Martin Nievera on new late-night talk show: “I’m not trying to be the number one show in television.”

“I know my place, it’s just at night—to be able to say goodbye to a country I’m very grateful for—and to be able to see the other side or lighter side of whoever," says Martin Nievera about getting good ratings for his new talk show Martin Late at Night.


Nagbabalik bilang talk show host ang singer-composer na si Martin Nievera sa pamamagitan ng weekly late-night program na Martin Late at Night.

Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang mawala sa ere ang kanyang talk show na may halos parehong titulo, ang Martin Late @ Nite (1998 to 2002).

Pero bago ito, nakilala talaga si Martin bilang isang talk show host sa programang Martin After Dark na umere sa GMA-7 ng halos sampung taon (1988 to 1998).

“It’s great. It’s like I never left, napaka-smooth-sailing,” sabi ni Martin tungkol sa kanyang pagbabalik sa late-night programming.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa press conference na inihanda para sa Foursome repeat concert noong Miyerkules, March 6.

Ayon kay Martin, isa ang Martin Late at Night sa mga dahilan ng pagpirma niya ng two-year contract sa ABS-CBN noong nakaraang taon.

Kuwento niya, “When I finally got my contract from ABS-CBN, I finally have a contract and they’ve included one show.

“I only signed it when they said it’s a talk show.”

Nang tanungin kung bakit tila natagalan ang muling paghu-host niya sa ganitong klase ng programa, sagot ni Martin, “I have no idea.

“I think nobody wants to take a chance on a late-night talk show.

“Everybody wants a teleserye or a Korean show na redubbed, these are the shows na maghi-hit.

“I guess I’m very happy that ABS-CBN took a chance.”



“THIS IS FUN.” Hindi tulad ng ibang talk shows, inilarawan ni Martin ang Martin Late at Night bilang isang masaya at magaan lamang na programa.

Dahil dito, natutuwa siya na ang mga artista ngayon ay mas madaling mainterbyu hindi tulad noon.

Dagdag pa niya, “Back then, the stars were natatakot. The guests before, ayaw nila magbigay-todo.

“Ngayon, when I see them sa backstage, [they’ll ask me], ‘When are you gonna guest me on your show?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before [sinasabi nila], ‘Ayaw kong mag-guest sa Late at Night dahil baka ma-chismis lang.’ Marami silang tinatago.

“Pero yung generation today, nobody hides anything anymore.”

Ibinigay niyang halimbawa ang magiging guests niya ngayong gabi, March 8—ang dating magkasintahan na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

“Rayver and Cristine, who wants to talk about their breakup?

“Even when Pops and I appear on TV now, I don’t wanna talk about it.

“But this is a new era. People want to talk about it.

“People are okay [to say] na, ‘Mayroon kaming past pero ito ang nangyari.’

“[Nagsalita sila] pero in fun.

“Pero not like in The Buzz, in Bandila or in Rated K na in-depth. This is in fun.”



“I’M NOT TRYING TO BE NUMBER ONE.” Samantala, aminado si Martin na hindi magiging kasing taas ng ratings ng mga primetime telenovela ang ratings ng kanyang programa dahil masyado nang late ang timeslot nito.

“I don’t know if ratings are important kasi, for sure, hindi ka magre-rate sa gabi at hindi ka mag-a-advertise ng maraming commercials sa gabi.

“So, I don’t know how we’ll survive but I want to survive,” ani Maritn.

Gayunman, sinabi niya rin na, “We’re not trying to be the number one show.

“I’m not trying to be the number one show in television.

“I know my place, it’s just at night—to be able to say goodbye to a country I’m very grateful for—and to be able to see the other side or lighter side of whoever.

“They need to talk in detail about sa teleserye nila or sa album nila. Katulad ng ginagawa ng MAD before, where we launched bands.

“It’s supposed to be a nice way for people to say good night.”

Sa huli, inaasahan ni Martin na magtatagal ang kanyang bagong programa sa ere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For now, I see more goals, yung talagang dream ko na magiging forever ang show na ‘to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN