Amy Perez on son Adi’s relationship with stepfather Carlo Castillo: “Sobra, para talaga silang tunay na mag-ama.”

Kampante si Amy na hindi na maghahabol sa anak niyang si Adi ang dating asawa niyang si Brix Ferraris. Rason niya: “I remember, yung huling kita niya sa anak ay yung second birthday party pa ni Adi. Ang tagal na, di ba? Para sa akin, that’s abandonment na.”


Taong 2000 nang maghiwalay bilang mag-asawa ang actress-TV host na si Amy Perez at ang dating lead singer ng bandang South Border na si Brix Ferraris.

Magta-tatlong taon naman noon ang kanilang anak na si Adrielle Benedict.

Ngayon ay fifteen years old na si Adi, palayaw ni Adrielle, mula sa pangangalaga ni Amy at ng current partner niyang si Carlo Castillo, isang radio host at news reporter sa TV5.

Dahil lumalaki na ang panganay ng anak ni Amy sa kanyang stepfather, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon ng dalawa.

Nakapanayam ng PEP si Amy kamakailan lang sa okasyon ng kanyang nalalapit na pagbabalik sa kanyang show na Face to Face.

Matatandaang pansamantalang pumalit si Gelli de Belen kay Amy habang siya’y naka-maternity leave.

Kuwento ni Amy, “Si Adi kasi, at first, di naman siya sanay na may tatay, di ba?

“So, six years na kami ni Carlo and we’re going on our seventh year together kaya adjusted na sa kanya si Adi.

“Nasanay na siyang may tatay, na may sinusunod at may nagdi-displina sa kanya.

“I remember na noong dumating si Carlo noon, hirap na hirap ako kay Adi na dinidisiplina ko siya.

“Iba pa rin kung talagang tatay ang nagdidisiplina. Parang ganoon.”

NO COMMUNICATION. Hindi ba hinahanap ni Adi ang tunay na ama?

Napabuntong-hininga si Amy, “Ahh… Well, tanggap na rin naman niya na we tried to communicate.

“Wala na talaga [si Brix]. Nag-message pa nga siya sa Facebook, wala, deadma lang siya.

“Sabi pa nga sa amin ni Carlo, ‘Wag ninyo nang i-message kasi ‘pag di sumasagot, ang ibig sabihin noon, di siya interesado.

“Parang nag-aaksaya lang kami ng panahon.”

Okay lang ba ito sa kanyang anak?

“Parang wala naman siyang reaksyon,” sagot niya.

“Sabi ko sa sarili ko na porke hindi siya kumikibo, di ibig sabihin nito na hindi siya hurt inside.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tatay pa rin niya yun. Alam ko na hindi man niya sabihin sa akin verbally, andoon yung longing niya sa kanyang ama.”

LEGAL ADOPTION. Ni-reveal na rin ni Amy sa PEP ang plano nila ni Carlo kung sakaling ikasal sila in the near future.

Aniya, “Actually and hopefully, kung ikasal na kami ni Carlo, may plano si Carlo to legally adopt him para maging Castillo na talaga siya.

“So, ano… kumbaga, aware na si Adi doon.

“Na just in case dumating yung time na maging Castillo na ang surname ko, kailangan maging Castillo na rin siya.”

Para hindi gaano dibdibin ng kanyang anak ang sitwasyon, binibigyan daw ito ni Amy ng mga halimbawa sa mga nangyayari sa ibang pamilya.

Ayon sa kanya, “Ina-assure namin lagi siya na kung anuman ang pinagdadaanan niya ngayon, huwag siyang mag-worry.

“Na hindi lang naman siya ang pamilya na may ganoong set up.

“Na yung iba merong second Daddy or second Mommy... things like that.

“Nag-set pa nga kami ng examples na huwag na kaming lumayo. Sa family namin, meron ding mga pangyayari na ganito.

“So, it’s reality talaga.”

As of now, Ferraris pa rin ang gamit ng kanyang anak.

“A... siyempre, a,” mabilis niyang tugon.

“Legally married naman kami ng kanyang ama kaya he has all the right to use his family name, di ba?

“Pero kung maayos na yung annulment, yung mga bagay-bagay na makapagpakasal kami ni Carlo, siyempre, i-a-adopt siya.”

Right now kasi ay considered na raw as an abandoned child ang teen-ager nilang anak ni Brix.

Kumpirma niya, “Ay, oo. Thirteen years na hindi siya nagpapakita sa anak niya.

“I remember, yung huling kita niya sa anak ay yung second birthday party pa ni Adi. Ang tagal na, di ba?

“Para sa akin, that’s abandonment na.”

DIALOGUE. Paano kung isang araw ay dumating ang ama nito at kunin ang kanyang anak, handa na ba siya sa ganitong pangyayari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, oo! Ready na kami diyan ni Adi,” mabilis niyang sagot.

“Sinabi ko naman sa kanya na kung sakali dumating, makipag-usap sa kanya, okay lang ba sa kanya?

Sabi niya, ‘A, okey. Kakausapin ko.’ Ganoon lang.”

Hindi naman niya ito pipigilan.

“Oo, I’ll give them time together,” muling sabi niya.

“Pero knowing Brix, sa nangyaring ito for the past many years, ‘ala namang efforts siya.

“In a way, sabi ng mga kaibigan ko, ‘Masuwerte ka na rin, mare. At least, di naiiba ang disiplina sa bata.’

“’Yung tulad ng ibang ganitong pamilya, yung anak, hinihiram. Tapos, yung anak may nakikitang girlfriend yung ama nila.’

“Yung mga ganoon ba?

“At the end of the day, nare-realize ko na si Brix pa rin ang talo.”

GOOD RELATIONSHIP. Ayon pa kay Amy ay maayos ang relasyon nina Carlo at Adi.

“Sobra, para talaga silang tunay na mag-ama,” pagmamalaki niya.

“Like I remember, yung graduation noon ni Adi noong grade six siya, tuwang-tuwa si Carlo na bini-video niya si Adi.

“In front of 400 students and parents, kumakanta si Adi. Tapos, si Carlo nasa harapan siya ng stage—tuwang-tuwa siyang nagvi-video nga.

“Yun yung mga moments na puwede naming sabihin kay Brix na na-miss niya yun... nasaan siya noon? Di na namin pwde yun ibalik.

“Tapos ngayon, yung mga plans niya [Adi], nasasabi na niya kay Carlo.

“Like sinasabi niya na, ‘Dad, magba-boxing ako ngayong summer.’

“Magpapaalam pa ‘yan sa kanya na pupuntang Starbucks kasi me mga kasamang girls.

“So, makikita mong okay silang dalawa. And happy na ako sa ganyang situation,” pagtatapos ni Amy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN