Max Collins on short-lived relationship with Benjamin Alves: “Binigyan ko siya ng chance na makilala niya ako, makilala ko siya, kasi magkatrabaho rin kami.”

Pinanindigan ni Max Collins na hindi niya gustong magkarelasyon sa isang taga-showbiz. Giit niya: “But, I want to stick with my decision na ayokong magkaroon ng boyfriend o mag-date na someone sa showbiz because it’s not stable.”


Nalalapit na ang pagwawakas ng dramaseryeng Pahiram Ng Sandali.

Kaya naman kung mapapansin, halos puro highlight at mabibigat na eksena ang napapanood sa naturang primetime series ng GMA-7.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max Collins sa ipinatawag na farewell pocket presscon ng Pahiram Ng Sandali noong Martes ng gabi.

Sa mga taga-subaybay ng serye, bitin niyang ikinuwento ang mga panghuling pangyayari sa mga karakter na bumubuo sa istorya.

Lahad niya, “Ang kailangang abangan ng lahat ay kung mapapatawad niya [Cindy] si Alex [Dingdong Dantes].

“Okay, na-realize niya na may kasalanan siya sa Mommy niya.

“Kay Alex ba… na-realize niya at dapat na patawarin niya si Alex at mag-move-on? That’s the question.”

LAST EPISODE. Sa March 11 na ang huling taping day nila at sa March 15 na ang final episode.

Ano ang pakiramdam na mag-e-ending na ito?

“Sad because siyempre, may pinagsamahan po kami. Mami-miss ko silang lahat—the staff, the story, the experience and my co-actors.

“But then again, we’re all excited para sa ending kasi, hindi rin namin alam.

“So, kung ano ang magiging ending, the conclusion and reconciliation of the story, yun ang excitement namin doon.

“And I think, hindi na puwedeng pahabain pa ang kuwento.”

Kung siya ang tatanungin, gusto ba niyang magkatuluyan sila ni Alex?

“In a sense, yes, dahil gusto kong maging happy ending naman ang Pahiram ng Sandali.

“For once, gusto ko rin ng reconciliation… para rin naman kay Cindy dahil the entire time, iyak siya ng iyak.

“She’s been so emotional. Sana naman at the end, maranasan niya ang maging masaya and forgiveness.

“Si Janice, si Alex... sana maging happy rin sila sa ending kasi, everyone’s so sad.”

TAKE HOME. Naitanong namin kay Max kung hindi ba niya nadadala sa bahay ang karakter niya?

“Minsan,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan kasi, parang kung palagi siyang depressed, kailangan, nandoon din ako sa mood na yun—medyo upset.

“Hindi naman ganoon ka-happy. Ang karakter ko, palaging malungkot. So, mahirap din yung biglang shift pag-uwi ko.

“But as much as possible, I try to differentiate my character from myself.”

Dugtong pa niya, “Actually, alam ko po na maraming nagagalit kay Cindy dahil sa relationship niya sa mommy niya.

“At least, affected naman po sila at doon ako ako natutuwa.”

OPPORTUNITY. Hindi maitatanggi na ang Pahiram Ng Sandali ang nagbukas kay Max ng pagkakataon para maging leading lady siya at mas higit na makilala.

Pero bukod dito, ano pa ang masasabi niyang nagawa sa kanya ng Pahiram Ng Sandali?

“Marami,” tugon niya.

“I matured as a person and I think, I have grown in general—after so long, four months ang show.

“I’ve been with people who are older than me, who are more talented than me… Very respected sa industriya.

“After observing all of them, may napapanood din ako sa kanila na tips and habits.”

Yung nakakarating sa kanyang feedback sa ipinakita raw niyang pag-arte sa Pahiram, kumusta naman, lalo na yung galing sa mga boss?

“So far po, yung mga nakakarating sa aking feedbacks are fairly good. Thank God!

“And super thankful po ako na maganda ang naging reaction ng audience sa performance ko.”

NEXT ASSIGNMENT. May follow-up show na raw ba sa kanya?

“Wala pa po,” nakangiti naman niyang sagot.

Kung siya ang tatanungin, gusto ba niya agad-agad?

“Siyempre po, gusto ko agad-agad. Kung mabigyan po nila ako ng show, matutuwa po ako and I’ll be very thankful.

“But, I’m fine and I’m really happy and grateful with what I am given.”

Kung may gagawin siyang susunod, ano ang gusto niya?

“Siguro drama po, but more on love, love story po siguro kasi, this involves family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At gusto ko rin ma-try yung loveteam. Kasi, never akong nagkaroon ng loveteam talaga.

“Although, okay rin naman po sa na iba-iba ang partner ko dahil may natutunan ako.

“Pero, okay rin po sa akin kung magkaroon ako ng loveteam.”

Sino naman ang naiisip niyang maka-loveteam?

“Hindi ko pa po naiisip yun,” natatawang sabi naman niya.

FIRST PARTNER. Ang una niyang nakapareha sa GMA-7 ay si Benjamin Alves sa Coffee Prince.

Pero mukhang hanggang doon lang umabot ang anumang “closeness” meron sila noon.

Sa huling pakikipag-usap ng PEP.ph kay Benjamin, nasabi nitong mutual daw ang naging desisyon nila.

“What decision?” ang nakangiti naman niyang pagtataka.

Na maging magkaibigan na lang sila…

“No comment,” ang nasabi na lang niya.

Sa Coffee Prince, nagpakita ng sweetness sa kanya si Benjamin, pero pagkatapos ng primetime series, napansin ng marami na natapos din ang sweetness o closeness na meron sila.

“Ang masasabi ko lang, it’s not important enough for me to be hurt. Kasi, hindi naman kami ganoon ka-close.”

Nabanggit din dati ni Max na hangga’t-maaari, ayaw niyang magkaroon ng boyfriend sa showbiz.

Pero kay Benjamin, nag-“loosen up” siya sa paniniwala niyang iyon.

“Binigyan ko siya ng chance,” saad naman niya.

“Binigyan ko siya ng chance na makilala niya ko, makilala ko siya kasi, magka-trabaho rin kami.

“It’s more on… hindi choice… na medyo maging malapit kami sa isa’t-isa, kasi, we worked together. Siyempre, we’re together all the time.

“But, I want to stick with my decision na ayokong magkaroon ng boyfriend o mag-date na someone sa showbiz because it’s not stable.”

Parang mahirap pangatawanan na hindi siya at all mag-e-entertain ng taga-showbiz.

Natatawang pagsang-ayon niya, “I know. But, I’ll try.”

Dugtong pa niya, “Siguro ngayon, mas magiging maingat na lang ako sa mga makikipag-kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just wanna be more careful because I don’t want to waste my time with a friendship na wala namang kapupuntahan.”

SAD EXPERIENCE. Nagkaroon na ba siya ng hindi magandang karanasan sa pakikipag-relasyon noon?

“Yes,” pag-amin naman niya.

“Na-trauma ako. Kasi, when I was younger, I was so trusting.

“Pero, hindi mo naman pala puwedeng pagkatiwalaan yung isang tao ng buong-buo.

“Bestfriend ko siya na guy, pero, iniwan niya ko sa ere.

“Parang nagparamdam muna siya then after that, iniwan niya ako para sa kaibigan ko.

“Doon ko na-realize na okay, bestfriend ko pala, magagawa niya sa akin yun.

“Nagpaparamdam pa siya, susubukan niya akong ligawan.

“Biglang kaibigan ko pa—parang wala siyang respect sa akin.

“Because of that, I learned to be more careful.”

GOOD RAPPORT WITH DIREK. Walang-duda na nagkaroon naman si Max ng magandang rapport sa director nila sa Pahiram Ng Sandali na si Direk Maryo J. delos Reyes.

Si Direk Maryo ang nag-rekomenda sa kanya na maging leading lady ni Dingdong sa Pahiram pagkatapos siyang mahawakan sa workshop.

Naging dahilan din ito para gawin siyang bida sa bagong pelikula ni Direk Maryo na may location shoot sa Bohol.

Ilalaban ni Direk Maryo ang pelikula sa Sineng Pambansa All-Masters National Film Festival ng Film Development Council of the Philippines na gaganapin sa September.

“Parang tungkol sa mga probinsiyana,” kuwento naman ulit ni Max.

“Magiging probinsiyana po ako roon—magpapaitim ako at paghahandaan ko talaga ang karakter.”

Ano ang pakiramdam na nagustuhan talaga siya ni Direk Maryo?

“Ang sarap ng feeling na he gave me so many opportunities and he really helped me grow as an actress.

“He’s always so supportive. So, parang doon ako nagkaroon ng confidence sa pag-arte ko, paggawa ko sa showbiz dahil sa kanya.

“Tinulungan niya ako, tinuruan niya ako, kinampihan niya ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN