John Lapus on Daniel-Kathryn relationship: “Dyusko, akala ko silang dalawa na. Hindi pa pala. Nagliligawan pa lang pala!”

Ayaw ni Sweet masangkot sa insidenteng makakasamaan ng loob siya at mga miyembro ng press. Sabi niya: “Malabu-labo sigurong mangyari sa akin but if ever man, I would apologize, aaminin ko ang kakulangan ko o kasalanan ko. At saka ipapasa-Diyos ko na lang and life goes on.”


Nagbigay ng opinyon si John “Sweet” Lapus sa insidenteng involved ang kapwa Star Magic contract star na si Paulo Avelino.

May kinalaman ito sa binitawang salita ng aktor bago siya nagbigay ng award sa isang category sa nakaraang Golden Screen TV Awards noon pang March 1.

Matatandaang nagkomento ang aktor ng: “Mahirap magtrabaho kung napilitan ka lang.”

Ang komentong iyon ni Paulo ay minasama ng miyembro ng entertainment media na dumating pa sa puntong nagpadala ng letter of apology ang manager nitong si Leo Dominguez sa members ng ENPRESS (Entertainment Press Society, Inc.) saying it was just a bad joke.

Nang makausap si Sweet ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa dressing room ng Talentadong Pinoy sa Broadway Centrum, isa ito sa mga napag-usapan.

Si Sweet, along with Direk Jose Javier Reyes, ay isa sa mga permanent talent scouts ng nasabing reality show na mapapanood sa TV5.

Bungad niya, “Ang alam ko kasi, may rules ang Star Magic na kung halimbawa na-invite ka…

“Tapos, may ipapagawa sa iyo na iba… yeah… ang pagkaalam ko dapat magpaalam ka.

“Ako naman kasi, matanda na ako, kaya di ko na siguro kailangan ang mga ganyang churva-churva.

“Actually, yung katatapos pa lang na Golden Screen Awards dapat isa ako sa mga hosts.

“Pero nag-decline lang ako dahil ang dami kong mga labada [work].

“Like heto ngang Must Be Love na meron nang deadline at alam ko showing na this March 13.”

Dugtong pa niya, “Wala akong opinion doon sa nangyari sa Paulo kasi, like what I’ve said, ‘ala ako noong gabing yun sa awards night.

“Mahirap talaga mag-comment ng basta-basta.”

Pero ipinaliwanag ni Sweet ang kahalagahan ng relasyon ng mga artista o TV actors sa press people.

Sabi niya, “Ay, oo. Siyempre, very important yun.

“Ako kasi, yung mga ka-close ko na reporter ay hindi lang basta ka-close ko dahil ini-interview ako o dahil artista ako, kundi dahil mga kaibigan ko na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-a-attend ako ng birthday parties nila, sila naman pumunta sa birthday ko at kahit anumang okasyon sa buhay namin.

“So, ako talaga yung type na artista na halos kinakaibigan ko… reporter man sila o janitor o kapwa artista.

“Mahalaga sa akin yung maganda ang relations mo sa kahit sinong taong nakakaharap mo o nakaka-trabaho mo.”

RIGHT ATTITUDE. Ang tamang attitude sa trabaho at sa kapwa ay isang magandang panuntunan sa buhay, ayon pa sa magaling na komedyante.

“Sa amin kasi bilang artista, we should know where we stand,” paninindigan niya.

“Alam dapat natin kung saan yung hangganan ng relasyon natin sa kanila.

“Dapat alam natin kung alin ba ang 100 percent na ibibigay natin sa kapwa tao kahit sa friendship—alam natin yung ganoong leveling.

“Back to Paulo nga, sabi mo nga sa akin biro lang yun, pero ang advice ko dyan…

“Dapat, kung nagbibiro ka man, dapat gets din yung biro mo ng binibiro mo, di ba?

“Hanggang dito lang masasabi ko.”

PERSONAL EXPERIENCE. In his case, kaya ba niyang magbitaw ng ganoong biro na makakairita sa mga manunulat?

Pagsisiguro niya, “Well, sa akin, feeling ko, di mangyayari ‘yan.

“Twenty years na ako sa showbiz so alam ko na yung diskarte o trato ko sa kapwa ko at sa industriya.

“Hindi ako papasok sa isang bagay na alam ko na may makakasamaan ako ng loob…

“At hindi ko ako papasok sa isang sitwasyon na hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Yun. Malabu-labo sigurong mangyari sa akin but if ever man, I would apologize, aaminin ko ang kakulangan ko o kasalanan ko.

“At saka ipapasa-Diyos ko na lang and life goes on.

“Nasa punto na rin kasi ako ng buhay ko na nirerespeto ko ang kapwa-tao.”

SMOOTH SAILING. Hanggang ngayon ay maganda ang takbo ng career ni Sweet.

Bukod sa pagiging talent scout sa Talentadong Pinoy, meron pa rin siyang show sa ABS-CBN na Kahit Konting Pagtingin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gumagawa din siya ng movie sa Star Cinema na Must Be Love. Ang Must Be Love ay ang unang on-screen team-up ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kumusta naman ito?

“Masaya. Kilig na kilig ang fans sa dalawa. Ako din napapakilig din,” nakatawang bulalas niya.

“Ito na talaga ang magsasabi kung bakit naging phenomenal ang loveteam nina Kathryn at Daniel.

“Talagang tinanggap ko muna kahit dapat sana ay may gagawin ako sa Viva Films dahil gusto ko ring suportahan yung dalawa.”

Ano ang tingin niya kina Kathryn at Daniel? Silang dalawa na ba, base sa obserbasyon niya?

Natatawang kuwento niya, “Dyusko, akala ko silang dalawa na. Hindi pa pala. Nagliligawan pa lang pala!

“Si Kathryn pala, hindi pa pwedeng magka-boyfriend. Sabi nga sa kanya, “Naku Kathryn, ‘pag eighteen [years old] ka na, di puwedeng di sagutin ‘yan.

“Sa hitsura ni Daniel, mukha namang willing maghintay, e.

“Pero sweet talaga sila. Siguro yun din ang dahilan kung bakit may magic ang kanilang loveteam.

“Hay naku, ‘Day… Lalanggamin ka!” pagtatapos ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN