pagkatapos mawala sa sirkulasyon sa loob ng apat na taon ay magbabalik-showbiz ang dating sexy star na si Raja Montero.

May gagawin siyang indie film kunsaan makakasama raw niya ang GMA-7 Primetime Queen na si Marian Rivera.

"Ang title po ng movie, Batang Lagalag. Bukod kay Marian, puro baguhan po ang makakasaa ko dun," sabi ni Raja nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tatanggap pa rin ba siya ng sexy roles?

"Hindi ko po sinasabi na hindi na ako tatanggap ng mga sexy roles, pero may limitasyon na po,” sagot ni Raja.

Ilan sa mga ginawang sexy films ni Raja ay ang mga sumusunod: Katas (2003), Sabik Sa Pag-ibig (2003), Nakaw Na Sandali (2004), Langit Sa Kaligayahan Mo (2004), Tukso (2005), at Mga Kalapati Sa Gabi (2005).

Ano ba ang tunay na dahilan at nagdesisyon siya noon na iwan ang showbiz?

"Una po kasi na-in love ako tapos nagkaanak ako."

Ang sinasabing anak ni Raja ay isang babae na ngayon ay tatlong taong gulang na. Anak niya ito mula sa isang non-showbiz guy na datng karelasyon.



MISSING DAUGHTER. Wala ngayon sa pangangalaga ni Raja ang kanyang anak dahil itinakas daw ito ng tatay ng bata.

Kuwento ni Raja, "Nasa trabaho po ako nun. Tapos nagpaalam siya sa akin kung puwede niyang mabisita yung bata.

"Pumayag naman po ako kasi siyempre bilang isang ina, ayaw ko rin namang lumaki yung anak namin na hindi niya kilala yung tatay niya.

"Kaya lang, pagdating ko ng bahay, wala na yung bata. Kinuha niya sa mama ko nang walang paalam.

“Itinakas niya yung bata."

Patuloy ni Raja, "Hinanap ko yung anak ko. Kung kani-kanino akong tao nagtanong.

"Nagpa-blotter ko na rin po ako sa police.

"Tinatawagan ko po siya pero ‘can’t be reached’ na yung cell niya. Iba na po yung number niya.

"Ang ginawa ko po, nagpunta ako sa bahay nila sa Phil-Am Life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sabi po nung tatay, hindi na raw dun nakatira... sa Makati na.

"Hindi naman po sinabi sa akin yung address."

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin isinosoli kay Raja ang kanyang anak kaya nag-file siya ng kidnapping case laban sa ama ng bata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN